Chapter 53 “’Wag d’yan!” sigaw ni Mellisa nang inaayos na namin ang booth, nanghihina ako sa sobrang dami na naming gagawin. Inaayos namin ngayong hapon ang booth, dahil sa darating na Wednesday ay magsisimula na ang event sa school na ito. Noong kailan lang ay gusto kong magsimula na ang event na ito, para sana ay matanggal ang stress ko. Ngunit hindi ko alam na isa pa pala ito sa mga magbibigay sa akin ng kaparaguran. “Ilagay mo na lang sa itaas!” sunod niya pang utos, napanguso naman ako. Minsan ay hindi na ako natutuwa sa inaasta ni Mellisa sa amin. “Siya ba ang leader?” tanong ni Marie sa amin, hindi naman namin siya ka-group, sadyang napasama lang siya sa amin, gusto niya rin naman iyon na pumunta sa amin at dumalaw sa ginagawa naming tent. Sinilip ko ang loob, nagsisisigaw

