Kabanata 14

4362 Words
7:25 PM, VILLA MANSYON BERLINGTON, DINING TABLE. Kasalukuyan kaming naghahapunan na pamilyang Berlington nang magsalita ang aming Papa. "Lawrence at David, ano itong naririnig ko mula sa mga katulong na nag-aaway raw kayo?" buong lamig na sita niya. Walang nakapagsalita sa amin ni David. "Ikaw, David, ang bata-bata mo pa para pag-ukulan ng atensyon ang pakikipagrelasyon. Youre barely 15, so young and naive. At that age ay dapat mong atupagin ang pag-aaral? " malakas na sigaw ng aming papa. Walang anu-anoy marahas na tumayo si David at iniwan kaming walang kaimik-imik. Si papa ang unang bumasag ng katahimikan. "Walang modo, lapastangan! Dapat sa kaniya pinagtatanda," naiiling na sagot ni papa habang ngumunguya. Papa, hwag kang masyadong highblood. Baka makasama sa puso mo, maagap na paalala ni mama sa aking papa. "Huwag kang mag-alala, Soledad," masuyo nitong sabi kay mama. Muling ibinaling sa kin ni papa ang tingin. “Habang maaga pa, paaalalahanan na kita, Lawrence. Pagkatapos mo ng High School ay sa States ka na mag-aaral ng gusto kong kurso para sa yo. Abogasya ang kukunin mo at sa Tita Helena mo ka titira, "saad nito na tila hindi na mababali ang salita. Napatingin si Lawrence sa ama. "P-pero, papa, malayo sa pagiging abugado ang nais ko. Ang gusto koy maging CPA o di kayay nobelista. Ayaw ko po ng abogado,” mariing pagtanggi ko kay papa. Malamig na tumitig sa akin ang aking ama. “Walang sinoman ang pwedeng sumuway sa gusto ko kaya iyon ang susundin mo? " muling sabi niya sa hindi matitinag na salita. Sa ganoong sitwasyon, mabilis kong tinapos ang pagkain at walang lingon-likod na umalis sa hapag kainan. Marahang tumaas baba ang dibdib ng aking ama, indikasyon na hindi ito natutuwa sa mga resulta ng plano niya. "Edward, masyado mong pine-pressure ang mga anak natin para sa mga planong gusto mong isakatuparan,"pagpapakalma ni mama kay papa. "Gusto ko, habang maaga pa, naisasaayos na ang lahat para sa kanila, Soledad. Ayaw ko silang lumaking suwail! Para sa kanila rin ito.” Itinuloy nito ang naudlot na hapunan. Naiiling na lang na natahimik si mama. Kapag ginusto ni papa, wala nang ibang makakabali noon, kahit ang pinakamamahal kong mama. 8:00 PM SILENT HOME CARE HOSPITAL “Pwedeng ipagpabukas mo na lang ang pag-alis, Esteffany?" malumanay na sabi ng doktor. "Ngayon na po para hindi ako magahol sa oras pagpasok ko bukas,"kiming sabi na lang ni Esteffany. "Sige, kung yan ang nais mo, iha. Pero hwag kang mangingiming humingi ng tulong kapag nagkaproblema. Ito ang calling card ko. Tumawag ka kapag naubos na ang gamot na ibinigay ko sa yo at kung sakaling may maramdaman kang kakaiba,” paalala ng kaniyang Tito Leo, ang doktor. "Sa-salamat po. Napakabait nyo po talaga,” pagpapasalamat ni Esteffany habang kinukuha nito ang maliit na karheta. "Halika na sa ibaba at ipapahatid na kita sa isang hospital van namin," akay ni Leo kay Esteffany. LOBBY NG HOSPITAL . . . “Ipinag-take-out na kita kanina sa pinuntahan kong restaurant para hindi ka na magluto pagkauwi mo, iha, pagpapaalam ni Leo bago isinara ang pintuan ng van at inaabot ang nakabalot na pagkain kay Esteffany. "Maraming salamat ho, Doc," sabi na lang ni Esteffany bago sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi na sinuklian rin naman ng kaniyang tito. Habang nasa biyahe, nakikinita na ni Esteffany ang muling pagpasok niya sa paaralan. Inaasahan na niyang masilayan ako dahil kahit nasaktan ko siya noong nakaraang araw. Patuloy pa ring inaasam ng puso ko na mapansin niya ako dahil ang hindi niya alam ay matagal na siyang nakaukit at mananatili siya sa puso ko kailanman. 