Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital nang mga oras na 'yon. Masyadong okupado ang isipan ko at ang buong katawan ko ay nanginginig sa puntong hindi ko na magawang abalahin pa ang kung sinong mga tao sa paligid ko. The moment that I heard those words from the nurse on the phone, the only thing that was inside my head that time was to go to her as fast as I could. Ang tanging alam ko lang ay nakasunod lang sa akin si Gavin. Siya na rin ang naghatid sa akin upang makarating kaagad sa ospital. Ni hindi na namin naisipan pa na sabihan si Tita Kate, ang boss namin, na hindi na kami makakabalik pa sa agency ngayong araw. I feel bad that Gavin feels like it's his responsibility to accommodate me there but I'm also thankful that he didn't even hesitate to drive me to her. N

