"Are you sure that you don't want to rest for a bit? Miss Kate will understand it, Dein. Siya pa nga ang nagsu-suggest na magpahinga ka na muna." Malinaw na malinaw sa akin ang mga salitang 'yon na binitawan ni Gavin pero hindi ko siya magawang malingon. Ever since we got here, he was always checking up on me. Ilang section ang layo niya sa cubicle ko at hindi rin naman kami magka-team, kaya ay kinakailangan niya pang maglakad nang ilang metro papunta sa akin. At ilang beses niya na 'yong ginawa para sa araw na 'to. Pinagsabihan ko na rin siya kanina pero parang wala rin siyang naririnig at patuloy pa rin siya sa paggawa no'n. Tuluyan na akong sumuko dahil halatang hindi naman siya magpapapigil. "Mamayang 6 AM ka pa uuwi, tapos papasok ka ulit sq café ng mga around 10 AM. I'm worrie

