CHAPTER 4
“K-KYO?” nabagsak ko ang aking hawak na bag, nakanga-nga ang aking bibig at tila hangang-hanga sa aking nakikita. Paano naging babae ang crush ko? May kakambal ba siya? “May bilat ka?” sumama ang tingin niya sa akin, ngunit para sa akin ay seryoso ako. Gusto ko siyang sumagot agad, ang kaninang mahiyang ako ay tila nagbago, gusto ko malaman ang totoo.
“W-what!? Oh my god!” nasapo niya ang kaniyang ulo, inilapag niya ang kaniyang hawak na snake plant sa kaniyang side table. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, tila parang ine-examine niya ang buong pagkatao ko.“Are you my dorm-mate?” suminghap ito, “I don’t like people, who sees me as my brother so you kno-” hindi ko na iyon pinatapos.
“Maaring kamukha mo siya, pero hindi ka naman siya.” pagtatama ko, hindi ko lang maisip kung bakit scholar siya rito sa school na ito. Saka bakit niya kamukha si Kyo? “Kapatid mo ba si Kyo?” tanong ko sa kaniya, tumalikod na ito sa akin. Ako naman itong lumapit muli sa kaniya, inilagay ko ang aking bag sa kamang katapat lamang ng kaniya. “Saka bakit ang taray mo?” sunod kong tanong sa kaniya, hindi ako ganito ka daldal ah! Hindi ko lang din alam kung bakit ganito ako ngayon, siguro dahil namamangha ako na may kasama akong kamukha ni Kyo? Ang pinaka-crush ko? Ang lalaking tumulong sa akin para makabangon?
“Saka-”
“Can you stop mumbling?”
“Nagtatanong lang naman ako,” nguso kong sambit sa kaniya, tinarayan niya ako muli. Hindi ko alam kung bakit nadilaan ko na lamang ang aking mga labi, gusto ko na agad tawagan ang nanay ko. Gusto ko na kasi sabihin sa kaniya na may katabi akong matulog na kamukha ni Kyo. “Well, clearly I don’t like people who just like you,” naningkit ang aking mga mata, marunong naman ako sa ingles, pero bakit parang dudugo ang ilong ko sa kaniya. “W-well..” ako naman ang nagsalita, gusto ko sanang lumaban nang pagalingan sa pag-english, ngunit parang hindi sang-ayon sa akin ang aking utak.
“Well.. fine!” napapikit-pikit ako sa sinabi ko, hindi ko rin alam. Tahimik siyang naglabas ng mga kung anu-ano sa kaniyang bar. Tinitignan ko lamang siya, habang ako naman ay inilabas rin ang aking pinakamamahal na kumot at punda na mayroong mukha ni Kyo. Akala mo ay katabi ko siya, kapag kinumot ko sa akin ang aking comforter. Unti-unti ko iyong iniayos sa aking kama, pati na rin sa aking unan. Siya naman itong creme ang kaniyang punda, masasabi ko talagang nang galing siya sa marangyang pamilya. May hindi ako naintindihan sa sinabi niya kanina, dahil siguro ay ingles, pero tama naman ang pagkakarinig ko na ‘I don’t like people who sees me as my brother?’
Iilang damit niya naman ang kaniyang inayos sa drawer na mayroon sa dorm namin, dalawa iyon.
“Nako! Nalukot ang mga ito!” inis kong sabi, habang nakatingin sa mga poster ni Kyo at ang iba niya pang kabanda, parang nadurog ang puso ko.“Hala..” gusto kong maiyak, ngunit wala na tayong magagawa. Napansin kong habang naglalagay siya ng kaniyang damit sa drawer nito ay nasulyap siya sa akin. “I-is everything alright?”tumingin ako sa kaniya, at mabilis akong umiling. Kahit paano pala ay hindi naman siya ganoon kasungit.
“Ahh..” tumungo-tungo ito, sinumulan niya muli ang pag-aayos nang gamit niya sa kaniyang drawer. Huminga ako nang malalim, inilabas ko na lamang ang lahat ng dala ko. Lahat ng mayroong mukha ni Kyo, mula sa frame na dapat ay pamilya ko iyon at ako kasama ang-hays. Naalala ko muli siya, ang kapatid ko. Umangat ako ng upo, nasa Manila na ako. Narito ako para sa pangarap ko, kaya hindi ako kailan man malulunod muli sa nakaraan.
Inilabas ko ang aking mga poster na iilan at dinikit iyon sa tabi ng aking kama, halos parang punuin ko ang ding-ding na iyon ng mukha ni Kyo at iilan niyang kabanda.
“Holy pig!” nabigla ako, halos hindi ko naiidikit nang maayos ang huling poster na gusto ko, dahil sa sigaw ng kamukha ni Kyo.“What are you doing!? You-” tinuro niya ako, saka niya muling tinignan ang nasa ding-ding, “Y-you obsess crab!” umawang ang aking labi, hindi ko nanaman na gets ang kaniyang sinabi, hawak-hawak ko pa rin ang laylayan ng poster at idinikit na iyon. Hindi ko muna pinansin ang sinabi niya, hanggang nang matapos ako ay hinarap ko siya. Bumaba ako sa aking kama nang patalon, pinapag-pag ko pa ang aking kamay saka ako tumingin sa kaniya.
Kitang-kita ko ang pagkairita niya sa mga poster ko, ano ba ang mayroon don? Saka bakit ba siya galit na galit? Kamukha niya nga si Kyo, ngunit magkasalungat naman ang kanilang ugali. Sabi sa mga napapanood ko ay mabait at malambing si Kyo, hindi katulad nitong kamukha ni Kyo na may bilat.
“Excuse me, Kyo the second with bilat..” nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko, “Hindi ko alam‘kung bakit galit na galit ka sa akin, wala naman akong ginawa sa iyo.” ngumuso ako, hindi ako ganitong klaseng tao. Aminado akong napakaduwag ko at hindi palakaibigan, ngunit sa tuwing nakikita ko ang babaeng ito na kamukhang-kamukha ni Kyo ay tila parang natutuwa ako.“What are you doing!? You really that obsess to my twin brother!?” she growled.
Wala naman akong ginawang mali ah! Ngumunot ang noo ko, ngunit nang mapagtanto ko ang sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko, tama ba ang narinig ko?
“T-twin brother?” turo ko ang aking posters, saka ko muli siya tinuro.“K-kapatid mo si Kyo?” tumingin ito sa akin na parang nagtataka, “Hindi pa ba halata? Are you blind or what? Sinabi ko na kanina,‘tapos tatanungin mo nanaman ako?” lumakas siya papalapit sa akin, binanga ako nang kaniyang braso. Hindi ako makapaniwala, paano iyon nangyari? “H-hindi ba’t mayaman naman kayo?” gusto ko lang naman magtanong sa kaniya, hindi pa rin kasi ako makapaniwala.
Nakagat ko ang aking labi, gusto ko na sana siyang pigilan, baka kasi ay magalit pa siya sa akin.
“Nako-nako! Pasensiya ka na! Ano kasi, hindi lang ako makapaniwala!” hilaw na ngiti ang kaniyang ibinigay sa akin, tila naintindihan naman niya ang gusto kong iparating. “Don’t worry, hindi ko rin naman sasabihin sa iyo ‘kung bakit.” napanguso na lamang ako ng dis-oras, “Okay lang naman, masaya akong makilala ka!” masayang-masaya kong sabi sa kaniya, “Ako nga pala si Switzell Rae Tebez!” pagpapakilala ko sa kaniya, siya naman itong naniningkit ang mga matang tignan ako, “Fine, maybe it’s nice to meet you too, obsess crab..” nakangiti pa rin ako, kahit pa na sinabihan niya akong obsess crab.
“Nako, ayos lang kahit hindi mo na sabihin ang pangalan mo, nakita ko naman sa pinto!” masaya ko muling sabi, “Kaya pala Vallino ang apelido, kakambal mo pala si Kyo..” tinignan ko ang aking poster, huminga ako nang malalim. “Are you really that obsess to my brother?” katabi ko na pala siya ngayong tinitignan rin ang aking poster na nakadikit sa ding-ding, tabi nang aking kama. “I mean, no offense! I know my brother is a public-figure guys, are you really that obsess?” lumalim ang kaniyang boses sa dulo. Naintindihan ko naman kahit paano ang kaniyang ingles, kaso nga lang ay hindi ako makakasagot ng ingles sa kaniya.
“Uhm.. sa tuwing nakikita ko kasi siya ay lumalakas ako.” simpleng sagot ko, hindi ko masabi sa kaniya ang totoo dahil hindi pa naman kami close, hindi ba? At hindi rin ako marunong sabihin ang nararamdaman ko, baka I-judge nila ako. Umiling ako nang maalala ko ang kapatid ko, naririnig ko sa isip ko ang paghihingi niya ng tulong. “Hey? Are you alright?” nagulat ako nang may humawak sa aking braso, “Alam mo, kakaiba ka talaga..”
“M-may naalala lang..”
“Mukhang tired ka na, so better sleep now.”
“English speaking rin ba si Kyo?” hindi ko maiwasang magtanong, kita kong nahinto siya mula sa kaniyang pagpunta sa kama nito. Tumingin ito sa akin at suminghap, “Ayoko talaga ng pinag-uusap ang pamilya ko,” ngumiti siya sa akin ng tipid. “Hindi ko gusto na kinakaibigan lang ako, dahil kapatid ko ay isang sikat na artista.” umiling-iling ako, hindi naman iyon ang balak ko sa kaniya. “Nako! Hindi! Hindi nga kita kaibigan, E!” wala naman akong nasabi nakakatawa, ngunit nakita ko siyang ngumiti.
“I wonder, what’s gonna happen in my four years with you..” mabilis siyang umiga sa kaniyang kama, hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin ko. Feeling ko walang talab ang unan ko at kumot na tila nagsasabing katabi ko si Kyo, dahil parang mas gusto ko pang tumabi sa kakambal niyang mahimbing nang natutulog. “Nakakainis!” mahina kong sambit, “Bakit ba hindi ako makatulog?” tanong ko sa aking unan na may nakapikit na Kyo, “Kamukhang-kamukha mo ang kakambal mo,” himas ko sa kaniyang pisngi, mula sa unan kong may mukha ni Kyo.
Tinignan ko ang aking katabing kama mula sa gilid. Ang magandang mukha ni Kiarra ang unang tumambad sa akin, nakapatay na ang kaniyang lamp shade ngunit sa akin ay bukas pa rin, hindi ako sanay na walang ilaw. Feeling ko nalulunod ako pag madilim. Sumikip ang aking dibdib, nang maalala ko nanaman ang kapatid ko.
“Ate! Ate tulong!”
Pinikit ko ang aking mga mata, iilang butil ng aking luha ang tumulo. “Tulungan mo ako, Ate!” sigaw muli ng kapatid ko, iniaabot ko ang kaniyang kamay ngunit mas lalo siyang nalayo sa akin. “Hey! Hey! Wake up, crab!” halos napatayo ako nang mayroong umalog sa akin, feeling ko naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa babaeng kaharap ko ngayon. Saka lamang ako nagulat at naalalang kakambal pala ni Kyo ang kasama ko ngayon sa kwarto. “You been like, ‘Sisel! Hawakan mo ang kamay ko!’ like that..” gaya niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin, nakatungkod ang aking dalawang kamay sa aking kama. “Who’s Sisel, by the way? You keep shouting her name at least five minutes?” pangalawang araw ko pa lamang itong kasama siya, “Mas nauna ka pang manggising kaysa sa alarm clock ko.” taray niyang sambit sa akin, ako naman itong napa-nguso lamang. “M-mag uniform ba tayo ngayon?” mabilis akong tumayo at iniayos ang aking kama, rinig ko nanaman ang kaniyang singhap. “Really? Gosh! I can’t believe that I’m staying with you for four years more..” ano nanaman ba ang ginawa ko? “Wala pang uniform ang ibinibigay sa atin, na paano ka!” natikom ko ang aking bibig, kita ko sa orasan na alas-syete na ng umaga.
“Maliligo na ako,” tumungo ako, napaupo naman ako sa kama ko. Sinundan ko lang siya ng tingin patungong banyo. “Hays!” mabilis akong umiga muli sa aking kama, ngunit ilang saglit lang nang mayroong humampas sa aking binti. “Hoy, kumilos ka na!” nagulat ako bigla, kakapikit ko lang ah! “Ang bilis mo naman?” tanong ko sa kaniya, “I spend thirty-minutes, ‘tapos mabilis pa rin iyon sa ‘yo?” umiling-iling siya, tumingin ako sa aking orasan at gano’n lamang ang gulat ko ng seven-thirty na? Nakaidlip ako saglit? “Bilisan mo na d’yan, alam mo ‘bang pag wala ka at naandon ako ay ako ang tatanungin?” mataray nanaman niyang pangangaral sa akin, “Kalma mo ang bilat mo, umagang-umaga, mas madakdak ka papala kay Mama..”