Kabanata 15

2598 Words
HALOS isang Buwan ang matuling lumipas bago namin inilabas sa hospital si Esteffany. Halos natapos na rin namin ang pagpre-prepare sa nalalapit naming kasal na pinangungunahan nina David. Halos araw-araw namang dumadalaw sina Novice at Rudny at pinasasalubungan nila ng prutas at flowers si Esteffany. Kada punta nina Novice at Rudny ay hindi nawawalan ito ng joke. Mula sa aking pagmamasid ay napuna ko kay Novice na nagbabalik na ang dating ito. Noong bago ito masaktan kay Shaira. Masayang-masaya ang pakiramdam ko dahil unti-unting nagbabalik sa dati ang dalawa kong kaibigan. Nang makalabas si Esteffany sa hospital ay nasabik itong magbalik sa eskwela. Humabol sa mga naiwan niyang subject at agad siyang nakahabol sa aming mga lesson. Dumating nga ang araw na pinakahihintay namin . . . ang graduation namin. Masaya kaming nagpaplano ni Esteffany nang walang ano-anong namumulang pumaroon sa bahay ni Esteffany ang aking ama na si Don Edward. Kasama nito ang aking inang nag-aalala. APRIL 3, 2009 BAHAY NINA ESTEFFANY "Walang-hiya kang bata ka! Ito ba ang mapapala namin sa yong bata ka. Halos pinag-aaral ka namin sa magandang eskwelahan. Kahit kailan ay hindi kami nagkulang!" mataas ang boses na sita sa akin ni papa. "Huminahon ka muna, Edward! Hayaan mong magpaliwanag ang ating anak." "Ano ang ibig sabihin ng mga papel na ito, Lawrence?! Ang bata mo pa para mag-asawa! Hindi ako papayag!" mariin nitong sambit habang hinahatak ang braso ko pero hindi ako nagpatangay sa kaniya. Marahas kong binitiwan ang kamay ni papa. Manghang nakatingin lang sa akin ang aking ama. "At anong ibig sabihin niyan, Lawrence Paul? Mas pinipili mo ang babaeng iyan? Isang mahirap! Hindi kayo mabubuhay nang wala ang pera ko! Sasama ka sa akin o itatakwil kita bilang anak ko?" bulyaw nito habang sapo ang dib-dib. "Edward!" "Papa! " Magkapanabay na sumigaw si David at mama. "Hindi ako sasama, papa! Mas kailangan ako ni Esteffany. Kaya ko kahit wala ang pera ninyo!" matatag kong buwelta kay papa. "Ah, ganon? Nagmamagaling ka na? Wala ka pa namang napapatunayan! Sige, sa araw na ito ay itatakwil na kita bilang anak. Hindi ko matatanggap ang babaeng iyan! Lalong-lalo na ang magiging anak mo sa kaniya. Mamatay rin iyan dahil may taning na iyan!" mabilis nitong pagtatapos habang mabilis na humahakbang palabas ng gate. Sumunod naman agad sina mama. Pinahintulutan ko na ring sumunod sa kaniya si David. Bago pinasibad ni papa ang kotse ay umismid pa ito at iiling-iling na nagmaneho. Narinig ko ang mahinang hikbi ni Esteffany at dahan-dahang pinaupo siya nina Novice at Rudny. "Ayos lang iyon, Esteffany. Nandito naman kami nina Novice at Rudny," pagpapalubag ko sa kaniya. "Hindi ayos iyon. Itinakwil ka ng papa mo nang dahil sa akin. Nakakahiya sa inyo,"umiiyak nitong sabi. "Dont worry, Esteffany! Nakaplano na ang lahat kaya sa ayaw at gusto ni papa papakasal tayo," masuyo kong sambit sa kaniya. "Oo nga, Esteffany. Ang Tito kong abogado ang magkakasal sa inyo bukas ng gabi," sagot naman ni Rudny. "At ako naman ang bahala sa pagdarausan ng kasal ninyo, Esteffany!" masayang sambit ni Novice na biglang kumislap ang mga mata. "Salamat sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi na namin makakaya ni Lawrence," puno ng emosyong pasasalamat niya sa amin. 7:00 PM, APRIL 4, 2009, SECRET GARDEN Habang masaya kaming magkatabi ni Esteffany sa upuan ay mabagal na iginala nito ang paningin. "Napakaganda naman dito, Lawrence. Hindi ko alam na may ganitong lugar sa campus. Para tayong nasa. . . ano na nga ba iyon?"manghang tanong ni Esteffany sa akin. "Paraiso. Tama ka, Esteffany. Para tayong nasa paraiso dahil sa ganda mo. . . dahil nandito na tayo," masaya kong sambit sa kaniya. Nakangiti siyang tumingin sa akin. Parang dadalawa lang kami sa mga oras na iyon. Wala sina David, Novice at Rudny. Napakaganda niya sa suot niyang simpleng bestida na humahakab sa kaniyang malasutlang katawan. Bumagay rin sa kaniya ang manipis na make-up at mga accesories na regalo ni Novice dahil ang pamilya nito ang isa sa mga nagmamay-ari ng chain industry of diamonds, ruby, emerald, jewel at iba pang nagkikinangang bato. Marahan akong tinapik ni Attorney Aguila, ang magkakasal sa amin. Parang napakatagal ng mga oras hanggang sambitin nito ang huling kataga. "You are now man and wife. You may kiss the bride," masayang sambit ni Atty. Aguila. Masuyo kong tintigan ang maamong mga mata ni Esteffany at malagkit siyang nginitian. Mababakas din sa kaniyang mukha ang labis na kasiyahan. "Mahal na mahal kita, Mrs. Esteffany Perez Berlington," ang naluluha kong bulong sa kaniya habang inilapat sa kaniya ang naghihintay kong mga labi. "I love you too, Lawrence," napapaiyak na sambit ni Esteffany sa akin. "Dont cry, Angel. Are you happy?" "Tears of joy ito, Lawrence," masayang panambitan nito habang pinupunasan ng palad ang mukha. "Kaya natin ito, Esteffany. I know." Sa kalagitnaan ng aming kasiyahan, dumating si Tito Leo at binigyan niya kami ng regalong hindi namin inaasahan. Isang studio type na condo sa may Roxas. Marahan kaming niyakap ni Tito Leo at masayang binati. Matapos ang tila nakakapagod na araw, umuwi kami sa bago naming unit. Halos nakaayos na lahat ng aming mga damit doon. Ang sabi sa akin ni David inutusan niya si Yaya Amelya na ayusin ang mga gamit naming mag-asawa. Hindi ko aakalin na ang pangarap kong makasama at iharap sa altar si Esteffany ay natupad ko na. Magkatabi na kami ni Esteffany sa kama nang unang niyang binasag ang katahimikan. "Hindi ko akalaing darating tayo sa puntong ito, Lawrence. Alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayon? Pero paano na ang mga magulang mo?" nakayakap nitong tugon sa akin. "Huwag mo na silang intindihin, angel. pagkatapos ng honeymoon natin ay maghahanap ako ng part-time job at saka mag-aaral ako. Kapag lumuwag-luwag ako ay saka ka mag-aaral, angel. Bago ako mag-High School ay nag-iipon na ako sa bangko kaya kahit paano ay may naipon na ako para sa atin," matapat kong pahayag sa kaniya. Mahal na mahal kita, Lawrence, mabini niyang sambit habang tinititigan ako. Humarap ako sa kaniya upang mapagmasdan ang maganda niyang mukha. Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang salaming nag-uugnay sa kaniyang mga mata. Dahil sa mapupusyaw na liwanag ng buwan ay matatanglawan ko ang tila anghel na nakahiga sa aking tabi. Napalunok ako at tila tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Sa isang iglap ay nahagilap ko ang kaniyang pisngi at marahang hinaplos iyon. Noong una ay nag-alangan ako pero masuyo siyang nagpapaubaya. Mabini ko siyang dinampian ng halik na masuyo at maingat. Parang bulaklak siya na masisira kapag aking minalas. Napaungol kami sa labis na emosyon. Hindi na namin namalayan na halos wala na kaming saplot. Sa bawat pintig ng aming puso ay kusa naming naipadama sa isat isa ang init ng aming pagmamahalan. "Lawrence, pakaingatan mo ako. . ." mahina nitong hiling sa akin. "O-oo, Esteffany,"mahina kong tugon habang masuyo kong ipinapadama sa kaniya ang aking pagmamahal. Sa paglipas ng sandali ay halos hindi ko namalayan na naging ganap siyang babae sa aking kandungan. Nasa rurok na kami ng kaluwaltihan nang marinig ko sa kaniyang mga labi ang mga salitang iyon. "Huwag mo akong iiwan, Lawrence," malalim nitong bulong. Hanggang pabilis nang pabilis ang bawat ritmo ng pag-ibig na aming sinasayaw. "Hindi na ngayon, Esteffany," hinihingal kong sambit habang nanginginig ang bawat kalamnan ng aming katawan na tila napuno ng emosyon. Sabay kaming napaungol nang marating namin ang dako roon. Magkayakap ang aming hubad na katawan na natatabingan lang ng manipis na kumot. Binigyan ko siya ng isang masuyong halik sa noo. "Nasaktan ba kita kanina, angel ko?"masuyo kong tanong sa kaniya. Noong una. . . pero nang maglaon ay hindi na, nangingislap na mga matang sambit sa akin ni Esteffany. "Ngayon ay akin ka na, angel. Hinding-hindi na kita bibitiwan," masuyo kong bigkas sa kaniya habang dinadampian siya ng halik sa mga labi. Magmula sa mga araw na iyon ay parang napakaganda ng paligid sa akin. Habang tumatagal ay gumaganda sa aking paningin si Esteffany. Kahit mahirap ang mga subjects at kahit nagtratrabaho ako kapag gabi ay sulit naman dahil mayroon akong maybahay na nag-aasikaso sa akin. Makalipas ang dalawang taon ay pumunta ng States sina David at aking mga parents. Ngunit bago nagtungo si David sa abroad ay nag-iwan naman ito ng kaunting pera. Ang sabi nito ay inipon daw nito iyon nang mahigit dalawang taon para iregalo sa amin ni Esteffany. Magbabakasyon na lang daw ito kapag nagka-baby na kami. Sira, tawa ko sa kaniya. Nalungkot naman si Esteffany sa sinabi ni David. "Bakit, angel?" tanong ko sa kaniya. Napaluha siya habang sinasabi iyon. Dalawang taon na lang ang natitira sa buhay ko, Lawrence, umiiyak nitong sabi. Napatigil kami ni David at malungot na tumungo. Tama nga si Esteffany dalawang taon na lang pala. OCTOBER 23, 2013 GRADUATION CEREMONY "Masayang-masaya ako para sa 'yo, Lawrence" masayang sambit ni Esteffany. "Oo salamat," masayang tugon ko din. "May sorpresa ako sa yo, Lawrence. Im pregnant!" masayang sambit ni Esteffany. Namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa narinig. "Oh, what? Youre pregnant? Hey, guys, my wife is pregnant!" halakhak ko habang hindi matawarang pagbati ang natamo ko sa aking mga kaklase. Matapos ang bar exam ay lumabas sa resulta na isa ako sa mga mapalad na nakapasa. Tuwang-tuwa kami ni Esteffany dahil sa mga achievements na aking nagawa. Habang nakahiga kami sa kama ay masuyo kong hinahaplos ang sinapupunan ni Esteffany. Tahimik namang nakamasid si