"Earth to Dein Ysabel? Yoohoo?" Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses na 'yon ni Gavin sa may bandang gilid ko. Hindi ako agad nagsalita at marahang napabaling ng tingin sa kaniya. Gusto kong samaan siya ng tingin dahil sa pagbigkas niya ng pangalawang pangalan ko, pero hindi ko 'yon magawang intindihin. I have a lot of things that are worthy of my attention, and that's not one of them. "You've been spacing out since earlier, when you got back here. Is there something bothering you?" I saw the hint of worry in his face. Nanatili akong tahimik pero inilingan ko naman siya nang kaunti. Sa totoo lang ay may kung ano talagang bumabagabag sa isip ko, pero hindi ko magawang sabihin sa kaniya. Ang mga salita na nanggaling sa lalaking nakausap ko kanina ay nanatili sa isipan ko.

