CHAPTER 32 “ANG DAMI NAMANG BILAT DITO!” iyon agad ang bumungad sa amin sa nang makapasok na kami sa loob ng mall. Agad kaming pumunta sa circle at tinignan ang iilang mga babaeng naroroon. “Wala pa ang mga idol mo,” binangga niya ang aking balikat, hinahanap rin ng aking mga mata ang sina Kyo at iilan niya pang kasama, ngunit tama nga si Mellisa, wala pa nga ang mga idol ko. “Baba na tayo, baka maubusan tayo ng upuan!” agad-agad niya akong hinila, habang si Zell naman ay nakasunod lamang sa amin. “Sandali lang naman!” kung makahila naman kasi siya ay parang hindi na kami aabutan sa event. “Kailangan natin magmadali, alam mo namang kailangan natin mauna.” para saan? “Hindi naman na ‘yon, kailangan.” sumasabay lamang ang aking katawan sa kaniyang paghila sa akin. “Alam mo ang dami

