Kabanata 16

525 Words
12:50 A.M KASALUKUYAN. "Iyon na pala ang huling araw na magkasama kami ng mama mo, Estellar," malungkot na hayag ni Lawrence sa kaniyang anak. Maluha-luhang napakurap si Estellar sa narinig na kwento ng lovestory ng kaniyang mga magulang. "So, dad, wala ka nang minahal bukod kay mama?" humihikbing sambit nito. "Wala na, anak, siya ang una at huli," malungkot nitong saad habang napapikit ito dahil naroon pa rin ang hapding iniwan ni Esteffany noong ito 'y mamatay. Mula sa kung saan ay sumulpot ang kakambal ni Estellar. "Hi, brother, you're late! Hindi mo tuloy narinig ang lovestory nina mama at papa." pambubuska ni Estellar sa kakambal. "Shut up! Bakit hindi pa kayo matulog? Its already one in the morning," sita ni shin sa mag-ama. "Sabado naman bukas, eh," katwiran naman ni Estellar. "Dad, tulog ka na," bilin naman ni Shin bago pumasok sa sariling kuwarto. Sa Call Center kasi nagtratrabaho ang binata. "Sige, anak," anito habang sinabayan namang pumasok nito ang anak. Unti-unting ipinikit ni Lawrence Paul ang mga mata. Alam niyang kahit pumanaw siya anumang sandali ay magiging maayos na ang buhay ng mga anak nila ni Esteffany. Tumawag kamakailan ang kaniyang kapatid na darating ito kasama ang abogado ng mga Berlington. Ipinamana raw ng ama sa dalawang apo ang mga shares niya sa kompanya. Malayang hinila ng antok si Lawrence. At sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay biglang nagbalik sa kaniya ang unang araw ng pagkikita nila ni Esteffany. Wala siyang pakialam sa paligid. Ang alam niya lang ay naroon na ang kaniyang mahal. "Hi, Im Esteffany Perez," lahad ni Esteffany sa kamay niya at tinanggap ni Lawrence ang kamay na nakabitin sa ere. "Im Lawrence Paul Berlington. Nice to meet you.” KINABUKASAN . . . Napalakas ang hiyaw ni Estellar nang mapagtantong tama ang hinala niya. Pupungas-pungas na dumating ang kaniyang kambal na si Shin. "Anong problema, Estellar?" ang nag-aalalang tanong nito sa kapatid. "Si Daddy, hindi na humihinga. Iniwan na tayo," umiiyak na pahayag nito sa kakambal. "Magpapatawag lang ako ng funeral service para maasikaso ang bangkay ni Daddy", tugon ni Shin. Bagamat nabigla at naguguluhan ay nagampanan naman ni Shin nang maayos ang dapat gawin. HALOS isang linggo ang itinagal ng burol ng ama nina Estellar at Shin. Habang nasa harap sila ng puntod ng kanilang mga magulang ay may tumigil na isang itim na kotse. Umibis doon ang isang lalaki na tantiya nilang mas bata kaysa sa kanilang amang pumanaw. Naglagay ito ng mga kandila at mga mamahaling bulaklak ng patay. Tumikhim muna ang matanda bago nagsalita. "Ako nga pala ang Uncle David ninyo. Kapatid ako ng inyong papa, hija at hijo,"pagpapakilala ni David ng sarili sa magkapatid. Maang na nagtinginan ang magkapatid. "Sumama kayo sa akin at pag-uusapan natin ang perang namana ninyo sa inyong lolo," masayang balita nito pero kalakip pa rin doon ang lumbay. Napasakay sila sa magarang kotse ng Tito at malungkot na tinanaw ang puntod ng mga magulang. "Alam kong nasa mabuting kalagayan na ngayon ang mga magulang ninyo Shin at Estellar. Hindi ko kayo pababayaan," nakangiti nitong tugon at sa unang pagkakataon ay napagtanto ng magkapatid na tama ang Tiyuhin. WAKAS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD