Chapter 7

998 Words
 ~~~~~~~~~~ CIAG - Seven ~~~~~~~~~~   ††***†† ~~~~~~~~~~~ Hope's POV ~~~~~~~~~~~ "A-aray ko po! Ang sa-sakit ng tiyan ko!" Sapo ko ang aking tiyan pagkatapos kong lagyan ng tubig ang baso ni Rere. "May LBM yata ako!" Sabi ko pa na bahagyang napapatalon. "Yuck! So kadiri ka naman! Will you get out of my sight? You're so Om em geez kadirdir ka!!" Maarteng reklamo nya at nagtakip pa ng ilong. If i know ang sobrang baho pa ng tae nya sa tae ko no! At nakikita at naamoy ko iyon sa umaga sa CR nya. Hindi man lang marunong mag-flash! Katamaran. "Do'n ka nalang muna sa maids quarter at baka malason pa kami sayo." Isa pa itong si Totong! Grrrr! "Sige na Hope. Do'n ka nalang muna sa kwarto mo. Bumalik ka nalang mamaya kapag maayos ka na. Alam mo na, kailangan mo pang ligpitin lahat ng pinagkainan namin." Nabuhayan ako ng lakas sa sinabi ni Beatriz. Okay lang sa akin na magligpit mamaya. Sanay na ako dyan. Hehe! "Sige Beatriz, ako na bahala mamaya dito. Sige alis na ako. Matulog kayo ng maaga ha? Alam niyo na. Iwas eyebag. Hehe!" Tumindig ako ng maayos at lumabas na ng mansion. Dumiretso kaagad ako sa kabinet ko at kinuha sa ilalim nito ang isang mahabang box. My personalized outfit. Shorts-short na gawa sa leather. Black Vans high cut. White sleveless na naka print sa harap ang pangalang "SATAN GANG" at sa baba ng pangalan na 'yon ay naka-print ang code name ko na "SATANIOUS" Dahil sa shorts-short ang isusuot ko mamaya ay makikita ang aking tattoo na kulay itim na ahas na may buntot na pa 'Y' ang korte nito. Kaya ako nagpatattoo ng ahas dahil ito ang naka engrave sa locket necklace ko. At sa kaliwang hita naman ay ang buntot ng demonyo na kulay pula. Those tattoo's simbolized that i am the leader of the Satanious Gang. Ako lang kasi ang may ahas na tattoo. That means ako ang queen. Buntot ng demonyo lang kasi ang tattoo ng tatlo. Nasa likod ng kanang tainga ang tattoo ni Vince. Kaya nagpapahaba talaga ng buhok ang isang 'yon. Kapag may laban lang kami nag-tatali ng buhok. Nasa likod naman ng kanang balikat ang tattoo ni Sunny. Backless palagi ang suot nya kapag may laban kami. At ang huli ay si Kanji. Nasa bandang kanan naman ng tiyan nya ang kanyang tattoo. Sports bra naman ang suot nya kapag may laban kami. At sa bawat tattoo nila, sa ilalim ng buntot ay nakasulat ang kanilang mga Code names. Samantalang sa akin naman ay naka-hiwalay. Nakasulat ang code name ko sa kaliwang dibdib. Wala lang. Gusto ko lang hiwa-hiwalay ang mga palatandaan ko. Lahat ng gangster ay alam na may tattoo si Satanious sa kaliwang dibdib. Pero hindi pa nila ito nakikita. Hindi pa nila nakikita ang tunay na design ng mga letra at ang kulay ng tinta na ginamit. Hindi rin nila alam kung anong pakpak ang naka-design sa taas ng pangalan. It's a big big secret. Kaming apat lang may alam kung ano iyon. Let's get back to the story. Dahan dahan akong naglakad patungo sa lumang bodega. Ingat na ingat na huwag makagawa ng anomang ingay. Alibi ko lang 'yong LBM para makatakas ako. Haha! Naniwala naman ang mga uto-uto! Pagdating ko sa loob ng bodega ay hinawi ko ang lumang carpet sa sahig at tumambad sa akin ang secret door. Inangat ko ito at hagdan naman pababa ang nakita ko. Noong isang araw ko lang nadiskubre na may ganito palang lugar sa mansion. I wonder kung sino ang nagpagawa nito. Si papa ba o si mama. Ay ewan. Bahala na nga. Bitbit ko pa rin ang box na naglalaman ng isusuot ko mamaya. Pagkasara ko ng pinto at pagkababa ng hagdan ay agad kong kinapa ang switch ng ilaw. Kahit nakapasok na ako noong isang araw dito ay hindi ko parin mapigilan na mamangha. Napakalaki ng buong lugar. May boxing ring sa gitna at may mga upuan din sa paligid ng ring. Parang underground Gym ito. Pwde pala kaming mag-ensayo dito. Hehe! pagkatapos kong pagmasdan ulit ang buong lugar ay tinungo ko na ang isa pang pinto. Pagbukas ko ng ilaw ay nasilaw pa ako sa nagkikislapang mga kotse at big bikes. Labinlimang sports car at sampung big bikes. Iba't ibang kulay. Pero ang pinaka gusto ko sa lahat ay 'yong black ducati big bike. Napangiti ako sa mga nakikita ko. Hindi alam ng mag-iina na may ganitong lugar sa mansion. Wahaha! Akin lahat ng ito. Syempre. Sigurado naman akong sa akin talaga! Sa mga magulang ko 'to eh. Hihihi! Pagkatapos kong magbihis at magsuot ng mask ay sumakay na ako sa motor. Wow! Ang sarap sumakay sa ganito! Dati ko pa gustong gumamit ng motor. Eh ang kaso nga lang, wala naman akong paglalagyan kapag bumili ako. At tsaka, magtataka si Beatriz kung saan ako kumuha ng pera pambili. At isa pa. Menor de edad pa ako! Wala akong lisensya! Haha! Pero ngayon? Bahala na kung mahuli ako. Takot lang nila. Hehe! *BROOOMMM* Isang tunel pala ang lagusan ng secret place na ito. Ang galing! Ang astig nito! Parang sa TV lang ang mga ganitong lugar. But this is reality and fck! I am really here and riding fast as a wind! Weeeeehh! Malapit na ako sa dulo ng tunnel nang mapahinto ako. Dead end na. Walang lagusan? Pinatakbo ko ng marahan ang motor palapit sa pader at halos mapalundag ako sa gulat. "Fck! Magkakasakit talaga ako sa puso dahil sa gulat! Pero ang astig!" Nasabi ko sa sarili. Bigla nalang kasi nag-iba ang pader. Natumba ito at naging daan papunta sa taas. Whoah! Ang cool! *BROOOMM* Paglabas ko ng tunnel ay nagtaka ako kung bakit sa isang school ako napadpad. Sa gitna ng field! Whoah! Grabe ang cool talaga nito pare! Binasa ko ang nakasulat sa mataas na building. *VENOMOUS HIGH SCHOOL* "Nasa VHigh ako?!" "Holy cow! What's the meaning of this?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD