Chapter 57 Namuo ang aking mga luha nang kausapin ako ng principal. May kung ano sa dibdib ko ang natatakot sa kung ano ang pwede niyang gawin, hindi kaya ay patalsikin na ako sa paaralang ito? Hindi maari, ako na lang ang inaasahan ni mama at papa. Gusto nila 'to, para sa future ko. "Hindi mo ba alam ang mga rules sa paaralang ito? Ms. Tebez?" hindi ako nakasagot sa kanyang tanong, bagkus nakayuko lamang ako at pinakikinggan ang kanyang mga sinasabi. Natatakot ako sa lahat, sa pwedeng mangyari. Ngunit ang iniisip ko ay si Kiarra, mas kailangan niya ng tulong. Ngunit ako naman itong napahamak, ako naman itong walang mahingian ng tulong. "Nakakailang ulit na ako sa pagtatanong sa iyo, ngunit hindi ka naman sumasagot." nang mangyari iyon kagabi ay bago pa lamang magsimula ang klase ay pi

