Ilang araw na ang nakalipas simula nang sabihin ng doktor sa akin ang tunay na kalagayan ngayon ni Mama. At ilang araw na rin akong nag-aabang sa lalaki sa coffee shop upang makausap siya sa isang bagay. Alam ko na sinabi kong kakayanin ko na pudpurin ang sarili ko sa pagtatrabaho, kahit na gaano kahirap, magawan ko lang ng paraan ang pagpapagamot ni Mama nang hindi masyadong umaasa sa iba. But after that talk with her doctor, reality hit me. Kung ayaw ko na tumanggap kila Gavin ng pera para pangtustos sa mga gastusin at bayarin namin sa hospital, ay sa ibang paraan nalang ako kukuha ng pera. Kung sa mga kaibigan ko ay walang bayad ang inaalok nilang tulong sa akin, sa trabahong ito ay hindi ako lubusang magkakaroon ng utang na loob sa ibang tao. Dahil pagpapaguran ko ng sarili ko