Esteffany. Baby, kapag nakalabas na kayo, tiyak na matutuwa na kami talaga ni mommy, masaya kong panambitan. Mataman kong pinagmasdan si Esteffany at nabanaag ko sa maamo niyang mukha ang lungkot. "Why, Esteffany? Arent you happy na magkaka-baby na tayo?" marahan kong tanong sa kaniya. "Masaya, kaso, wala akong maipagmamalaki sa mga anak natin. Anong sasabihin mo? Na plain housewife lang ako," naghihinakit nitong sabi sa akin. Marahan ko siyang kinabig at dinampian ng halik sa buhok. "Kahit hindi ka naman nag-college, angel, proud na proud ako sa yo. Ikaw na yata pinakamagaling na asawa at magiging ina for sure," pagpapalubag ko sa kaniya. "Stop teasing me! Magpahinga na tayo, pwede?" nagmamaktol na sabi ni Esteffany. Natatawa ako sa mga bagong ikinikilos ni Esteffany. Ganito ba talaga ang magbuntis? Paiba-iba ang mood? Nasa kabuwanan na si Esteffany nang piniling magbakasyon sa Pilipinas ni David. Dahil maselan ang pagbubuntis ni Esteffany ay minabuti naming sa hospital na siya manganak. OCTOBER 29, 2014 SILENT HOME CARE HOSPITAL ROOM 120 Iyon na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Kung saan nagisnan ko sa incubator ang kambal na anak namin ni Esteffany. Marahan akong tinapik ni David na may kaakibat na ngiti sa mga labi. "You're a father now, Kuya Lawrence. Congrats," nakangiting sambit ni David sa akin habang parehas kaming nakatingin sa salaming bintana na nakapagitan sa silid ni Baby Estellar at Baby Shin. "Oo nga, eh, hindi ako makapaniwala. Ang sabi pa ni Tito Leo, lumakas daw ang puso ni Esteffany at ikinagagalak ko talaga ang balitang iyon," nagniningning na sabi ko, habang natatawa dahil parang ngumiti sa akin ang batang babae. "Pero hindi naalis sa isip kong balang-araw ay mawawala sa akin si Esteffany, David," malungkot kong bulong. "At kapag dumating ang araw na iyon, Kuya, tatagan mo sana ang iyong loob. Huwag mong pabayaan sina Estellar at Shin," susog nito sa akin. "Oo naman, David, "malungkot kong sang-ayon sa kaniya. "Kuya, darating pala ngayon si Kuya Novice galing Switzerland. Marami siyang pasalubong kina Esteffany at sa mga bata." "Talaga? Sige, puntahan na muna natin si Esteffany, "yakag ko sa aking kapatid. 12:32 P.M ROOM 120 "Kamusta ang mga bata, Lawrence?" tanong ni Esteffany habang nililinga nito sina Novice at Rudny. "Maayos naman sila at malusog, angel," natutuwa kong balita sa kaniya. Malungkot na napapatitig sa kisame si Esteffany at wala ano-anong may ibinulong sa sarili. "Kontento na ako. Kahit kunin na ako ngayon ni Lord,"walang ano-anong sabi nito. "Huwag mong sabihin iyan, Esteffany! Matagal pa tayong magsasama. Swear?"nalulungkot kong bigkas. "Sana nga," tugon naman niya. Nagkibit naman ng balikat sina Novice, Rudny at David sa narinig. DECEMBER 25, 2014 CONDO UNIT NAMIN NINA ESTEFFANY Masayang naghahain ng handa si Esteffany namg pag-ukulan siya ng pansin ni David. Doon napagdesisyonang mag-christmas ang aking kapatid. Naisip niyang kung sila kaya ang nagkatuluyan ay tiyak na masayang-masaya siya. Nilalaro nito sa kamay ang kamay ng batang lalaki. Ngumiti ito sa kaniya at napangiti na rin si David. "Nga pala, David, kumusta naman mga magulang ninyo ni Lawrence?Galit pa rin ba sa amin?" walang anu-anong tanong