CHAPTER 42 “Teka! Hindi po siya ang may kasalanan!” hinila ako ni Mellisa palayo, “Anong hindi siya? Sinabi na nga niya na siya, hindi ba!?” ang hawak ni Mellisa sa aking braso ay tinggal ko, ngumiti lamang ako sa kaniya at tumungo. “Switzell!” sigaw niya sa akin, kitang-kita ko ang kaniyang inis at galit, “Ano ba! Magsabi ka ng totoo!” pinipilit niya ako saka niyugyog. “Kiarra! Kiarra! Si Switzell!” nagtama ang mga tingin namin ni Kyo, tumaas ang kaniyang kilay at tinignan lamang si Jen na ngayon ay umiiyak. Mabilis siyang tumungo kay Kyo saka niya kinapit at tila sinakop ang braso nito. “Kiarra, ‘yong kaibigan mo ay binuhusan ako ng mga basura!” hindi ko na sila pinagtungunan ng pansin, bakit ko pa ba sila papansinin. Gano’n pa rin naman ang mangyayari, hindi ba? Ipapatawag pa

