Prologue
" Ano pare, uuwi kana sa bahay niyo? tanong ng kaibigan ko.
" Oo pare baka magalit sa kakahintay si misis, alam mona mahirap pa namang suyoin yon sa lagay niya ngayon at baka kung ano-ano pa ang iisipin " niligpit ko na ang mga gamit ko.
" Naks, napakabait na mister ayaw na mastress ang asawa how to be you po, kung dati halos dito kana or sa condo nakatira pero ngayon iba na may inuowian nang bahay at may maganda pang misis " pang-aasar niya kaya natawa nalang ako. Hindi ko na siya pinansin at patuloy na naglalakad palabas ng aking opisina. Saktong nakasakay na ako sa aking kotse bigla nalang may tumawag pagtingin ko si misis ang tumawag Kaya dali dali kong sinagot.
" Hubby bumili ka nang manggang hilaw at ice cream na mango flavour bago umuwi bye love you ingat ka " malambing niyang sabi at hindi man lang ako hinayaan magsalita pinatay agad. Hahayss iba talaga ang ugali kapag buntis pa iba-iba ang mood malambing, minsan masungit. Pero kahit ganoon mahal ko pa din siya at ang swerte ko na ako ang pinili niya.
Pagdating ko sa bahay sinalubong niya agad ako akala ko yayakapin niya ako pero kinuha lang pala ang bitbit ko na supot at dali-daling pumunta sa kusina. Sinundan ko siya baka madulas pa sa pagmamadali. Naabutan ko siyang kumain ng ice cream akala mo naman maubusan.
" Wifey hinay-hinay lang " saway ko sa kanya kasi may kunting ice cream pa sa gilid ng labi niya. Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya tumahimik na ako baka kapag nagsasalita pa ulit ako sisinghalan niya na. Call me " under di saya " but I don't care. Basta ako alam kung mahal ko siya at wala nang ibang makapagpigil handa kong gawin ang lahat kung sino man ang hahadlang.
" Hubby antok na ako bat ang lalim ng pinag-isipan mo, sinong iniisip mo? " hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya at pagtingin ko sa pinagkainan niya naligpit na.
" Ikaw lang naman ang iniisip ko at ang baby natin " hinalikan ko na siya sa noo at sabay himas sa medyo umuumbok niyang tiyan.
" Kumain kana " tanong ng maganda kong misis habang binaybay namin ang daan papunta sa kwarto.
" Oh tapos na, nag order kasi si Ivan kanina kaya kumain ako bago umuwi " alam kasi niya na bumisita si Ivan sa opisina kanina kasi tumawag mo siya sa asawa ko para magpaalam. Parang tanga bakit kaylangan pang magpaalam, kung hindi ko lang kaibigan baka pag-isipan ko na may gusto siya sa misis ko.
" Maligo ka muna ang baho mo " sinipa niya pa ako muntik tuloy akong mahulog sa kama. Kaya dali-dali akong pumunta sa CR, paglabas ko ayon nakatulog na si misis tumabi na ako sa kanya at tsaka niyakap.