CHAPTER 3

1236 Words
CHAPTER 3 HALOS manlaki ang aking mga mata ng tuluyan kaming makababa mula sa sasakyang sinasakyan lamang namin kanina. Totoo nga’ng napakalaki ng paaralang ito tulad ng nasa litratong ibinigay sa’kin. “Ang laki!” hindi ko makapaniwalang sinabi iyon habang iniikot ko ang buong paaralan ng tingin. Nagulat na lamang ako ng may humawak sa aking balikat at saka binulungan. “Ang gawaing iyan ay gawaing ng isang probinsyanang tulad natin.” natatawa man ngunit alam ko na ang kaniyang pinaparating. Sa totoo lamang ay ngayon lamang ako nakakita ng ganitong paaralan na napaka-ganda. “Wala akong makitang lalaki!” hindi ako makapaniwalang sigaw ng isa naming kasama na taga Cebu. Natawa naman ako nang isipin kong bakit siya mag-hahanap ng lalaki sa paaralang ito kung ito ay all girls school. “Dzai! Bilat School ‘to!” mas lalo naman kaming natawa ng banggitin ng isa pa naming kasama ang bilat na word. Ang bilat school. “Halina’t pumunta na tayo sa inyong dorm at makapag-pahinga na kayo dahil bukas ay may orientation kayo.” saka naman kami sumunod habang hila-hila ang kaniya-kaniya naming maleta. Samantalang ako ay may maleta na may dalawa pang bag. Ganoon ako karaming abubot na dala. Sa pag-lalakad namin na medyo nakakahingal dahil malaki pala talaga ito at medyo may kalayuan ang dormitoryong para sa amin ngunit nabawi naman iyon ng makita namin kung gano iyon kaganda. Isang modernong building ang kaharap namin ngayon. “Waray talaga ako masabi sa kagandang lugar na ito.” napatingin ako sa taga leyteng nag-salita niyon. Naintindihan ko ang kaniyang sinabi dahil ang ginamit nilang Waray na salita ay kung sasabihin sa tagalog ay wala. “Gwapa man ng building ano, dzai?” rinig ko pang pag-tatanong nila dahil sa totoong maganda ang building na ito. “Ang dormitoryong ito ay para lamang sa mga scholar na katulad ni’nyo.” mas lalo akong namangha dahil sa laki nito ay maaring marami talaga ang scholar sa paaralang ito. “Ibig sabihin po ‘ba Ate Joy ay marami talagang scolar sa paaralang ‘to?” kahit ako ay hindi makapaniwala na ganito pala silang kumukuha ng mga scolar upang tupurin ang pangarap ng mga kababaihang tulad namin. “Tama kayo, ‘Dito rin kami naka dorm kaya’t ang ibig sabihin ay makakasama niyo pa rin naman ako sa iisang building.” gumaan naman ang loob ko ng sabihin iyon ni ate Joy. Dahil baguhan lamang ako sa lugar na ito kaya hindi ko matago ang kaba. “May ibibigay akong papel sa inyo pero bago ‘yon ay tatawagin ko ang pangalan niyo.” saka ito may kinuha sa kaniyang bag at may inilabas na papel na maliliit doon. “So, simulan natin kay Angel. Ang dorm number mo ay 36.” saka ito lumapit upang kunin ang numerong ibinibigay sa kaniya. “Huwag kayong mag-alala dahil may kasama naman kayo sa kwarto.” mas lalong um-okay ang pag-hinga ko ng marinig ko ang sinabi ni ate Joy. Buti na lamang ay dalawa sa isang kwarto. “Switzell, ‘ito ang sa iyo,” saka ako lumapit at kinuha ang papel. Number 24? Sa pangalawang palapag iyon dahil ang nakalagay rito ay Door 24, 2nd Floor. Sino naman kaya ang makakasama ko? Ilang saglit pa ang nakalipas ay agad naman kaming pinasok sa loob ng building na aming magiging dorm. Kahit ang loob nito ay maganda. “Itong floor na ito ay may living area, mayroong TV ‘doon na pwede kayong manood.” saka nito itinuro ang nasa kaliwang parte ng building. “May ganoon rin sa second floor at third floor at sa susunod pang floor.” natatawang pag-papaliwanag nito sa’min. “Walang mag-tatakbuhan sa labas ng kwarto, walang sisigaw at walang mag-dadala ng lalaki.” kahit ako ay natawa ng sabihin niya iyon sa’min. Dahil paano naman kami makakapag dala ng lalaki kung wala namang lalaki sa paaralang ito. “Hay nako! Oo alam ko ang nasa isip niyo pero once na nakalabas kayo ng paaralang ito ay may makilala kayo.” pag-sasabi nito na parang inspired pa ito. Mukhang may nakilala siya mula sa labas ng paaralang ito. Maari namang mangyari iyon dahil ilang taon na rin siyang naandito sa Maynila. Mula sa pag-kakaalala ko sa sinabi niya ay isa na siyang senior sa paaralang ito at siya ay 4th year student na mula sa Mary Univesity. Graduating na pala si ate Joy at matutupad na niya ang pangarap ng kaniyang pamilya dahil makaka pag-tapos na siya sa isang magarang paaralan tulad ng Mary University. “Nako! May mag-kakagusto kaya sa tulad kong taga probinsiya kung ang tingin sa’min ng mga taga Luzon ay nangungulam.” muling sabi ng taga Davao na agad nanaman kaming nag-sitawanan. Kahit sa amin ay ganiyan din siguro ang tingin ng mga taga Luzon sa Samar. Ngunit totoo naman ang mga ganoong klaseng tao dahil mayroon sa Samar ang ganoon mula sa lugar ng Western Samar may ilang pamilya pa ang gumagawa ng ritwal na ipinag-babawal. Paano ko iyon nalaman? Dahil palagi sa’kin sinasabi ng magulang ko. Na kung kayo ay dumayo sa ibang lugar ay huwag kayong titingin sa kanilang mga mata lalo na kapag tinititigan nila kayo. Dahil kung minsan ay bubulungan na lamang kayo dahil inggit sila sa iyo at doon mag-sisimula ang nag-kakaroon ng kung ano-ano sa mukha. Ang ritwal na iyon ay nagagamit lamang ng nakaka-alam at ginagawa nila iyon pag sila’y inggit o kaya naman ay selos. Kaya’t laging sinasabi sa’kin ni Mama na huwag ako mag-papakita ng kahit anong balat mula sa ibang baryo lalo na kung dayo lamang ako sa lugar na iyon dahil pwede akong bulungan at may kung anong mangyari sa’kin na hindi maganda. “At isa pa, huwag sana kayong tatakas dahil malalagot kayo.” muling pag-bibigay sa ‘amin ng payo. “Maari na kayong pumunta sa inyong kwarto. Mag-pahinga na kayo para bukas ay may lakas kayo upang malibot niyo ang buong paaralan.” maligayang bati nito saka kumaway sa ‘amin at umalis. “Bye!” pag-papaalam ng iba naming kasama kaya’t agad naman akong umakyat sa pangalawang palapag at hinanap ang kwartong 24. Sa kanya-kanyang pinto ay may papel at doon nakalagay ang mga pangalan ng kung sino ang may kwarto sa loob. Mabilis kong nahanap ang kwartong aking tutuluyan kaya’t ibinaba ko muna ang bag na aking hawak sa sobrang ngalay ko habang nakatingin sa labas ng pinto at tinititigan ang papel na may naka-sulat nang aking pangalan sa itaas at may pangalan naman sa ibaba ng aking makakasama. “Kiarra Vallino, Vallino?” Napa-isip na lamang ako ng parang ka-apelido nito ang crush ko mula sa bandang kinaadikan ko. Si Kyo Vallino. Sikat pala na apelido ang Vallino sa Maynila dahil hindi naman ako maniniwala na may kapatid si Kyo na mag-scolar dahil mayaman ang kanilang pamilya base sa nabasa ko. At wala naman silang kapatid na babae mula sa nabasa ko sa internet. Agad akong pumasok mula sa loob ng kwarto ng makita ko ang isang babaeng nakatalikod habang hawak-hawak ang isang bulaklak na inilalagay nito sa tabi ng kaniyang kama. Maputi ang babaeng ito na kahit ang kaniyang suot ay maganda, totoo bang scholar ang babaeng ito? “Hello?” bati ko habang nakatalikod ito kaya naman nakuha nito ang atensiyon ko at agad humarap ng may ngiti. Ngunit agad na lamang ako na istatwa ng kamukhang-kamukha nito ang lalaking gustong-gusto ko. Ang lalaking nag-bago mula sa nakaraaan ko. Kamukhang kamukha nito ang isang Kyo Vallino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD