CHAPTER 36 Kyo’s POV “Asan ka na ba?” tanong ko mula sa kabilang linya, nasa labas na ako ngayon ng school. Tulad ng dati ay nagtatago pa rin ako, kaya medyo lumayo-layo lamang ako sa entrance. Mabuti na lang at tulog pa ang babaeng iyon, kundi ay mahihirapan akong umalis. Nagtataka nga lang ako na hindi niya ako tinanong, kung bakit kasama ko si Chris. “Sexy..” kumunot ang noo ko nang pumarada ang isang sasakyan sa aking harapan, “F*ck you,” mabilis kong binuksan iyon at agad akong sumakay sa passenger seat. Hinanap ko agad ang damit sa likod, mabilis kong inalis ang aking wig. “Mabuti at hindi ka nakita ng cctv mo?” iniayos ko ang aking tunay na buhok, masisira na ito kaka-suot ko ng wig na ito. “Sinabi ko naman sa ‘yo na tulog.” sumilay ang kaniyang ngiti. “Nakabukaka ba siya matu

