"So, kailan mo balak sabihin sa amin na nakabalik na ang 'the one that got away' mo?" Sinubukan kong magpatuloy sa pag kain kahit na sunod-sunod na ang inihahain sa aking mga tanong ni El at Sunny. Kanina pa nila ako ayaw tigilan kahit na ilang ulit ko nang sinabi na gusto ko munang kumain. Nagugutom na ako at kahit patapusin manlang sana nila ako sa pag kain ay ayos na. Pero wala talaga silang patawad at talagang hindi na iniisip kung malilipasan na ako. "Huwag mong sabihin na wala ka talagang balak magsabi kung hindi lang siya nagpakita rito sa café?" Dagdag na tanong nanaman ni El sa akin. Binalingan ko siya ng tingin at nagkunwari ako na hindi manlang naaapektuhan sa mga pinagtatanong niya. Kahit na hiyang-hiya na talaga ako kada nababanggit niya ang pangalan ni Gavin. Mali

