CHAPTER 35 TINIGNAN niya ako nang tila bang parang may nagawa akong kasalanan, ang mga mata niyang para akong tinutunaw. “Pirmahan mo na, Kyo!” bulong sa kaniya ng kaniyang katabi na si Shotaro. Napansin siguro nito na hindi makapunta ang susunod na magpapapirma, dahil sa hindi pa rin nito napipirmahan ang akin. Mabilis niyang pinirmahan ang poster ko, ngunit ang tingin niya ay nasa akin. Hindi niya tinantanan ang pagkakatingin sa akin, gusto ko na lamang lumubog sa lupa. Hindi ko kaya ang mga tingin niya na para ba akong tinutunaw. “S-salamat,” napalunok ako nang umalis sa kaniyang harapan, sumunod naman ako kay Chris. Agad kong nilahad ang poster sa kaniyang harapan, hindi niya pa ako tinitignan nang pirmahan niya ito. Humugis pa ang kaniyang pirma ng tila pa puso. “Ayan, may hea

