Hindi ko alam kung bakit ako kinakausap ng lalaking ito ngayon tungkol sa problema ko. I'm even surprised about him offering a hand to me. Dahil ni isang beses ay hindi ko inakala na makakausap ko siya nang ganito, at dito pa talaga sa ospital. I am used to seeing him drinking his favourite coffee back at the café and seeing him here just kind of unexpected. Pero ano nga ba talaga ang ginagawa niya rito? "Pwede ko bang matanong kung ano ang ginagawa niyo rito sa ospital? Sanay lang kasi talaga ako na sa café lang kayo napapansin," hindi ko napigilang hindi itanong. Hawak-hawak niya pa rin ang dyaryo at tahimik pa rin na nagbabasa no'n. Ni hindi manlang siya gumalaw sa pwesto niya. Narinig niya ba ang sinabi ko? Kailangan ko bang ulitin 'yon? Bakit ba kasi gustong-gustong niyang nagba

