Prologue
Prologue
"You!"
Turo sa akin ni Revox ang leader ng Lixes Gang at ang Rank 3 sa Underground Society.
"Tatalunin kita!" Sabay hagis niya ng shuriken kung nasaan ako. Ngunit nailagan ko iyon ng walang kahirap hirap.
Napangisi ako.
"Lumaban ka ng patas, hindi yung gumagamit ka ng mga laruan." kalmadong sabi ko. "You're too young for that toy. You know that huh baby?" sinadya kong lakipan ng tawa ang mga salitang binitawan ko para maasar s'ya. Nakita kong namula ang kanyang noo dahil may takip ang ilong at ang bibig nya. Pa mystery ang peg? Parang ako lang, naka maskara upang hindi malantad ang pagkatao.
"Too young pala ha?"
*Wooossh*
Napikon na sya at mabilis akong inatake. Bawat suntok at sipa nya ay swabe ko lang na iniiwasan. Bahala s'yang maubos ang lakas. Sa paraan na 'yon ko sya madaling matatalo. Hehehe! Kapag pagod na s'ya sa pag atake sa'kin, ay doon ko s'ya tatalunin.
"Bakit hindi ka lumalaban? Fight back you weak!" aniya sa pagitan ng mga suntok. Hindi ako tumugon at umiwas lang ng umiwas. Hindi naman kasi totoo ang sinasabi nya.
"Twenty minutes to go before twelve midnight. Aling Grupo kaya ang mananalo ngayong gabi? Satan or Lixes?" Sigaw ng emcee sa mic at naghiyawan naman ang ibang Gangster group na nandirito sa Underground.
Suddenly a spark of light hit into my mind.
Oh pakshet! I need to go home!
Kumilos na ako bago pa mahuli ang lahat. Sinangga ko ang dalawa n'yang kamao at sinipa ko paharap ang kanyang tiyan. Matapos kong gawin iyon ay saka ko s'ya sinipa sa gilid ng mga tuhod nya kaya napaluhod na sya sa lupa. For my final attack ay binigyan ko siya ng bullet kick.
"Hey guys! Sibat na 'ko. Kayo nang bahala dito. Gets niyo?"
Natigil sa umaatikabong laban ang mga kasama ko at takang tumingin sa'kin. Nagmadali akong isinuot ang Jaket at lumabas ng ring.
"Satanious!"
Tinawag pa nila ako ngunit hindi ko na nagawang lumingon pa dahil sa pagmamadali. Kinaway ko lang ang kanang kamay sa kanila habang tumatakbo.
Pagkalabas ko ng UG(Underground) ay tinungo ko agad ang malaking punong kahoy sa likod. Itinayo ko ang bike at mabilis na pumadyak paalis.
Taragis! Hindi nila ako dapat maabutan na wala sa bahay! Patay ako nito!
Tinahak ko ang shortcut para maunahan ko silang dumating kung sakali man.
*Boogsh*
*Paakk*
*Woosh*
"Huh? Ano yun?" Wala sa oras napapihit ako sa break dahil sa kakaibang tunog na nanggagaling sa kagubatan. Madilim, at sinag ng buwan lamang ang nagsisilbing liwanag sa buong kagubatan. Nanindig lahat ng balahibo ko nang ma-imagine ang mga nilalang na hindi kanais nais.
F*ck! Posible kayang may halimaw dito?
*Boogsh*
"Argh!"
*Paakk!*
"Ump!"
Papadyak na sana ulit ako nang may narinig akong ungol. Ano kaya 'yon?
Dahil sa ususera at chismosa akong tao, bumaba ako ng bike at nagsimulang maglakad patungo sa kagubatan. Sh*t! Sana hindi iyon halimaw.
*Boogsh*
*Paakk!*
Ayan na naman!
Habang papalapit ay may naririnig din akong halakhakan.
Huh?
Mas lalo pa akong na curious dahil doon. Ano kayang milagro ang ginagawa ng mga 'yon at mukhang nagkakatuwaan pa sila?
"Y-You'll p-pay for this!"
Napahawak ako sa dibdib. Shet! Ang gwapo naman ng boses na 'yon!
Pero teka nga, bakit parang hirap na s'yang magsalita?
"Sa tingin mo mabubuhay ka pagkatapos nito?"
Kaunting hakbang nalang at malapit na ako sa kinaroroonan nila.
*DUG~DUG~DUG~DUG~DUG~DUG*
Shet! Grabe ang kaba ko!
"Siguraduhin niyo lang na hindi na ako mabubuhay sa gagawin ninyo, dahil kung hindi. Patay kayo sa'kin!"
Hala! Ano daw? p*****n pala ito!
Biglang nabuhay ang dugo ko dahil sa narinig. Hehehe! Pwede bang sumali?
"Hahaha! Ang dami mo pang sinasabi bata, magdasal ka nalang para tanggapin ka sa langit."
"F*ck you!"
Oh my goodness!
Sumeryuso ako nang tuluyan ko na silang matanaw. Sa gitna ng kakahuyan ay may limang lalaki na nakatayo at pinapalibutan nila ang isang lalaki na ngayon ay nakaluhod sa lupa at laylay na ang ulo at balikat. Kawawa naman s'ya. Ano to bullying?
"Katapusan mo na!"
Naglabas ng baril ang pinaka-panget sa limang lalaki at itinutok ito sa ulo ng lalaking nakaluhod.
Shet! Babarilin niya yung lalaki! I need to do something!
Kinalabit na nya ang gatilyo ng baril. Hinagis ko agad sa gawi niya ang shuriken na kinuha ko kanina sa high-cut ko na sapatos.
*Woossh!*
*Ting!*
*Bang*
Yes! Sapol! Napangisi ako dahil doon. Nagliparan naman ang mga paniki mula sa mga kahoy dahil sa putok ng baril na umalingawngaw sa buong kagubatan. Lumihis ang bala at hindi iyon tumama sa lalaki.
"Sino yan? Magpakita ka!"
Oh edi magpakita. Papahirapan ko pa ba s'ya? Pero bago ako lumantad sa kanila ay tinakpan ko muna ng panyo ang bibig ko hanggang ilong. Naiwan ko kasi ang maskara ko sa bike. Isinuot ko rin ang hood ng Jaket ko at prenteng ipinasok ang dalawang kamay sa mga bulsa nito.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" - Mayabang na sagot ni Panget two.
"Uhm. Nangangahoy po?" Hindi siguradong sagot ko, narinig ko namang tumawa ng mahina ang lalaking nakaluhod. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa dilim.
"Gago ka ba? Sa ganitong oras, nangangahoy ka? Pinagloloko mo ba kami?" Panget number 3.
"Oh eh, alam mo naman pala, nagtatanong pa kayo." Pambabara ko. "And let me correct you sir, 'Gaga ho dapat dahil naririnig niyo naman ang boses ko diba po?"
"Abat--"
"Hoy ikaw, kung ayaw mong mamatay ng maaga, ang mabuti pa'y umalis ka nalang at maglinis ng bahay niyo!" sabi nung may hawak ng baril kanina. Aba ang kapal ng mukha nitong utusan ako? Para siyang si Bruhilda! Pagsamahin ko kaya sila? I'm sure bagay na bagay sila.
"Ayoko nga! Tsaka madaling araw na po, bawal daw magwalis kapag madaling araw. Mamalasin daw po kayo no'n."
"Aba't loko kang bata ka ah!" Panget number 4.
Tinawag pa akong bata?! FYI kuya! ang batang ito ang magpapabagsak sa inyo! F*ckers!
"Kung ayaw umalis, eh di 'wag niyo nang paalisin, ayaw niyo no'n? May dessert tayo mamaya." Panget number 5. Manyak! Bagay silang pagsamahin ni Totong!
"Dessert agad? Wow! Wala bang appetizer?" Kalmadong sabi ko. Hahaha! Ang mga mukha nila parang mga ebak sa toilet bowl na nakikita ko palagi sa CR ni Rere tuwing umaga.
(a/n: Pasintabi po sa mga kumakain.)
"Sunggaban niyo na nga 'yang babae na 'yan! Nakakabwisit!" Leader ng mga panget.
Unang sumugod si 4 na akmang hahawakan ako sa braso. But sorry nalang s'ya at mabilis ako. Sinalag ko ang kamay niya at inikot iyon sa kanyang likuran at tinuhod ko ang tagiliran niya.
Bagsak!
"One down, Four more to go." I smirk.
Sunod-sunod silang sumugod sa'kin at sunod-sunod din silang bumagsak sa lupa. Ngayon ay ang leader nalang ang natira.
Uh-oh!
"Sige! Subukan mong lumapit at sabog ang bungo nito!" Sabi niya habang nakatutok sa sintido ng lalaking binugbog nila kanina ang hawak n'yang baril.
"Ano ba talaga kuya? Di ba kanina babarilin mo na s'ya nang hindi pa ako umeeksena sa shooting ninyo? Oh, eh ano pang hinihintay mo? Alien? Barilin mo na!" Humakbang pa ako ng tatlo na sya namang inatras nya. Walang imik naman yong lalaki at parang balewala lang sa kanya kung mamatay man sya ngayon.
"Babarilin ko na talaga to!" Paulit-ulit kuya? For god sake! I want to go home na! Baka maabutan ako ni Bruhilda na wala sa bahay! Ako'y 'Patay!
Dahil sa pagmamadali.
Mabilis akong lumihis pakanan at pumunta sa likuran niya. Hindi nya iyon napansin kaya gulat na gulat sya nang pinilipit ko ang kamay niya na may hawak na baril. Dahil doon ay nabitawan niya ang lalaki. Tinuhod ko sya sa tagiliran tulad ng ginawa ko kanina kay panget four 'tsaka hinampas ang kanyang batok. Para sa final touch and wave, siniko ko naman ang kanyang bumbunan.
Bagsak!
Hindi man lang ako pinagpawisan.
*Weeeeeee~ Weeeeee!~ Weeeeee~*
Ang sakit naman sa tainga ng sirena na 'yan!
Sirena?!
Taragis!
Ibig sabihin Twelve na!
F*ck!
Hope takbo na!
Kumaripas agad ako ng takbo at hindi na nagsayang ng oras.
"Miss teka lang!"
Tinawag ako nung lalaking... iniligtas ko?
Iniligtas ko nga ba s'ya? Kasi parang gusto naman niya kanina na mamatay nalang eh. Ay bahala s'ya sa buhay niya! Hindi ko na siya nagawang pansinin pa kanina dahil sa pagmamadali. Hindi na rin ako lumingon pa at mabilis na tumakbo sa bike ko at mabilis na mabilis na pumadyak. Halos umusok ang kalsada sa bilis ng padyak ko ng bisikleta.
Nang makalabas ako ng shortcut ay saktong may dumaan na white limousine sa harap ko at shet!
Si Bruhilda!
Nakita kaya niya ako? Naku sana hindi!
Lagot!
Huminto ang limo sa harap ng malaking gate, dali-dali namang akong nagpadyak papunta sa likurang gate ng bahay. Sa secret gate ko. Hahaha lusot! Ipinark ko ang bisikleta sa pader na malapit sa punong mangga at dahan dahang lumakad papunta sa maids quarter.
Papasok si Bruhilda sa maids quarter!
Holy sh*t! Lagot na!
Isip Hope isip!
*Ting!*
"Aha!"
Napatakip ako sa bibig nang masabi ko iyon ng hindi man lang nag-iisip na baka marinig niya ako!
Nakita kong napadako ang tingin ni Bruhilda sa gawi ko kaya nagtago ako sa halaman. Kumukunot ang noo niya at inaaninag ang kadiliman sa parte kung nasaan ako ngayon. Sigurista!
Nang masiguro nyang walang tao ay nagpatuloy na s'ya sa paglalakad. Kinuha ko naman ang mga nakasampay na labahin sa sampayan at hinubad ang Jaket na suot at nagpalit ng kahit na anong damit at pumasok sa loob ng mansion. Nakahiwalay kasi ang maids quarter sa mansion. Malaking bahay din iyon kung tutuusin. Ngunit puro lumang gamit ang nakatambak doon. At doon ako natutulog.
"Hope?! Hope?! Nasaan ka babaeng ka?!"
Naku ayan na ang makamandag nyang tinig! Matatakot na ba ako?
Hell No! I am not afraid of her!
"Nandito po ako Beatriz!" Parang tuta na sagot ko. I am afraid of her! Choz ko lang 'yon kanina na hindi ako takot sa kanya! Ang maniwala maganda!
"Bakit nariyan ka? Saan ka galing?" Sita ni Bruhilda nang makita niya ako dito sa kusina.
"Ah Beatriz kasi po, nag vacuum po ako ng CR." palusot ko. Baka sakaling umubra.
"Nag Vacuum ng CR kamo?" Ubod taas ng isang kilay niya. Wow siguro mga 3 inch yun? Choz! Tumango lang ako at itinago ang kaba sa aking mukha. "Nag Vacuum ng CR nang suot ang gown ni Rere, at naka high-cut ka pa?"
Tiningnan ko ang damit na suot ko ngayon. Lagpas tuhod ito, at mabuti nalang din at naka-short ako kanina. Patay! Hindi ko na kasi natingnan kanina kung ano yung nahablot kong damit na isinuot.
"Ah Beatriz, ito po 'yong uso ngayon kapag naglilinis ng CR! Parang sa Prom po. Hehehe!" Nakataas parin ang kilay niya. Sige pa Hope! Convince her! "At 'tsaka ano po... kasi po..."
"Tama na! Ayoko nang marinig yang mga palusot mo! Ayokong nasasayang yang laway mo. Ayoko ring mapagod ka pa sa kakasalita dahil lilinisin mo pa ang buong mansion KO bukas."
Oh great! Ang super bait niya talaga to the max. To the highest level ang concern n'ya sa akin di ba?!
"Alam mo ba kung naka-ilang take pa kami ni direk bago niya nakuha ang perfect angle ng mukha ko na gagawing cover ng Hot Mama Magazine?"
"Gosh i'm so tired na! At alam mo ba na-- Putak! Putak! Putak! Putak!"
Marami pa syang sinasabi nang tinalikuran ko s'ya. Ang dami nyang reklamo tungkol sa pictorial daw nila kanina. Laos naman sya. Sus! If i know hindi naman talaga siya ang kukuhaning modelo para sa cover ng magazine na iyon. Hindi niya napansin na wala na ako sa harap niya dahil nakatingala sya sa kisame habang putak nang putak na parang tanga! Hahaha!
"Hope Louies!"
Argh! Taragis! Ang sakit sa tainga ng boses nya kapag sumisigaw! Hahaha! Sigurado akong sobrang pula na nang mukha niya ngayon dahil sa galit. Pumasok na ako sa maids quarter at ini-lock lahat ng pinto. Mahirap na at nand'yan lang sa paligid ang manyak.
Nahiga na ako sa kama matapos kong mahubad ang gown ni Rere at ang sapatos ko. Haist. Ganito nalang palagi ang sitwasyon ko.
Kinapa ko ang leeg ko upang hawakan sana ang locket necklace ko ngunit.
Wala!
Nasaan?