~Present; The chapter 29’s continuation~ MITSUKI’S POV Dahil sa p*******t ng tyan ko ay hindi na ako hinayaan ni Ate na pumunta sa burol nila Mommy at Daddy. Pumunta sa bahay ang private doctor namin at saka ako chineck up. I was so stress because of what happened and I can’t even control myself. Matapos akong tignan ng doctor ay nakita ko ang dismaya sa mukha niya. “Hindi ka p’wedeng ma-stress, Mitsuki. Alam mo na nagdadalang tao ka. Kapag nagtuloy-tuloy ‘yan ay—” hindi niya matuloy ang sasabihin niya nang biglang sumingit si Janne. “You can go now, Doc,” sabi nito at saka lumapit sa akin. “You have to rest, Ate Mitsuki,” ani niya at saka ako ngumiti at tumango. Napahawak ako sa tyan ko nang umalis sina Ate Haruka. “I’m so sorry my little one, I can’t help it,” ani ko. “Hindi ko h