ni Esteffany. Maang na tinitigan siya ni David at nagsalita. "Its been 5 years since nangyari iyon, Esteffany, pero wala pa ring ipinagbago si papa. Si mama, sabik na sabik na makita ang mga apo niya kay Kuya Lawrence. Pero si papa. . .ewan. Napakatigas pa rin," hayagang sabi ni David kay Esteffany habang kinakarga ang batang si Shin at kinarga naman ni Esteffany ang batang babae. "Ganoon ba, David? Kasalanan ko ang lahat kung ganoon" malungkot na hayag ni Esteffany. "No, Esteffany! Its not your fault at kapag narinig ni Kuya iyan ay tiyak na. . ." ngunit hindi pa natatapos nito ang sasabihin ay sumabat na ako. "Huwag mong isipin na ikaw ang may kasalanan, Esteffany. Nagdesisyon akong ikaw ang piliin. David, huwag na huwag ka nang babanggit ng tungkol kay papa," bungad ko na kadarating lang galing sa opisina. "Alright," pagpayag ni David. Makalipas ang tatlong taong pagsasama pa namin ni Esteffany. Napuna namin ni Esteffany na malimit sumikip ang puso nito at nahihilo ito kaya minabuti ko na lang na i-confine siya sa hospital. MAY 17, 2017 HOSPITAL LAWN AREA 07:00 AM Habang binabantayan ni David ang kambal ay masaya nitong nilalaro ang dalawa sa may hindi kalayuan sa amin. Naglatag ako ng blanket at maingat na binuhat si Esteffany. Hindi na kasi ito masyadong makalakad. Naka-wheelchair na ito. Nangayayat din ito nang husto dahil sa marami na ang bawal kainin. Pinaunan ko siya sa aking mga binti at malaya kong pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Kahit hapis na ito, hindi pa rin nabawasan ang angkin niyang kariktan. "Lawrence, kapag wala na ako sa mundong ito, alagaan mong mabuti ang ating mga anak. At kapag nakatagpo ka ng isang babaeng mamahalin mo, sana. . . sana mahalin niya ang mga anak natin." Hindi ako nakaimik sa kaniyang tinuran. "Please, Lawrence. Promise me, bulong nito habang may namumuong mga luha sa mga mata."nanghihina niyang bilin. "Isa lang ang maipapangako ko sa yo, Esteffany. Pakamamahalin ko ang ating mga anak. Pero sa yo ko lang ihahandog ang pangalan ko, my angel," masuyo kong pangako sa kaniya at dinampian ko ng matamis na halik sa labi si Esteffany. Marahang ipinikit ni Esteffany ang mga mata at matamis na ngumiti. "Can you sing for me Lawrence?" hiling ni Esteffany kalakip ng namamos na tinig. Matapos niyang ipikit ang mga mata ay nag-umpisa ko nang awitin ang paborito kong kanta. "...Dinamayan mo ako sa aking pag-iisa. Nakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawa. At sa gabing dumarating, taglay mo ang yakap mo. Ang himig ng iyong pagmamahal ay walang kasing alab." Walang anu-anong parang bumigat ang kaniyang ulo at lumapaypay ang kaniyang mga kamay. Sa labis kong kabiglaan ay nayakap ko siya at pinilit na ginigising. Tuloy-tuloy ang daloy ng aking luha. Ang araw na kanina 'y masayang sumisinag ay natakpan ng ulap at tila nakikisimpatya sa pagpanaw ng aking pinakamamahal. Wala na ang babaeng pinag-ukulan ko ng buhay. Hindi ko na makikita ang maganda niyang ngiti, ang maamo niyang mukha, ang pag-ibig niya. Malungkot lang na nakamasid si David sa amin at matamang tinitigan ang dalawang batang walang kamuwang-muwang sa nangyari kay Esteffany.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD