Chapter 3

2539 Words
 Hope's POV *BRZZTT~* *BRZZTT~* *BRZZTT~*  "HOPE LOUIES!!!!!!" "Hope!" "Hope!" "Hope!" Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa nakakarinding sigaw ni Beatriz mula sa buzzer.  Tngnang babae naman 'to kung makasigaw parang end of the world na. Nanlalabo ang mga mata ko nang tiningnan ang wall clock kung anong oras na. At putakteng malapot! Ala una palang ng madaling araw! Mabilis pa sa hangin na nag init agad ang ulo ko. Nagsisipa ako at napasabunot nalang sa sariling buhok dahil sa inis. Kinapa ko ang baril sa ilalim ng unan ko at susugurin na sana si Bruhilda nang mag buzz na naman sya. Tngna talaga! "Hope ano ba?! Bakit ayaw mong sumagot ah? Alam kong gising ka na at nagdadabog kaya pumanhik ka na rito! Mag grocery ka sa palengke dahil wala ng pipino! Agahan mo para makamura ka man lang! Hurry up! Ayokong maubusan ka ng stock!" 'Hope, 'wag kang magpadala sa init ng ulo mo at malamig sa labas. Ibalik mo na 'yang baril at ayusin mo ang sarili mo. Sundin mo nalang s'ya para matapos na.'  Kinalma ko ang sarili. Hingang malalim Hope. 'No Hope, tadtarin mo ng bala ang gagang 'yon para wala nang mang-aalipin sayo sa sarili mong pamamahay. Aba! Sumusobra na ang bruha na 'yan ah? Hindi ba nya alam kung anong oras palang? Go Hope, kill that witch right now. Make Rere and Totong taste what you've been through. Make them suffer like what they did to you!' Pero para yata akong sasapian ng demonyo. 'Wag kang maniwala sa demonyitang 'yan Hope may misyon ka pa sa mag-iina na 'yan. Mag hulos dili ka. Relax lang dahil walang mangyayari kung init ng ulo agad ang paiiralin mo. Sumunod ka nalang. Ang babaw ng utos kaya sundin mo na.'   'Eh sino ba namang baliw kung utusan ka ng ala una ng madaling araw para lang sa pipino? What the heck Hope! Sobra na 'yan. Makakaya mo namang alamin ang lahat kahit patay na ang mag-iinang 'yan. At tanga 'yang good side mo. May mangyayare talaga kapag init ng ulo ang paiiralin mo. Mapapatay mo sila ta magiging malaya ka na. Oh 'di ba? Amazing!' Gulong gulo ako sa pinag-sasabi ng mga konsensya ko. 'Mga' talaga dahil minsan lima sila. Lumabas na ang dalawang side ko at may tatlo pa. Dalawa na kampi sa good at evil side ko at isa na walang pakealam. 'I-tulog mo nalang 'yan Hope may muta at tuyong laway ka pang makukuha bukas.' At ayan na nga. Lumabas na ang pang-lima. Sa huli ay pinili kong sundin si no care side ko dahil sa sobrang antok pa talaga ako. Ngunit parang gusto ko na ding sundin si Evil side nang mag buzz ulit si Beatriz. "Pag hindi ka pumanhik dito sa loob ng limang minuto ay palilinisan ko mamaya sayo ang pool! I-drain at kuskusin mo ang mga tiles!" God! Grabe sa kalupitan ang isang 'to! Hindi ko alam kung paanong nalinlang nya si papa para magustuhan sya nito.  Kung sa bagay witch nga pala sya. Ginamitan nya siguro si papa ng gayuma. Walanghiya! Tss. Sa isang iglap lang ay patakbo na akong lumabas ng maids quarter and headed to my own Mansion. Ayokong mag linis ng pool dahil aabutin ako ng isang linggo sa paglilinis no'n. Nakasimangot parin ako at hindi alintana ang hitsura nang pumasok ako sa silid nya. Nadatnan ko syang naka indian sit sa isang 'di kalakihang itim na carpet at tanging isang kandila lang ang nagsisilbing liwanag sa buong kwarto nya. Napakunot noo ako dahil hindi ko maintindihan kung anong ginagawa nya. Nag yoyoga ba sya o nag o-orasyon ng pangkulam? "Ay baklang multo!" Hiyaw nya ng magmulat sya ng mata. Napatakip sya ng mukha ngunit nakabukas naman ang mga daliri nya dahilan para magtama ang aming paningin. Natakot yata sa sabog na buhok at itim na aura ko. Tumikhim lang ako para ipahiwatig na hindi ako isang multo. Nakahinga naman sya ng maluwag at bumalik sa sopistikada ang kanyang mukha. "Mabuti naman at nadala ka. Oh heto pamalengke mo." Abot nya sakin ng isang libo na buo habang nakapikit at nakataas ang kaliwang kamay nya. "Maglakad ka nalang papunta doon dahil wala akong barya. Lakad na at baka maubusan tayo ng pipino. Kawawa naman ang mga eye bags ko."   