10:45 P.M VILLA MANSYON BERLINGTON, MINI BAR . . . Habang sumisimsim ako ng wine ay lumabas mula sa kaniyang kwarto si David para uminom din. Tiyak na brandy ang kukunin nito. Mahabang sandaling hindi kami umimik na magkapatid. Si David ang unang bumasag sa katahimikan. “So, ano nang next step mo, Kuya Lawrence? Now that you get what you want? Pati cellphone ko kinuha ni papa. Ano na?? mariin nitong sambit. Masama itong tumitig sa akin at mababakas ang kapaitan sa boses. "Masaya ka na ba?” nanunuyang sambit pa nito habang umiiling. Napatid ang pagtitimpi ko. "Damn it, David! Stop acting na parang sobrang nakawawa ka?" nagtatagis ang bagang kong supalpal sa kaniya. "Hindi mo pa kasi naranasan ang ma-inlove kaya hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mong paraan para paglayuin kami ni Esteffany," pagtatapos nito sa usapan at inisang lagok ang kakaunti nang laman ng kopita niya at iniwan akong nagtatagis ang bagang dahil sa huling pangungusap na iniwan sa akin ng nakababata kong kapatid. Mataman kong pinagmasdan ang lamang alak sa aking baso at pabulong kong sinabi sa sarili, "Hindi mo lang alam, David, kung gaano ako nasasaktan sa mga nangyayari sa atin nila Esteffany?" Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Unti-unti kong ibinaba sa lamesa ang hawak na baso at mabilis na pumasok sa aking silid. AUGUST 28, 2008, ST. SANITY MADRIGAL SCHOOL, CLASSROOM. Halos isang linggo na ang nakararaan nang huli kong masita si David tungkol kay Esteffany. Wala kaming regular class ngayon dahil sa Buwan ng Wika. Mataman kong pinagmamasdan si Esteffany nang maglabas ito ng mineral water at kumuha ng ilang tableta sa pouch nito. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon. “Siguro’y mga pills iyon, naiinis ako sa naiisip ko. Kung nagte-take nga ng ganoon si Esteffany, iyon ay para hindi siya mabuntis ng kapatid ko." Lalo lamang tumindi ang galit sa aking kaloob-looban. Marahas kong ibinaling ang aking pansin sa dalawa kong bestfriend na abala sa pagtipa sa dala kong laptop. Bahagya akong napansin ni Rudny at tinanong. "Anong problema, Lawrence? Mukhang hindi ka mapakali diyan? "tanong nito sa akin. "Na-nakita ko kasing may iniinom na pills si Esteffany," sabi ko na lang sa kanila kahit hindi ako siguradong pills nga ang tini-take ni Esteffany. Maang na napatingin sa akin si Novice. “Sigurado ka ba?" tanong nito sa akin. Kahit hindi sigurado ay um-oo na lang ako at sinabayan pa ng bahagyang tango. Marahang isinara ni Novice ang laptop at sinabi sa akin ang plano na matagal na niyang nais gawin kay Esteffany. Na-shock ako sa kaniyang binabalak at mariing umiling. "Ayaw mo?"tanong ni Novice sa malamig na tinig. Matigas akong umiling at matamang tumitig kay Esteffany. 5:30 P.M UWIAN TIME Napasulyap ako sa gawi ni Esteffany nang umibis siya at nginitian ako bago lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit parang iba ang hiwatig ng ngiti na iyon sa akin. Ginising ako ni Novice nang marahang tinapik niya ako sa balikat. "Lawrence, ano? Ayaw mo ba ang planong nabuo ko? Si Rudny na ang bahalang magdala ng video cam, tanong sa akin ni Novice. "Pare, sobra yata yang pinaplano mo. Hindi ko. . . hindi ko kaya, sabi ko sa mababang boses. "Pare, para sa kapatid mo rin ang ginagawa ko at para sa yo. Para mapaalis na natin ng tuluyan si Esteffany," pilit pa rin ni Novice sa kin. Maang akong napatingin sa walang-kibong si Rudny. A-ayos lang ba sa-sa yo ang plano, Rudny? Parang may bikig sa aking lalamunan. "Sure. Makakapanood pa ako ng live," matalinhaggang bigkas ni Rudny. Napatanga ako sa ibig tukuyin ni Rudny. “What do you mean, pare?" takang tanong ko habang lumilinga sa paligid kahit alam kong nakauwi na lahat ng aming kamag-aral. "Gagawan natin ng scandal si Esteffany para mapaalis siya ng tuluyan sa school na ito,” sabi ni Novice na walang preno ang bibig at hinayaang rumihistro sa isip ko ang sinabi niya. Napalunok ako ng ilang beses. Parang tuyong-tuyo ang aking lalamunan. “W-wala na bang ibang paraan, pare?" Nag-aalangang tanong ko sa dalawa. Wala na at pinal na ang plano nating ito. Para naman mag-enjoy ka sa gagawin nating pelikula, mapaklang sagot ni Novice bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Ikaw ang makikipag-s*x sa kaniya at si Rudny ang kukuha habang ako ang hahawak kay Esteffany," walang sabi-sabing bigkas ni Novice. “W-what?? malakas na tugon ko kay Novice. Simple lang ang gagawin natin dahil dito. . . Pero hindi pa natatapos ni Novice ang sasabihin nito ay marahas akong napatayo at mabilis na humakbang palabas ng aming silid-aralan. "Lawrence!” malakas na tawag sa akin ni Novice. Marahan akong pumihit at nagsalita. Pare, sobra naman yata ang gagawin natin. Baka tayo ang mapahamak niyan, pag-eesplika ko sa dalawa kong kaibigan. Marahang natawa si Novice sa tinuran ko. “Anong nakakatawa ron, pare?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Dont worry, Lawrence. Anong silbi ng kapangyarihan natin kung hindi natin kayang lusutan ito, ngising demonyong bulong sa akin ni Novice. Nagimbal ako sa aking natuklasang ugali ng bestfriend kong si Novice. Hindi ko alam na matagal nang nademonyo ang utak nito. Marahan kong tinitigan si Rudny at parang wala lang dito ang usapan . . . nagkibit lang ito ng balikat. "Hindi ko magagawa ang ipinapagawa mo, Novice" mariin kong tanggi sa balak gawin ni Novice. "At bakit?" matalinhagang pahayag ni Novice. “Sobra ang ipinapagawa mo, Novice. Basta, ayaw ko?" malakas kong sabi at patakbong umalis sa kanilang harapan. Pipigilan sana ako ni Rudny pero sinenyasan siya ni Novice na hayaan ako. “Ano na ang gagawin natin, Novice?" "Umatras naman na si Lawrence. Hindi ko akalaing naduwag siya,"naiiling na wika ni Rudny. "Hayaan mo siya, pare. Basta tuloy ang plano. Kung ayaw ni Lawrence na akuin ang sa kaniya . . . pwes ako ang gagawa. Ano ba kasi talaga ang nakita niya sa babaeng iyon!" mariing wika ni Novice na may lamat ng poot sa kaniyang mga mata. "Ano ang ibig mong sabihin, Novice?"naguguluhan pa ring tanong ni Rudny kay Novice. "Saka ko na lang ipapaliwanag ang lahat sa yo, Rudny. Basta tatawagan na lang kita kung paano," pagtatapos ni Novice bago sinabayan si Rudny maglakad. 9:45 PM LOBBY NG HOSPITAL . . . Mabilis na naglakad si Esteffany palabas ng hospital para makapara ng sasakyan. Ginabi na kasi siya sa pagkuha ng kaniyang mga gamot. Marahang siyang naglalakad sa kalye nang may tumigil na itim na kotse sa kaniyang harap. Napalunok na lang si Esteffany at mabilis sanang tatakbo papunta sa maliwanag na lugar pero huli na. Tinakpan na kasi ng kung sino man ng panyo na may formula ang bibig niya. Ewan niya kung bakit parang naparalisa siya. Ang alam lang niya ay may gamot ang panyong ipinantakip sa kaniyang ilong at bibig. Gusto niyang sumigaw dahil sa labis na sindak. Hindi niya alam pero nahihilo siya at napakalabo ng lahat. Unti-unting pumikit ang kaniyang mata at hinayaang magmalabis sa pisngi ang mga luha. SA LOOB NG KOTSE NI NOVICE . . . "Anong plano mo Novice?" marahan na sambit ni Rudny kay Novice. "Basta magtuloy ka sa school rooftop at doon natin gagawin ang pelikula," nakangising sambit ni Novice na kababakasan ng kakaibang dating. 10:00 P.M VILLA MANSIYON BERLINGTON "Yaya, nasaan na naman si David?" tanong ko sa nawawala kong kapatid. "Sir, lumabas ho. May susunduin daw ho siya," sagot naman ng maid namin. Marahas akong huminga at binuksan ang k'warto ng aking kapatid. Napagmasdan ko nang maigi ang kabuuan nito. Hindi na pala maganda sa paningin ang ginamit na pintura. Kaya siguro nadi-depress si David. Habang nagmamasid ako, muling nanumbalik ang tagpo kanina sa amin nina Novice at Rudny. Nakita ko kung gaano tumutol ang dalawa kong kaibigan, lalo na si Novice. Wari’y nabasa nito ang mensahe na nais kong iparating sa kaniya. Alam ko na hindi basta-basta hahayaan ni Novice na tumalikod ako sa aming nasumpaan. Alam ko, ngayong alam na nila ang nararamdaman ko kay Esteffany, lalo silang gagawa ng mga maling hakbang para mapalayas si Esteffany sa campus at iyon ang labis na ikinabahala ng puso ko. Naagaw ng kung ano ang aking pansin. Sa mga libro na nakadantay doon sa shelf ay ang folder na itim na may nakatatak na confidential. Marahan akong pumihit at mataman ko itong binuklat, upang magimbal lang sa malalaman. Halos lumuwa ang aking mga mata at nag-unahang lumabas ang luha. Pinukaw ng isang tinig ang aking isip. "Kuya, bat hawak-hawak mo iyan?"gimbal na sawata sa akin ni David, habang marahas na kinuha ang folder. "Bakit mo inilihim sa akin ang tungkol sa kalagayan ni Esteffany? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit to sa akin??" mapait kong sabi sa kaniya habang mataman siyang pinagmamasdan. Pilit niyang pinag-aralan ang aking reaksiyon at waring nagulat siya sa ipinakita kong reaksiyon." At bakit kailangan mong malaman ang tungkol dito?" lahad ni David sa folder habang umiiling. "You have no right to know about this. Alam kong ikatutuwa nyo pa ang kalagayan ni Esteffany kapag nalaman niyo? "malakas na usig nito sa akin. "Hindi mo naiintindihan? "para akong maiiyak sa nasabi. Maang niya akong pinagmasdan at nagtaka kung bakit ako umiiyak at sapo-sapo ang mukha. Dahan-dahan ko siyang hinarap at inilahad ang saloobin ko. D-David, mahal ko si Esteffany. "Matagal ko na siyang minamahal. Hindi mo alam kung gaano kasakit kapag nakikita ko kayong magkasama. Nagpaubaya ako pero hindi ko kaya," lahad ko kay David na biglang lumamlam ang mga mata at kinabig ako payakap. "Siya ba yong babaeng gusto mong ipakilala sa akin, Kuya? Ang laki-laki mong tanga, Kuya. Matagal ka na niyang mahal. Masakit pero mukhang ito ang tama. . . "Napaiyak na rin ito, hindi dahil sa sama ng loob kundi nagpapaubaya na ito sa akin. "Hindi talaga niya ako mahal. Never niya akong minahal. Ikaw lang talaga dahil kahit pilit kong inangkin ang pagtinging iyon, wala. Ikaw pa rin ang mahal niya. Iyong picture at mga pinagsasabi ko noon. . . hindi totoo ang mga iyon. Bugso lang iyon ng labis kong panibugho sa yo, Kuya, "sabi nito na tatawa pa sa huling sinabi. "Sira." natatawa ngunit umiiyak pa ring sabi ko. "Hinihintay ka na niya, Kuya Lawrence. Mahal na mahal ka niya, sobra. Bilib nga ako sa kaniya kasi kahit sinasaktan ninyo siya nila Kuya Novice, wala pa ring nagbago. Pinagagalitan ko na nga siya minsan. Hindi ko na maintindian pero pilit niyang pinaiintindi sa kin na sina Novice lang daw ang may atraso sa kaniya at sumusunod ka lang daw sa kanila, Kuya. Is that true?" tanong nito at umupo kami sa kaniyang kama. "Tama ka. Kahit labag sa loob ko, sumasang-ayon ako. But not this last plan of them. Ayaw kong gawin iyon sa pinakamamahal kong babae. It hurts me like hell," pagtatama ko sa iniisip ni David. "A-anong plano Kuya?" tanong nito kapag-daka. "Gusto ni Novice na gawan namin si Esteffany ng eskandalo. Parang itinutulak nila akong gahasain siya na mariin kong tinanggihan. Sa mga oras na ito, alam na nilang tumitiwalag na ako," mahaba kong litanya. "Tama ang pasya mo, Kuya. Sige, Kuya. Bukas ay dalawin mo si Esteffany. Magtapat ka at alagaan mo siya. Nasa sa iyo na ang pagpapasya kung ano ang gusto mong mangyari o gawin sa relasyon ninyo ni Esteffany. Basta nasa likod niyo lang ako, Kuya," pagtatapos ni David sa aming paksa. Habang isinasara ni David ang pintuan nito, mataman niya akong tinitigan at sa nalulumbay na tingin ay alam kong nasasaktan din siya kahit papano sa pagpapaubaya. Itinukod ko mula sa pintuan ang kanang kamay ko at tinanong siya. "Ayos lang ba talaga sa yo?" tanong ko na nag-aalala pa rin. "Yeah. Im okay, Kuya. Bata pa naman ako. Alam kong makakahanap din ako ng tulad ni Esteffany, "malungkot nitong sabi sa akin. "I hope so. Uhm, David, sino yong susunduin mo sana sabi ni Lucing?" pag-iiba ko sa paksa. Bigla siyang natigilan at pinagmasdan ako. "Si Esteffany nagpapasundo. katawagan ko siya nang bigla siyang na-lowbatt. When I checked her sa place niya, sarado na ang gate at mukhang tulog na. Bawal kasi sa kaniya ang pagpupuyat, marahang sagot nito habang isinara na ang pinto." Sa paglapat naman ng pintuan ni David ay bumalik na ako sa aming guest room kung saan balak kong magpapalipas ng alalahanin nang biglang nag-ring ang aking cellphone. Ch-in-eck ko kung sino ang caller at nalaman kong si Novice, agad ko itong sinagot. "Hello, Lawrence. Kumusta?" tanong ni Novice habang mataman akong nakikinig. "Whats this call about, Novice?" walang gana kong piksi kay Novice. "There are you again, Lawrence Paul. Alam ko namang wala kang kagana-gana pagdating sa amin ni Rudny na naturingan mo pa namang best of friends. How dare you walk out like that!" matigas nitong bulyaw sa akin sa kabilang linya habang nilalayo ko saglit ang aking cellphone sa aking tenga. "Hindi ako sang-ayon sa mga plano ninyo, pare. Its just that. . . sobra sa inaakala ko," paliwanag ko pa rin sa kaniya para mawala na ang hinanakit nito. Ayaw kong magkaroon ni gahiblang pagdududa sa akin ang aking mga kaibigan. Alam ko kung gaano kasama magtanim ng sama ng loob si Novice . . . sobra sa inaakala ko. Kaya ako na lang ang umiintindi sa kaniya. "Oh, come on. Mayro’n ka yatang nakakalimutan. Walang sino man ang pwedeng tumalikod," patuloy pa rin ni Novice habang pinagpapawisan na ako ng malagkit. Ewan ko ba, kanina pa itong tensyon na nabubuo sa kaloob-looban ko. Tama ka, Novice. "Pwede naman nating pag-usapan ito. I-I have something to tell you about Esteffany... "mabagal kong sagot dahil parang naninikip ang aking dibdib. Ngunit hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay nagsisisigaw na si Novice at parang baliw na nasisiraan sa ulo. "Esteffany! Punyetang Esteffany iyan! Alam mo, Lawrence, hindi kami tanga na hindi namin mahahalata na mahal mo ang pangit na iyon!? Hindi ako manhid. Parang nakikita kita noong nagpakatanga ako sa walang hiyang si Shaira! Para sa tanga at mahina lang ang letseng pagmamahal na iyan, Lawrence!" nagmumurang sambit ni Novice at alam kong naglalabasan na ang mga ugat sa kaniyang leeg. Narinig ko si Rudny na nagsalita sa kabilang linya at ang sinabi niya kay Novice ang nagpatigil sa puso ko. "Novice, gising na si Esteffany. Ano na ang gagawin natin?" mahinang sagot ni Rudny pero hindi umimik si Novice. "Anong gagawin ninyo kay Esteffany!" mariin kong sigaw habang nagtatagis ang bagang. "Kung ayaw mong gawin ang ipinapagawa namin sa yo, puwes kami ang gagawa ni Rudny. Hihintayin ka namin dito sa rooftop, Lawrence," pagpapaalam ni Novice bago nito pinatay ang linya. Naikuyom ko ang aking kamao at mabilis na nag-drive kung saan naroroon ang pinakamamahal kong babae. "Hintayin mo lang ako, Esteffany. Malapit na ako? " bulong ng aking isip habang binibilisan pa ang pagda-drive. 10:32 PM ST. SANITY MADRIGAL ROOFTOP "Please, R-Rudny, pakawalan nyo na ako," nagsusumamong saad ni Esteffany habang nakikiusap ito kay Rudny na lumalagok naman ng alak. "Tumahimik ka nga. Pagkatapos naming gawin sa yo ang dapat gawin ay saka ka namin pakakawalan," wala sabi-sabing saad ni Rudny habang nakalingon sa palapit na si Novice. Mataman siyang pinagmasdan ni Novice at kapagdakay binalingan si Rudny. "Rudny, ihanda mo ang video cam. Mag-uumpisa na ang project. "Ngumising demonyo si Novice habang itinatali sa kamay at paa si Esteffany. Nag-iiyak na lang si Esteffany sa labis na awa sa sarili. Marahang inalis ni Novice ang salaming nakalagay sa mga mata ni Esteffany. Napatigil si Novice at mapait na napangiti sa nadiskubre. "Kaya pala na-inlove sa yo si Lawrence," matiim na sabi ni Novice habang hinahaplos sa pisngi ang aking pinakamamahal na si Esteffany. "Ano ang ibig mong sabihin, Novice?" nalilitong sagot ni Esteffany na napaigtad sa ginawang pagdampi ni Novice sa kaniyang pisngi. Galit na lalong tinitigan sa mga mata ni Novice at hinawakan ng mahigpit ang panga ni Esteffany. Biglang napangiwi si Esteffany dulot ng marahas na ginawa ni Novice sa iyong ina. "Nagmamaang-maangan ka pa! Inakit mo si Lawrence at aagawin mo siya sa amin?" pabulyaw na sigaw ni Novice at saka sinaklit nito ang suot na blouse ni Esteffany upang masira at malantad ang hinaharap. Nayakap ni Esteffany ang sarili at impit na umiyak dahil sa ginawa ni Novice. Nasa ganong ayos sila ng madatnan ko sila. Parang sasabog ang aking ulo sa nakita. "Tama na, Novice?"agap ko sa susunod pang hakbang ni Novice habang inilalayo si Esteffany na nakasindig sa akin. "L-Lawrence dumating ka at iniligtas mo ako,"hagulhol nito habang yakap ko siya nang mahigpit. Masama kong tinitigan sina Novice at Rudny na walang kaimik-imik. "Tatalikod ka na lang ba, huh, Lawrence? Iiwan mo kami? Gago ka pala, eh! Anong mapapala mo sa pagpili mo sa babaeng iyan, huh! Tulad din iyan ni Shaira na manloloko! Papaikutin ka at sasaktan, Lawrence! Youre a big fool! Dont you know?"mataas nitong sawata habang nakikipagtitigan sa akin. "Mahal ko siya, Novice. Almost three years ko kayong hinayaang maging ganito. Tatlong taon tayong nabubuhay sa nakaraan, pare! Hindi pa ba kayo napapagod. Kaya huwag na huwag ninyo akong susumbatan dahil sa araw-araw na magkasama tayo ay inunawa ko kayo." "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Lawrence! Nagpapaawa lang sa yo ang babaeng iyan!" mariing bigkas ni Rudny. Pero hindi ko iyon pinansin at mas higit kong pinakinggan ang sinasabi ni Esteffany. "Lawrence, hindi ako makahinga," namamaos nitong sabi habang marahang ipinipikit ang mga mata. Dahil sa narinig ko ay mabilis ko siyang pinangko at binuhat. "s**t, Lawrence, magtigil ka!" bulyaw pa rin ni Novice. Nawala ang aking pagtitimpi at sinabi ang hindi dapat sabihin na ikinabigla ng aking dalawang kaibigan. "Damn it! Both of you! Mas kailangan ako ni Esteffany! May sakit siya sa puso at apat na taon na lang ang itinaning ni Tito Leo sa kaniya. Hindi nyo ba naiintindihan? "masakit kong siwalat habang humahalugpos sa aking mga mata ang luha. Sukat doon ay nagtinginan kaming tatlo at nagkaunawaan. Mabilis kaming bumiyahe papunta sa hospital kung nasaan ang aking Tito Leo. 11:20 PM SILENT HOME CARE HOSPITAL Habang nasa daan kami ay hindi maalis ang aking kaba. Natawagan ko na si Tito Leo sa hospital para pagdating namin malapatan agad ng paunang lunas si Esteffany. Nag-aalalang sinalubong kami ng aking Tito at mabilis na inilagay sa stretcher si Esteffany. Hindi ako pinayagan ni Tito Leo na makapasok sa loob ng ER. Habang nasa labas ng emergency room, tahimik na nakikiramdam lang sa akin ang dalawa kong kaibigan. Ewan ko pero napakasakit ng tagpong iyon. Hindi ko napigilan ang mapasabunot ng buhok at marahang yumugyog ang aking mga balikat . . . tanda na akoy lumuluha. Dahan-dahang lumapit sina Novice at Rudny sa akin. "Pare, patawad kong hindi ka namin inintindi. Masyado kaming naging makasarili na hindi namin iniintindi ang iyong nararamdaman. Sana mapatawad mo kami. . ." pag-uumpisa ni Novice na nasa tinig ang pagsisisi. Marahan ko silang tinignan at mapait na ngumiti. Tiyak na nakuha nila ang nais kong iparating. "Tatawagin ko na muna sina Daddy at Mommy. Ipapaalam ko na nandito ako sa hospital. Itatanong ko na rin if may maitutulong sila sa sitwasyon ni Esteffany," malungkot na sawata ni Rudny. "Salamat," Pagsang-ayon ko naman na mababakas sa aking mukha na medyo na-relieve din ako. Napalingon ako sa entrada ng pasilyo nang makita ko doon si David na kaakibat ang mga matang nag-aalala. "Anong nangyari, Kuya?"pigil-hiningang tanong ni David. "Si Esteffany. . . nahirapang huminga," masakit kong sagot habang napaluha ako ulit dahil sa labis na pagsisisi. "It's our fault, David. Walang kasalanan ang Kuya mo. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi kami maniniwala at magigising," pag-amin ni Novice na buo talaga ang pagsisisi. "Ayos lang iyon, Kuya Novice. Mabuti at nagkaunawaan na kayong tatlo sa kalagayan ni Esteffany,"pagpapahinahon ni David na naupo na rin. 12:02 SILENT HOME CARE HOSPITAL ROOM 304 Malayang naglalakbay ang aking mata sa kabuuan ni Esteffany. Masasalamin sa kaniyang mukha ang labis na paghihirap. Naaawa ako sa kaniya at labis-labis ang pagsisisi. Napapitlag ako nang may mainit na kamay na humaplos sa aking kamay na nakapatong sa kaniyang kama. Nag-uunahang lumabas sa aking mga mata ang luha at mahigpit na hinapit ang manipis niyang mga bisig. "Thanks youre awake na,"masaya kong sambit sa kaniya habang pinupunasan ng aking palad ang luhang humuhulagpos sa aking mga mata. "Bat ka umiiyak, Lawrence?" malungkot na sabi ni Esteffany habang masuyo akong tinititigan. "Masaya lang ako dahil gising ka na," sabi ko na lang habang iniiwas ang aking mga mata. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Ako ang bumasag sa katahimikang iyon. "Bakit mo ipinaglihim sa akin ang sakit mo, Esteffany?" marahan kong tanong sa kaniya habang namumuo ulit ang aking luha sa aking mga mata. "Wala namang silbi kong malalaman mo, Lawrence. Di ba galit na galit ka sa akin at saka mamamatay rin ako," malungkot nitong sabi habang lumalamlam ang kaniyang mga mata. Dahil sa huling salitang binigkas ni Esteffany ay lalong hindi naampat ang aking pagluha. "Oh, Angel, hindi mo alam kong gaano kasakit sa akin ang nalaman ko. It hurts me like hell! Huwag na huwag mong sasabihing mamamatay ka. Ayoko! Mahal na mahal kita, Esteffany, "mariin kong bigkas kay Esteffany habang kinakabig siya palapit sa akin. Tila nagulat naman siya sa rebelasyong aking pinasabog sa kaniya." L-Lawrence? Mahal mo talaga ako?" hindi makapaniwalang bulalas ni Esteffany. "Y-yes, I love you so much, my angel. Ikaw ang buhay ko. Please allow me to marry you. Gusto kong sa mga natitira mong araw ay kasama mo ako. . . kapiling mo ako, Esteffany. Im desperately in love with you, Ms. Esteffany Perez,"desperado kong sambit sa kaniya. "H-hindi mo alam ang sinasabi mo, Lawrence. Were still very young para magpakasal,: naiiyak na ring sabi ni Esteffany pero bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan sa rebelasyong ibinunyag ko kaakibat ng aking nararamdaman. Ako na ang bahala roon. Kami na ang bahala nina Novice, Rudny at David, masigla kong pahayag sa kaniya. Dahil sa pagkakarinig niya sa pangalan ng aking dalawang kaibigan ay biglang nanginig sa takot si Esteffany. "Galit sa akin sina Novice. . ." mahinang sambit sa akin ni Esteffany. "No, not anymore, my angel. Nagso-sorry na rin sila sa mga nagawa nila sa yo at masayang-masaya ako dahil tapos na ang problema. Mahal na mahal kita, Esteffany. Sa paglabas mo ng hospital ay aayusin na natin ang pagpapakasal. "Masuyo ko siyang niyakap. "Pero paano ang pag-aaral natin?" naguguluhang tanong ni Esteffany. Kahit mag-asawa na tayo, Esteffany, makakapag-aral pa rin tayo, paliwanag ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD