Gavin lifted my weight as we walked towards the cab that was waiting for us. Nang makalapit kami roon ay bumungad sa amin si Sunny na nakabantay sa may pintuan sa backseat. Siya ang umalalay doon upang manatili 'yong nakabukas habang si Elie naman ang nagsarado ng bahay niya. "Dito, dahan-dahan," sunny said gently and also assisted me to get inside. Silang dalawa ni Gavin ang nagtulong upang maipasok ako nang tuluyan sa loob at agad naman din nilang nagawa 'yon. Pumasok na si Elie sa may passenger seat ng taxi at agad na lumingon sa akin na nasa likod nang tuluyan siyang makaupo roon. Ang pagaalala sa mukha niya ay kitang-kita. Hindi ko mapigilan ang hindi maging emosyonal nang dahil doon. Both of them are really like sisters to me. "Oh, Gavin? Saan ka? Kasya pa naman tayo rito

