“Ok na?” tanong ni Luke na prenteng naka-upo sa motor. “Hindi pa,” makahulugang sagot ni Katie at umangkas na sa motor. “Makipagtulungan ka sa amin at di mo na kailangang tumakas para makita sila.” Wika ni Luke bago pinaktakbo ang motor paalis. Nang makabalik sa kampo, hinarap na ni Katie ang parusa niya sa dinulot na gulo kahapon. “SAAN KA NANGGALING KAHAPON?!” galit na sigaw ng kanilang leader sa combat team. “Nagpahangin nga lang,” tumatawang sagot ni Katie habang hirap na hirap na pasan ang isang sako ng buhangin, puro pasa na ang gilid ng labi at tutumulo na ang pawis sa pagod. “Matigas ka talaga ha! Ten rounds! Hindi ka titigil hanggat di ka magsasalita! Sa ginagawa mo, imbes na mabigyan ka ng pagkakataon na magkaroon ng maayos na buhay, sinasayang mo!” “Meron nga bang maayos

