CHAPTER 5

2027 Words
CHAPTER 5     “MAGANDANG UMAGA..” bati ni ate Joy nang makababa muli kami sa baba, ramdam ko pa ang antok sa aking katawan ngunit hindi ko na iyon dinamdam pa. Natuwa akong makita ang iilang desenyo ng mga building, dahil ang lalaki nito. Para na talaga akong nasa Manila, matatawag ko na ba ‘tong Manila feels?   “Marami-rami kayo, mukhang magiging kaunti na lang ang mga gagawin niyo pag nag-start na kayo.” masayang sunod niya mula sa pagbati niya. Tinignan ko ang aking katabi na si Kiarra, marami rin ang nakatingin sa kaniya at siya naman itong hindi niya iyon pinapansin. Marami rin ang bulungan sa kaniya na aking naririnig, ang iba naman ay kinukuhan siya ng litrato ng patago. Kahit ang katabi ko ngayon ay kinukuhan siya ng patago. Rinig ko ang singhap ni Kiarra.   “Be, urong ka naman..” bulong sa akin ng hindi ko kakilalang katabi, upang mas makuhaan ng buo si Kiarra. “Alam mo ‘bang pwede kang kasuhan sa ginagawa mo?” hindi ko alam kung bakit ko ito sinasabi, mahiyain ako at takot makipagkaibigan sa iba. “Ano ‘bang pakialam mo?” mataray niyang sagot sa akin, halos nagultang ang lamang-loob ko sa sinabi niya sa akin, “Saka sino ka ba?” sunod niyang pagtaray sa akin, “Pinsan niya ko,” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, kahit pa nakaupo kami. Hindi ko tuloy maintindihan ang sinasabi ni ate Joy, dahil sa babaeng ito.   “Pinsan? Bakit hindi halata sa ‘yo? Ang pangit mo para maging pinsan ng mga Vallino,” umawang ang aking mga labi sa kaniyang sinabi, hindi ko tuloy kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.   “G-gano’n ba? Kung gano’n ay dapat sabihin ko sa pinaka-close kong pinsan na si Kyo na napakapangit mo at ng ugali mo.” ang gulat sa kaniyang mukha ay hindi ko maipinta, “’Kung hindi ka naniniwala ay pwede ko naman siyang tawagan,” arte ko pa, “Akala mo naman ay maniniwala ako sa ‘yo? Tignan mo nga ‘yang key-chain mo! Mukha ni Kyo, isa ka ring fan tulad ko!” medyo napapalakas na ang kaniyang boses, “May nangyayari ba d’yan sa likod?” tawag ni ate Joy.   “Nag-spread po itong taga-Samar ng fake news!” tumikhim ako nang kaunti, “Taga-Samar?” nilingunan ako ni ate Joy, kita ko ang kaniyang gulat nang makita ako. Feeling ko ay kakainin ako ng lupa sa kagustuhan kong mawala na lang muna, marami ang mga matang nakatingin sa akin. “K-kinukuhan niya po kasi ng picture ang katabi ko, napansin kong nakakairita po at kawawa naman si Kiarra.” tumingin ako kay Kiarra at gano’n ang gulat ko ng nakatingin ito sa akin at parang na touch sa aking sinabi.   “Sino ba namang hindi maiinis, ikaw ba naman kuhaan nang kuhaan ng pictures,” sunod ni Mellisa, iyong kasama ko sa van kahapon, “Mga yawa, narito ako at kuhaan niyo ako ng litrato.” iilang tawa ang nagawa ng iba naming kasama nang sumabat si Chrizell, isa rin sa mga kasama ko kahapon sa van. “That’s enough, please be comfortable..” sunod na sabi ni ate Joy. “Lahat kayo na naririto ay pantay-pantay lamang, walang artista-artista. Naririto kayo lahat para mag-aral.” pangangaral niya sa amin.   “Tss, ‘kung hindi lang pakialamera itong pinsan-kuno daw ni Kyo at ni Kiarra ay hindi na sana nangyari ‘to.” taray niya sa akin, napipikon ako sa boses niyang ipit, hindi magandang kuhaan mo ng litrato na lang bigla ang isang tao na wala naman niyang consent. Walang libreng picture ngayon! Lahat na may bayad! “Bawa-”   “’Wag mo na pansinin..” napatingin ako kay Kiarra, bakit naman niya ako pinipigilan? “Masasanay sila!” mahina, ngunit may kalakasan kong sambit. Natawa siya at ngumiti sa akin nang maaliwalas. “Well, I’m used to it, sanay na ako.” kindat niya, napayuko ako at natawa. Feeling ko ay si Kyo ang kumindat sa akin, “Nakakakilig ka,” mahina kong sambit muli, siniko niya ang aking braso at nginuso ang nasa harapan namin. “Makinig ka muna,” tumungo ako at tumawa nang mahina.   “Ngayon, may ibibigay ako sa inyong papel.” pinakita ni ate Joy ang kaniyang hawak na papel. Mistulang maliit lamang iyon at  tila makapal. “Naririto ang mga schedule niyo sa pagiging scholar sa paaralang ito.” tinignan ko nang palihim si Kiarra, manghang-mangha pa rin ako sa kaniyang mukha, dahil kamukha niya si Kyo talaga. Syempre, kakambal niya iyon, magulat na lang ang iba kung ako ay kamukha ni Kyo, hindi ba?   Mabilis kaming tumayo, nakapila na ang iilan at nasa harap ako ni Kiarra, marami pa rin ang natingin sa kaniya.   “Satingin mo magkasama tayo?” tanong ko sa kaniya, feeling close talaga ako. Hindi ako ganitong tao, ngunit nang dahil sa kaniya ay nakapag-adjust akong muli. Siguro ito na nga ang pagbabago, huwag na akong maging katulad noon. “’Kung ikaw ang makakasama ko ay magpapalipat ako.” kumunot ang aking noo, tila nagulat sa kaniyang sinabi. “Parang ayaw mo ko na kasama ah!” nahihiyang kong banggit sa kaniya at siya naman itong natawa. “Alam mo, alam ‘kong gusto mo lang makita ang kambal ko.” naniningkit ang kaniyang mga matang tignan ako.   “Nu’ng una siguro? Pero nu’ng naisip ‘kong magkamukha lang naman kayo ay ayos na iyon sa akin,” tingnan niya ako nang may pagtataka, umabante ako nang kaunti. “What do you mean by it’s okay with you?” hindi ko rin alam kung matatawa ba ako, hindi niya ba na gets ang punto ko? “Ang sabi ko kako ay sa akin ay ayos na na ikaw na lang.” natatawa kong paliwanag, “Magkamukha naman kasi kayo,”   “Next.”   Napalingon ako agad, alam kong ako na kasi ang susunod. “Ito ang sa iyo, Switzell.” malambing na tawag sa akin ni ate Joy, agad namula ang aking mukha, dahil ang pagkakatawag niya sa aking pangalan ay nakalambot. Tumingin ito sa likod ko at humarap sa akin, “Mukhang napaka-swerte mo,” kindat niya sa akin, tinggap ko ang papel na ibinibigay niya sa akin. “Salamat po, ‘te Joy,” tumungo ito, saka ako umalis. Hawak-hawak ko ang aking papel na ibinigay ni ate Joy, “Library on-” hindi ko na tapos ang sasabihin ko nang madapa ako.   Marami ang natawa, marami akong narinig na tawanan at bulungan.   “Tss, lampa na nga pakialamera pa. Ganiyan ang napapala ng tulad mong pakialamera.” pinagpag ko ang aking palda, alam kong pinatid niya ako, dahil naramdaman ko ang kaniyang paa kaya ako natumba. “Halika, tulungan kita.” ramdam ko ang hawak sa akin ni Kiarra mula sa braso ko, tinignan ko si Kiarra nang may kahihiyan. “Are you really that thirsty for attention?” maarteng tanong ni Kiarra sa babaeng malapad ang nguso.   “Hindi ka ba natutuwa at tinitingala kita? I should be your friend, not this poor girl.” maarte niya akong tinignan, “Parehas lang naman tayo, maka-poor ka d’yan!” mahina kong sambit, inaayos ang iilang papel na nahulog sa sahig. “Then, ‘kung pangarap mong maging kaibigan ko ay sasabihin ko sa ‘yo na kahit ano’ng mangyari ay hindi iyon mangyayari.” kinuha ni Kiarra ang iilang papel na nahulog.   “Hah! Porket kapatid lang siya ni Kyo ay napaka-taas na ng tingin niya sa sarili niya,” rinig kong bulong ng babaeng namatid sa akin, “Palibhasa ay tinakwil ng magulang niya, mas mahirap ka pa ata sa dag-” tinakpan ko kaagad ang kaniyang tainga nang makatayo ako, hindi ko hahayaang marinig niya ang sinabi ng babaeng ito. Napakasama ng ugali! “Ang dami mo nang nasasabi, minus one-hundred ka sa langit.” hinila ko na agad si Kiarra, “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya nang makalayo kami, kita ko ang pagiging malungkot nang kaniyang mukha.   “I-I’m fine,” iniwas niya ang kaniyang mukha sa akin, tila parang na bad trip sa aking tanong, “’Wag mo nang pansinin ang mga sinabi ni-” binigyan niya ako ng tingin na tila masama, “Excuse me? As far as I know, hindi kita kaibigan.”   “You should back off, I don’t need anyone’s sympathy!” tulak niya sa akin, nagulat ako doon at hinayaan na lamang siyang umalis. Nakatingin lamang ako sa kaniyang likod na ngayong natakbo, papalayo sa akin. “Balita ko ay tinakwil daw siya,” napalingon ako sa kwentuhan nila, mula sa aking likod. Marami ang nakatingin kay Kiarra na papalayo, ano ang sinasabi nilang tinakwil siya?   “Hi! Excuse me? Sana ay hindi na kayo nagkakalat ng fake news, tungkol kay Kiarra.” masaya kong paalala sa kanilang tatlo, tinignan naman nila ako simula ulo hanggang paa, “Hindi ba’t dapat sa iyo mo ‘yon I-adapt? Pinsan ni Kyo?” medyo may diin ang pagkakasabi nila sa pinsan ni Kyo, halos nanlaki ang butas ng ilong sa kanila. Mukhang magbabago na talaga ako, dahil lalabas ang sungay ko rito sa Manila.   “Any ways, ‘kung uhaw ka rin sa chismis ay kalat sa campus na ito na si Kiarra ay pinalayas sa mansion nila.” bakit ako maniniwala? Mabait si Kiarra, paanong papalayasin siya hindi ba? “Hindi naman ata ‘totoo ‘yan.” kita ko ang halakhak nila sa sinabi ko, “Akala ko ba ay pinsan ka ni Kyo, edi ‘kung gano’n ay pinsan mo rin si Kiarra?” natatawang sambit niya, “Dapat ay alam mong pinalayas siya sa bahay nila at walang ginawa ang kambal niya kundi ang tumingin lang.”   Magsasalita pa sana ako ng ihinto niya ang kaniyang kamay sa harap ko.   “Girl, masyado kang hung-hang, hays..” huminga pa ito nang malalim, “’Kung satingin mo ay hindi pinalayas ‘yan sa bahay nila, magta-tyaga ba ‘yan na mag-scholar rito? Marami ang ginagawa sa school na ‘to, maglinis ng kubeta at iba pa.” natikom ko ang aking bibig, “Mayaman ang pamilyang Vallino, be.” sabi ng isa, “At hindi sila sanay sa gawaing bahay, actually nga hindi gawaing bahay ang mga gawain dito.”   “’Kung sa bahay nila ay ang hawak niya lamang ay tasa na may tsaa, dito sa school na ito at pag-scholar ka ay ang hawak mo dito ay map, pamunas ng salamin at iba pa.” nakagat ko ang aking labi, “Ang kinuha niyang scholar ay kakaiba, full scholarship ‘yon be.” napalunok ako nang kaunti. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako, ngunit gusto kong sabihin sa sarili ko na hindi.   “Mukhang ‘di pa rin niya gets, tara na nga Jerica!” mabilis silang umalis, at naiwan lamang ako sa gitna nang kung saan. “Itinakwil siya?” mahina kong bulong sa aking sarili, “Bakit naman siya itatakwil ng kaniyang pamilya?” sunod ko pa muling tanong, “Oh, Switzell! Tama ba?” napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan, “Ate Joy!” mahiyain kong tawag sa kaniya, kita ko ang halakhak niya.   “Parang naging mahiyain ka ah! Parang kanina lamang ay gusto mo nang makipag-away?” “Nauna po kasi sila, masyado nilang pinag-isipan nang kung ano si Kiarra.”   “Oh, iyong kapatid ng isang sikat na banda?” nagulat akong alam niya at kilala niya, “Ah, o-opo..” tumungo-tungo ito, “Narinig ko nga ang balita ‘tungkol sa kaniya,” ang dalawang kamay niya ay nasa likod niya, habang ako naman ay nakatingin lamang sa mga babaeng naglalakd at nagtatakbuhan. “Tama iyon na nariyan ka para sa kaniya, cheer mo ang isang iyon, dahil mukhang marami pa siyang haharapin na mangba-bash sa kaniya.”     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD