Binigyan ko ng isang matamis na ngiti si Elie nang balingan niya ako ng tingin. Samantalang ang itsura ng mukha niya naman ay halos hindi na maipinta nang mga oras na 'yon. I tried to ignore her. Pinagpatuloy ko nalang ang pag-entertain pa ng mga customer kahit na parang tinutusok niya na ako gamit ang mga mata niya, sa sobrang talim ng mga 'yon, dahil sa pagkakatitig niya sa akin. "Enjoy your coffee, Ma'am! Please come back again!" Ngiti lang ang isinukli sa akin ng isang babae, kasama ang asawa't anak niya matapos nitong tanggapin sa akin ang order niya. Take out 'yon kaya naman ay hindi na namin 'yon kailangang ihatid pa sa kanila. They'll be the only one who'll wait for their orders here, beside the counter. Sinundan ko sila ng tingin at hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti ng

