"Pauwi kasi ako ng bahay no'n. Hindi ba nasabi ko na sa inyo noon na nagta-trabaho siya dati sa isang call center agency?" Tumango-tango sila sa akin. "Napadaan ako sa building no'n tapos ayon nakita ko siya. Nagkabatian kami. Kahit papaano naman ay magkaibigan pa rin kaming dalawa kahit na may nangyari nang ganoon," pagpapatuloy ko. Nanatili silang nasa ganoong pwesto. Nagpabalik-balik ako ng tingin sa kanina at kasabay no'n ay mas isineryoso ko pa ang ekspresyon ng mukha ko. Kahit na hindi ako sanay sa pagsisinungaling ay wala na akong iba pang magagawa kundi 'yun nalang ang gawin. May balak naman akong sabihin sa kanila tungkol sa pagkakaroon ko ng isa pang trabaho. Pero hindi pa 'yun ngayon. Hindi pa ngayon ang tamang oras para gawin 'yon sa kanila. Ayaw ko silang biglain. Uunt

