Chapter 52 "Mas maganda 'to para sa kaniya!" inagaw ni Marie ang isang dress na hawak ni Tiff, ngayon kasi ay Tuesday na at sa Friday na ang laban. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa gagawin ko. Basta ginawa ko lamang ito para kay Kyo. "Hindi ko alam, kung bakit pinipilit pa nila na isali sa pageant na hindi naman babagay sa 'yo.." hinawakan ni Marie ang siko ko, ngumiti lamang ako sa kaniya at hindi na pinansin ang sinabi ni Alyanna. "Hayaan mo na 'yan, ganiyan talaga pag-inggit." saka niya ako kinindatan, "Noon pa man ay ganiyan na 'yan, hindi lang talaga nagbago." sunod pa ni Tiff. "Kaibigan mo 'yan noon, Tiff. Bakit hindi na ngayon?" nakikinig lamang ako sa kanila, habang ang mga damit naman ay tinitiklop, "'Wag mo na tiklupin, iha-hanger na lamang 'yan." agad naman akong