Kinuha ko ang pera at hindi nalang umimik. Umalis na ako sa kwarto nya at bumalik sa maids quarter. Wala sa sariling naghilamos, nagtoothbrush, nagsuklay at nagbihis ako. Nagsuot ako sleeveless na pinatungan ng jaket na may hood at naka short na maong na hanggang hita ang haba. Nag doll shoes lang ako dahil sa palengke lang naman ako bibili at hindi sa mall. Ayoko mag tsinelas dahil madulas. Nang matapos ay lumakad na ako. Nag-aalalang mukha ni kuya Itong ang nabungaran ko sa guard house. "Senyorita Hope Louise, saan po ang tungo niyo? Madaling araw palang po ah?" Wika nya nang salubungin ako. Nasa mid 40's na ang edad niya kaya parang tatay na rin ang turing ko sa kanya. Simula nang isilang daw ako ay siya na ang pang-gabi hanggang ala sais ng umaga na guwardya ng mansion. Kaya naabutan pa nya kung paano ako naging prinsesa sa bahay na 'to. "May bibilhin lang ako sa palengke kuya Itong." Matipid kong sagot at ngumiti ng bahagya sa kanya na sinuklian naman nya ng alanganing ngiti. Nakita kong nag-aalala parin sya kaya inunahan ko na nang may sasabihin pa sana sya. "Wag ho kayong mag-alala, kaya ko po ang sarili ko." "Oh sige po mag-ingat ho kayo sa daan at marami ng loko-loko ngayon. Tawagan mo kaagad ako kapag nagkaproblema ka at may lokong nan-trip sa'yo." Bilin pa nya at tumango lang ako at tuluyan nang lumabas ng gate.  Tatlong kilometro. Kamusta naman 'yon? Walang problema sakin ang pera para ipamasahe. Marami ako no'n. Hindi sa pagmamayabang pero mayaman pa ako sa presidente ng bansa at kapantay ko din ang iilang matataas at matagumpay na negosyante sa bansa. All of my income from our undergrond fight since grade school ay hindi ko pa nababawasan ng malaking halaga. Pakunti-kunti lang at napapalitan naman iyon ng sobra-sobra pa kapag may laban kami at kami ang panalo. Ang problema lang ngayon ay walang sasakyan ni taxi man lang! Kamalasan talaga ang aga-aga kung dumating. Na-miss yata ako ng sobra. Kaya heto na naman. Kumakapit sakin. Aist. Dala ko naman ang cellphone ko kaya nag-headset ako at nag soundtrip habang naglalakad sa gitna ng daan. I don't care and they don't care if i want to walk in the middle of the streets. May iilang malalaki at matatayog na kabahayan ang nadadaanan ko at maliwanag naman dahil sa mga streets light kaya hakuna matata. no worries. Hehe! "Looking in your eyes I see a paradise This world that I found is too good to be true. Standing here beside you Want so much to give you This love in my heart that I'm feeling for you. Let em say we're crazy I don't care about that Put your hand in my hand Baby Don't ever look back. Let the world around us just fall apart Baby we can make it if we're heart to heart." Sinasabayan ko ang pagkanta ng isang 80's song hit. Ito ang kanta na i-rerevive namin at kakantahin para sa second screening audition kung sakaling makapasok man kami sa first screening. Papitik-pitik pa ako ng daliri habang kumakanta ng mapatalon ako sa kabilang lane ng kalsada. *Beep~beep~* "Holy mother f**k**!" Bulalas ko sa gulat habang sapo ang kaliwang dibdib. Hindi ako mamamatay sa laban at sa pahirap ni Beatriz. Sa gulat ako ma dededo nito! Nilingon ko ang isang kumikintab sa itim na sports car at bumaba ang isang, well infairness ang puti at ang kinis ng balat nya. Matangkad na nasa six feet ang tangkad at nahiya naman ako sa five'seven kong height, medyo singkit din sya, matangos ang ilong, pouty red lips at may bangs. May kahabaan ang buhok nya na hanggang batok na parang kpop.  Pagkatapos kong pasadahan ang mukha nya ay tiningnan ko naman sya mula paa hanggang ulo. Gwapong gwapo sya sa suot nyang black V-Neck shirt. Black denim pants, black rubber shoes at itim na gwantes. Pero nagmukha naman syang gangster at sosyal na adik dahil sa hikaw nya sa kaliwang tainga at hikaw sa ibabang labi nya.  "Laway mo tumutulo." Nabalik ako sa realidad dahil sa sinabi nya at mabilis ko namang kinapa ang labi ko para punasan ang sinasabi nyang tumutulong laway. Ngunit nagsalubong ang mga kilay ko ng wala naman. Pinagloloko yata ako nito ah! Makikita nya! Makikita nya! Tumikhim ako at taas noo akong lumapit sa kanya.  "Hoy ikaw na mukhang wanna be gangster! Tanga ka ba? Muntikan na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa mo!" Malakas na pagkakasabi ko ngunit nanlambot ang mga tuhod ko nang mag smirk lang sya at tiningnan ako ng kanyang tantalizing eyes. Buti nalang mahilig ako sa balut kaya hindi ako natumba. "Stupid." Nabingi yata ako sa sinabi nya kaya tuluyan ko nang tinanggal ang headset na mahina ang volume at patuloy parin sa pag play ang music. "A-a-anong s-sinabi mo?" Nangingiti ako dahil hindi ko mapigilan ang panginginig sa galit. "I said. You are stupid. Ikaw itong tanga na sa gitna ng kalsada naglalakad. Are you planning to end up your life? Kung gayun hwag kang mandamay ng iba sa katangahan mo miss." Sabi nya at sumakay ulit sa kotse at pinaharurot na ito palayo. Walanghiya! Binugahan pa ako ng usok! "Aba hoy lalaki bumalik ka dito dahil hindi pa tayo tapos!" Tumakbo pa ako at hinabol ang kotse nya na imposible namang maabutan ko. Nang mawala ito sa paningin ko ay nagpapadyak ako sa inis! "Aaaaaahhhhh!" Napasigaw ako sa tindi ng frustration. "Gag*ong 'yon! May araw ka din sakin pag nagkita tayo ulit bwesit ka!" Mainit parin ang ulo ko nang magpatuloy sa paglalakad. Soundtrip lang at mahihimasmasan na ako. --- "Manang sige na, bente nalang isang kilo." Nakasimangot na pangungulit ko sa tindera ng dalandan. Kanina pa ako tumatawad dito dahil baka ma-short ako sa perang dala. Kinse nalang ang natira sa pera na binigay ni Beatriz at pamasahe ko nalang 'yon sa tricycle. Bente pesos nalang din ang natira sa extrang limang daan na dinala ko. Dumaan ako kanina sa book store nang magbukas sila at nakita ko mula sa labas na naka-display na ang mga new release na story. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad akong pumasok at bumili ng tatlong libro. Hindi ko na pinatagal dahil sigurado akong magkakaubusan ng stock dahil sa best sealer ang mga librong iyon. "Naku sige na nga. Basta balik ka sa susunod ah? Limang piso lang ang kita ko sa kada isang kilo nyan." Wika ng tindera at binalot ang isang kilo ng dalandan. Mula singkwenta isang kilo ay natawaran ko ng bente pesos. Hehe! Papayag din pala pinahirapan pa ako. Kung hindi ko lang sya binola kanina na sexy sya kahit na ang laki ng puson nya. Hindi sya papayag.  "Malay niyo po, baka bukas sa grocery store o sa mall na kayo magtitinda." Wika ko at kinuha ang supot na inabot nya sakin.  "Talaga?!" Nanlaki ang mga mata nyang tumingin sakin. Tumango lang ako ng ilang beses bilang sagot. "Bakit? Nahuhulaan mo ba na mananalo ako sa lotto at magkakaroon ng grocery store at mall?" Excited pang sabi nya at sobrang lapad ng ngiti. Nakakahawa kaya ngumiti din ako bago sya sinagot. "Hindi." "Ha?" Nagtatakang wika nya. "Sa labas lang ho kayo ng grocery store at mall magtitinda. Napaka ambisyosa mo naman." Sabi ko sabay talikod sa kanya habang di nahihirapan sa pabitbit ng pinamili. Narinig ko pa syang sinabihan ako ng ''Salbahing bata ka! Bumalik ka dito at ipapakain ko ng buo itong mga dalandan ko sayo!" Lumingon ako at binelatan lang sya at nagmadali na ring umalis.  Hehehe! Pumara na ako ng tricycle sa labas ng palengke. Mukhang mandurugas pa 'yong driver na unang lumapit sakin. "Kuya sa Castrillio Subdivision?" dumukwang na ako para sumakay ng magsalita sya. "Singkwenta ang singil ko doon."  Singkwenta? Ang mahal para sa skeleton na tricycle na kinakalawang pa at sira-sira ang upuan. At sa tingin ko'y aabutan ako ng alas-diyes kung ito ang sasakyan ko. Mukha kasing magkakalasog lasog na ang motor sa kalumaan.  "Naku di bale nalang ho! Ang ganda ng tricycle mo para sa singkwenta!" Asik ko at bahagyang humakbang paatras. "Kung ayaw mo e'di wag! Hmmp!" Pagsusuplado din nya at umalis na rin. "Tngnang driver 'yon, ipokrito!" Nag-abang pa ako ng ilang sandali at may lumapit na dalawang tricycle sa harapan ko. "Tom nauna ako sa pila kaya sakin yan!" wika ng nahuling tricycle. "Hoy Jerry wala na tayo sa pila kaya akin sya." Sabi naman ng naunang nakalapit sakin Pag agawan daw ba ako?  Nagtatalo parin silang dalawa ng may nakita akong nakatambay lang sa di kalayuan sa pwesto ko kaya ako na ang lumapit. "Castrillio Subdvision phase manggo?" Tumango lang sya kaya sumakay na rin ako. Hay salamat at makakauwi na rin ako. Mag ala sais na ng umaga kaya medyo mainit na ang araw. Ilang minuto lang ang tumagal ng huminto kami sa labas ng gate ng subdivision. "Dito na neng." "Hanggang dito lang ho?" Nagtatakang tanong ko dahil malinaw ang pagkakasabi ko kanina na hanggang phase manggo ang baba ko. "Hindi na ako pwedeng pumasok sa loob dahil hindi na yan sakop ng ruta ko."   "E'di sana kanina sinabi niyo na 'yan noong sinabi ko sa inyo na hanggang phase manggo ako bababa!" Asik ko at padabog na bumaba. Kinuha ko ang sampung piso sa bulsa ko at inihagis sa kanya. Hindi nya iyon nasalo kaya pagalit syang bumaba ng motor at lumapit sakin. "Bastos kang bata ka ah!"  Susugurin na nya ako at ibinaba ko naman ang mga pinamili ko at handa nang lumaban nang may pumigil sa kanya. Nakagwantes na mga kamay ang nakita ko. Sinundan ko iyon ng tingin. and oh! What a surprise! "Oh my! Oh my! We meet again." sabi ko at pinagkrus ang mga braso sa harap. Makakaganti na rin ako. Sinulyapan nya lang ako at tumingin ng walang emosyon sa driver. "Bitawan mo'ko at tuturuan ko ng leksyon ang batang 'yan kung paano magbayad ng maayos at hindi ihagis lang sa mukha ko!" Galit na dinuduro ako ng driver ngunit hindi ko sya pinansin. Wala akong pakealam kung kabastusan man 'yong ginawa ko. Bagay lang 'yon sa kanya dahil mandaraya sya. "Mag sorry ka miss."  Inalog ko ang dalawang tainga ko dahil nabingi na naman yata ako sa sinabi ng magaling na lalaki. "Ano kamo? Mag sorry ako?" Na meywang ako saka ko sya hinarap. "Hindi ako basta-basta nag sosorry hangga't alam ko sa sarili kong tama lang 'yong ginawa ko. And who do you think you are to interfere with others business? Get lost the both of you!" Sabi ko at sabay ko silang sinuntok. Sabay din silang napasalampak sa semento at hindi nakakilos agad kaya mabilis ko nang dinampot ang mga pinamili ko at pumasok na sa gate. Sakto namang palabas na rin si Kuya Itong sakay ng motor nya kaya nagpatulong na ako. Kanina nga hindi sya nag sorry na kasalanan nya naman. Ako pa kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD