CHAPTER 33 “Ang sabi mo ay hindi ka marunong?” natatawang tanong sa akin ni Tess nang matalo ko siya sa bato-bato-pick. “Tulad lang ng sabi mo, pa-swertehan na lang talaga.” saka ako tumawa, siya naman itong sumimangot at tumingin sa akin, “Ang duga ah!” nanlaki naman ang aking mga mata, wala naman akong ginawa na cheat. Paano ako naging maduga? Hindi ko nga alam ang ibabato niya sa akin, nanghula lang rin naman ako nang ibabato ko sa kaniya. Kung alam ko lang na sisisihin niya ako ay sana binato ko na lamang siya ng tunay na bato. “Ngayon! Dahil tatlo na lang kayo, ang mga natalo ay magmamaiba taya! Kung sino ang naiiba ay siya ang aalis!” kasama si Mellisa sa mga natalo at gano’n na lamang ang paglumo ko nang hindi siya nakasama sa laro. Siya ang naiba sa dalawa, kaya siya ang aali

