Napuno ang buong katawan ko ng takot nang mga oras na 'yon matapos kong mabasa ang mensahe na 'yon na galing sa kaniya. Simpleng mga salita lang ang nandoon pero para na akong pinagsakluban ng langit at lupa. Daig ko pa ang nakakita ng multo o kung ano mang maligno dahil sa nabasa ko. I can't move my body, nor even flinch my fingers. I just stood there while staring in the corner. Muntikan ko pa nga na mabitawan ang cellphone ko nang dahil doon. "Dein, are you okay? What is it?" Gavin asked when he noticed my reaction. Unti-unti ko siyang nilingon at kitang-kita ko ang pag-aalala na nasa mukha niya habang nakatingin sa akin. I didn't answer him. I just stared at him that time. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ni hindi ko magawang magalaw ang bibig ko upang magsalita at kausapin siy

