MATAMA akong nakatayo sa kaniyang harapan at pinagmamasdan siyang mabuti. Iyon ang utos ng dalawa kong kaibigan . . . ang unang hakbang.
"Bakit, Lawrence? May kailangan ka ba?
"Can I get your number?
"Okay, sandali.
Tama ang hinala nila Novice na easy girl siya. Basta na lang ibinibigay nito ang number sa akin.
"Ikaw, anong number mo?"
Pagkabigay ko ay tumuloy na ang aming plano. Nanliligaw ba sa yo iyong second year high school? Kung ako sa yo, babastedin ko na iyon dahil liligawan kita starting this day. . . matamis ko namang sabi habang umuupo sa kaniyang tabi.
Kumikislap ang mga mata ni Esteffany sa narinig. "M-manliligaw ka? Pero baka magalit sina Novice at Rudny sa gagawin mo?" kinakabahang sabi ni Esteffany.
"No, tingnan mo sila. . . "sagot ko naman sa kaniya habang pinapakalma siya. Tumingin nga si Esteffany sa kanila.
Kumakaway pa ang dalawa habang nakangiti ngunit kasama iyon sa aming mga plano . . . "So, babastedin mo na ba si David?" pagsisigurong tanong ko naman habang matamis na nakatitig sa kaniya.
"Oo, pero hindi ko agad masasabi sa kaniya. Ayoko siyang biglain, Lawrence," malungkot na bulong ni Esteffany.
"Huwag mo nang patagalin! Gawin mo na agad. Dahil kung hindi. . . "pabitin kong dikta.
"Dahil-dahil kong hindi?" nauutal na tanong ni Esteffany sa akin.
Hindi na ako manliligaw sa yo. . . I swear! sagot ko naman sa kaniya. Hindi nakaimik si Esteffany sa aking tinuran kaya mas maigi ko na lang ipinagpatuloy ang pag-uusisa. "Ah, Esteffany, bigay ba ni David ang salaming suot mo ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, ang bait-bait nga niya sa akin. . . "matamis niyang sagot habang hinahawakan ang suot-suot na salamin. Labis akong nanibugho sa aking kapatid.
Kahit nagpapanggap ako sa mga mata ng aking mga kaibigan, sa puso ko ay naroon ang piping puso kong nagmamahal para kay Esteffany.
Masayang-masaya nga ako dahil ang mga ngiting nasisilayan ni Esteffany ngayon ay totoo at walang bahid na kasinungalingan. Gustong-gusto ko ang planong ginawa ng mga kaibigan ko. Makakausap ko nang walang bahid ng pagkukunwari si Esteffany.
"Hi, Esteffany!"
Nagulat kami ni Esteffany nang biglang sumulpot si David at masamang nakatitig sa akin. Mayamaya ay ibinaling ni David ang paningin kay Esteffany at matamis na nginitian ito.
"Ah, Esteffany, puwede bang lumabas tayo mamaya pagkauwi mo? "sweet nitong natanong kay Esteffany. Maang akong tinignan ni Esteffany parang binabasa naman nito ang aking iniisip.
"Sorry, David, pero may tatapusin kasi ako ngayong hapon. "
"Sige, Esteffany, sa susunod na lang. I love you." Marahang hinila ni David ang mga palad ni Esteffany at mabilis na kinintalan ng halik.
Marahas akong bumuntung-hininga at mabilis na iniwas ang aking paningin. Labis-labis ang panibughong sumasalakay sa aking sarili nang mga oras na iyon. Nang makaalis si David ay muli kaming nag-usap nang masinsinan ni Esteffany.
"Tama ba ang ginawa ko?" mahinang tanong sa akin ni Esteffany.
"Medyo. . . pero sana binasted mo na lang siya. Mas maigi pa. Huwag ka nang makikipag-usap sa kaniya, huh?" masuyo kong sagot habang niyayakap siya.
Masaya namang tumititig sa amin sina Novice at Rudny. Tuwang-tuwa ito sa mga planong napagkasunod-sunod namin.
VILLA MANSYON MADRIGAL . . .
"Saan ka pupunta David?" sita ko sa aking kapatid. Alas syete na ng gabi pero mukhang may lakad pa ito.
"Pupuntahan ko si Esteffany sa kanila," sagot naman sa akin ni David.
"Ngayong oras na ito? Halos gabi na, aakyat ka pa rin ng ligaw kay Esteffany? Ipagpabukas mo na lang iyan, David! Magkikita pa naman kayo bukas. Hindi ba?." sabi ko kay David habang kumukuha ng magazine sa may bookshelf.
Dahan-dahang ibinaling ni David sa akin ang mga mata. "Pinagbabawalan mo ba akong dumalaw kay Esteffany, Kuya?" inis na sumbat sa akin ni David.
Mula sa aking pagkakahiga ay pasalampak kong ibinato sa lamesa ang magazine. Hindi kita pinagbabawalang pumunta nang gabi doon!" pagalit kong buwelta sa kaniya.
"Parati naman akong lumalabas nang gab, ha? Bakit ka ba ganyan kung maka-react, Kuya? Para kang nagseselos na pusakal diyan! May gusto ka ba kay Esteffany? Aminin mo na kasing may gusto ka kay Esteffany! "
Hinarap ko siya sa pagkakataong iyon. "Hindi ako katulad ng iniisip mo at wala akong gusto sa babae mo! Sa iyo lang siya kung gusto mo! Basta huwag mo akong sisisihin kong masaktan ka nang dahil sa Esteffany na iyan!" matalinghaga kong sumbat sa kaniya.
Palabas na ako ng kaniyang kwarto nang maghabol pa siya ng mga huling salita niya. Mabuti kung wala kang gusto sa kaniya dahil kung hindi ay hindi kita mapapatawad. "Magiging ahas ka pa sa paningin ko. Wala ka nang pakialam kung masasaktan ako dahil sa kaniya. Ginusto ko iyon at mahal na mahal ko siya!" Itinulak ako nito saka tumuloy nang lumabas ng bahay.
Matagal nang nakaalis si David pero naroroon pa rin ang hapdi ng mga salita na binitawan niya. Napaiyak ako dahil sa labis na kalungkutan. Ikaw ang unang umahas sa akin, David! Ikaw!" mariin kong sigaw sa loob ng aking kwarto.
BAHAY NI ESTEFFANY . . .
"Puwede bang pumasok?" maiksing tanong ni David nang pagbuksan ni Esteffany. Alas nuebe na nang makarating siya sa bahay nito.
"Puwede, pasok ka. . ." pagpayag naman ni Esteffany. Agad na inilagay ni Esteffany sa may vase ang dalang bulaklak ng aking kapatid.
Mataman siyang tinitigan ni David kaya biglang natakot si Esteffany. Ikukuha lamang kita ng merienda . . . pag-iiba ng topic ni Esteffany ngunit hindi pa siya nakakahakbang papalayo ay hinawakan siya ni David sa braso at mabilis na niyakap.
"D-David. . . "bulong ni Esteffany.
"Kailangan kita ngayon, Esteffany. Nalulungkot ako. Sabi kasi ni Kuya ay sasaktan mo lang ako. Di ba hindi ka naman ganoon, Esteffany? bulong din ni David habang tumutulo ang butil ng luha.
"Hindi, David. Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapasaya kita?" pampalubag-loob na turan ni Esteffany sa aking kapatid.
"Masaya na ako kung sasamahan kita nang buong magdamag dito sa place mo. Ayoko kasing umuwi sa bahay. . . "
"S-sige. . . "
AUGUST 19, 2008, VILLA MANSYON, BERLINGTON PROPERTY
Alas sais na ng umaga. Nasa hapag kainan na ako nang mapansin kong wala roon si David. Nagtanong ako sa isa naming maid na dumaan.
"Hindi pa po umuuwi mula kagabi, sir."
Biglaan akong natigilan sa aking pagkain. Naihulog ko rin ang hawak kong kubyertos. Biglang pumailanlang sa aking isipan ang mga katagang aking nabitiwan mula kagabi.
"Sa iyo lang siya kung gusto mo!" paulit-ulit na sigaw ng aking isip. Doon ko napagtanto ang ibig sabihin ng mga salitang aking nabitiwan.
"Hindi kaya may nangyari na sa kanila kagabi? Hindi p-puwede ito! David, ikaw ang ahas at hindi ako!" mariin kong sigaw habang isa-isa kong pinaghahagis ang aking mga pinagkainan. Maski isa sa aming maid ay walang nakapigil sa biglang pag-iiba ng aking aura at pag-iinit ng aking ulo. Ayaw ko sanang pumasok ngunit bakit ayaw sumunod ng puso ko?
SCHOOL CAMPUS, 8:30 A.M, CLASSROOM . . .
Pagpasok ko pa lang sa aking silid ay agad hinahanap ng aking paningin si Esteffany. Sa tingin ko ay mukhang puyat ito at hindi nakatulog masyado. Hindi ko maiwasan ang mag-isip nang masama sa kanila ni David.
Naniniwala pa rin ba ang puso kong balang araw ay mapapansin din ako ni Esteffany at isa pa rin siyang malinis na babae at wala pang umaangkin?
Kailan ba ako mag-iisip nang matino? Kapag nalaman ko bang mali ang kutob ko ay maibabalik na ba ang dati kong sigla na unti-unting pinapatay dahil sa pangyayaring hindi ko inaasahan?
10:30 AM, BEFORE LUNCH BREAK . . .
"Lawrence, ang tamlay mo yata? May gumugulo ba sa isip mo, pare?" tanong sa akin ni Rudny.
"Huh? Kasi hindi umuwi si David kagabi. Nagpaalam itong pupuntahan si Esteffany. May nangyari kaya sa kanila ni David?"
"Tinanong mo na ba si David? Hindi naman siguro papatulan ng kapatid mo ang panget na iyan!"
"Hindi imposibleng galawin ni David si Esteffany dahil mahal siya ng kapatid ko. At kahit noon pa man, alam n'yo nang kung sinu-sinong babae ang inuuwi ng kapatid ko," mabilis kong sagot.
"Puwede ba? Huminahon ka muna, Lawrence Paul! Ang magagawa mo lang ngayon ay magtanong kay David. "
"Pero pag nagkataon ngang merong nangyari? Anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ko naman. Nagkibit na lang ng balikat ang dalawa kong kaibigan.
1:30 PM, SECOND YEAR HIGH SCHOOL ROOM . . .
Matiyaga kong hinintay sa may bungad ng pintuan si David. Nang sa paglabas niya ay nahagip siya ng kaliwa kong mga mata ay mabilis kong hinawakan ang kaniyang balikat.
Masama itong nakatitig sa akin. David, "mag-usap tayo!" mahinahong sabi ko sa kaniya.
"Nag-uusap na tayo. Hindi pa ba?" paangil niyang sumbat sa akin.
"Puwede ba, huwag mo akong pipilosopohin!" matalas kong banta sa kaniya.
"Oo na! Basta huwag mo akong pandidilatan nang ganyan!"
Pumwesto kami sa hindi mataong lugar. "Sabihin mo lang sa akin ang totoo, David, pakikinggan kita. Bakit hindi ka nakauwi kagabi?"
Mataman niyang akong pinag-aralan at saka siya ngumisi "Bakit kuya? Takot ka bang may namagitan na sa amin ni Esteffany?" prangkang tanong sa akin ni David.
"M-may nang. . ." nauutal kong sagot ngunit hindi na niya ako pinatapos at agad siyang umagaw.
"Meron! Meron ngang nangyari sa amin ni Esteffany at naging akin siya nang buong-buo kagabi. Ako ang mahal niya at hindi ikaw!" mariing sigaw ng aking kapatid.
Dahil sa kaniyang tinuran ay hindi na ako nakapagpigil at isang suntok ang napadapo ko sa kaniyang pagmumukha.
Habang sapo-sapo ni David ang parteng dumudugo ay mataman niya akong nginitian. "Bakit, Kuya Lawrence? Maibabalik mo ba ang lahat-lahat kung dadaanin mo ang lahat sa ganito. Wala na, talo ka na!" mapakla niyang sigaw sa akin at malakas niya akong itinulak.
Napatungo na lang ako.
Bakit? Bakit ang sakit?! Parang wala nang buhay ang puso ko. Parang wala nang lakas ang natitira sa akin. Para saab pang mabuhay sa mundo kung nawala na sa akin ang minamahal ko?
2:02 P.M, CLASSROOM . . .
Malungkot akong nakaupo sa aking upuan at matamang tinitigan si Esteffany na nagsusulat sa pisara. Marahan akong tinapik ni Rudny.
"Anong sabi ni David? May nangyari ba?" pabulong niyang tanong sa akin.
"M-meron. . . "Parang may bikig sa aking lalamunan nang manulas sa aking bibig ang mga katagang iyon.
"Ang tamlay mo, pare. Malungkot ka marahil sa nalaman mong nauto ang kapatid mo at hindi ko akalaing napakaruming babae iyan!" bulong sa akin ni Novice na nakikisimpatya.
"Papayag ka ba, Lawrence, na maisahan pa at gamitin ang kapatid mo? Di ba hindi?!" sabad naman ni Rudny.
Biglang sumiklab sa kaibuturan ko ang kakaibang tensyong lumukob sa aking katauhan."Kung wala nang dahilan para ibigin pa ako ni Esteffany ay mas mabuti pang agawin ko si Esteffany at sirain ang pagsasama nila ng kapatid ko. Hindi ko hahayahang masaktan si David. . . kahit buhay ko pa ang kapalit," masidhing bulong ng aking utak.
"Siyempre, hindi ako papayag! Papahirapan ko pa ang babaeng iyan para mawala sa landas namin ni David!" sagot ko naman na labis na ikinatuwa nina Novice at Rudny.
"Ganiyan ang kaibigan namin! Hindi tumatalikod sa napag-usapan! "masayang sambit ni Novice.
Ngayon ay wala nang alinlangan sa akin. Pati puso ko ay nakikisama na rin dahil sa nawalang hirang!
4:45 P.M.
"Ms. Esteffany, kumuha ka ng tatlong members. Tapos magpunta kayo sa libriary para i-research ang mga questions na ito, okay?" sabi ng teacher kay Esteffany.
"Yes, ma'am," maamo niyang sagot sa guro. Luminga si Esteffany at napako ang kaniyang tingin sa aming tatlo.
Nakangiti siyang lumapit sa aming tatlo. Puwede bang humingi ng favor sa inyong tatlo? nahihiyang tanong sa amin ni Esteffany.
"Ano iyon?" sagot ko naman na medyo asiwa pa.
"Kasi. . . ahm. . . puwede bang kunin ko kayong tatlo para maging member ng research team?" kiming pahayag ni Esteffany.
"No. . . "mariin kong tanggi sa kaniya.
Nawala ang tila anghel niyang ngiti. "Bakit, Lawrence, may problema ba?" nabibiglang tanong ni Esteffany sa akin.
Mapait ko siyang tinignan mula ulo hanggang sa talampakan niya. Namula siya nang magtagal ang tingin ko sa kaniyang mga mata. "Kapag sinabi kong hindi. . . hindi!" matigas kong sagot.
Tiningnan ako ni Novice bago nagsalita. "Bakit ka ba ganiyan, Lawrence? Let Esteffany. Nakiusap naman siya at sa tingin ko ay mas nakabubuting tayo na ang kasamang mag-research ni Esteffany. . ." nakangiting sambit ni Novice.
"Thanks, Novice, ang bait-bait mo talaga. . . "pasasalamat ni Esteffany.
"Hindi pa ako pumapayag kaya huwag ka munang magsaya. . ." sansala ko sa kaniya.
"Hey, Lawrence, hayaan mo na si Esteffany. Kami ang bahala. . ." matalinhagang sagot ni Rudny.
"Kasama pa rin ito sa plano, Lawrence. . . "bulong naman sa akin ni Novice na ikinatuwa ko naman. Agad akong pumayag at nag-umpisa na kaming mag-research sa silid-aklatan.
5:30 PM, SCHOOL LIBRARY
Tiyeso akong nakaupo sa isa sa mga swivel chair ng aming library at malamig na nakatingin kay Esteffany. Si Rudny ay masayang iniikot ang sa kaniya, samantalang tahimik namang nagtetext si Novice.
Lahat ay tahimik. Napansin ko ring wala nang natitirang estudyante sa aming silid-aklatan. Matagal na ring tumunog ang aming bell hudyat na tapos na ang lahat ng klase at dapat nang umuwi.
Masama akong nakatitig kay Esteffany at nagtanong. "Miss. . . hindi pa ba tayo uuwi? 5:30 na at hindi ako sanay na nagpapagabi. Ewan ko lang sa yo!" matalas kong sambit sa kaniya.
Iniangat niya ang kaniyang tingin sa akin. "Malapit na itong matapos. Maghintay ka na lang nang ilang minutes. . ."
pagpapaumanhin ni Esteffany bago ituloy ang pagsusulat.
Pasalya akong tumayo at masama na naman akong tumingin sa kaniya. Hindi ko na rin namalayan na tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay ngunit maganda pa rin siya. Tumaas-baba rin ang kaniyang dibdib na tila nagpapasensya.
"Ba't ba ang init ng ulo mo ngayon, Lawrence? Hanggang 6 PM tayo rito pero hayan ka at tila batang nag-iinarte. Pwede ka namang umuwi, ah? The door is wide open for you, Mr. Berlington!" napataas na rin ang kaniyang boses.
Mula sa kaniyang kinauupuan ay mabilis akong naglakad papunta sa kaniya at mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang balikat. "Wala kang karapatan para pagtaasan ako ng boses dahil isa ka lang mababa at maduming babae!" bulyaw ko sa kaniya.
"Put your arms away from me, Lawrence! Nasa-saktan ako!" pakiusap ni Esteffany sa akin.
Tila aapoy ang mga mata ko sa pagkakatitig sa kaniya. Lahat ng sama ko ng loob sa aking kapatid ay sa kaniya ko ibinunton pero dahan-dahan ko rin siyang itinulak. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Isang picture message ang na-receive ko mula kay David.
Kuha iyon ni David na may hinahalikan at kilalang-kilala ko kung sino ito.
"Esteffany. . ." masakit na bulong ng aking puso. Malungkot kong ibinulsa ang aking cellphone. Hindi pa ako bumabaling kay Esteffany. Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking kanang pisngi na iginawad sa akin ni Esteffany. Sinapo ko iyon at tiyak kong namumula iyon.
"Hoy, panget, sumusobra ka na! Bakit mo sinampal si Lawrence?" malakas na sumbat ni Rudny.
"Lagot ka ngayon. . ." bulong naman ni Novice na ibinaling naman ang paningin sa akin.
"How dare you do that, Lawrence?" galit na sagot ni Esteffany sa akin.
Mabilis kong hinatak ang kaniyang buhok at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Alam kong takot na takot siya sa mga oras na iyon. Tila kasi sasakmalin ko siya sa sobrang pagkapoot!
"Bagay lang sa yo ang ginawa ko dahil marumi kang babae! Pati isang mas bata ay pinatulan mo! Hindi ka na nahiya na makipagtalik sa David na iyon? Porke ba pumapatol si David sa kung sinu-sino lang? Ginusto mo naman dahil sa mayaman siya!" bulyaw ko sa kaniya.
"Hindi! Hindi ako tulad ng iniisip mo Lawrence! Alam mong hindi ko magagawa ang ganoon. . ." pagpapaliwanag ni Esteffany.
"So, pinapaasa mo ang kapatid ko? Pinapaikot mo siya at ginagawang tanga? Puwes, hindi ko papayagang gaguhin mo siya!" diin ko kay Esteffany.
"Hindi ko siya pinapaasa! Sasabihin ko rin sa kaniya na wala na siyang maasahan sa akin. Ba't ka ba ganiyan sa akin, Lawrence? Akala ko mahal mo ako? Na liligawan mo ako? Akala ko totoo iyon. . . "
Hindi man lang ako nakaramdam ng awa at sinalubong ko ang kaniyang titig nang walang patid. "Lahat ng nakita mo ay pagkukunwari lang at kasama sa plano. Bukas, wala ka na dapat dito!" madiin kong panambitan sa kaniya.
Marahas kong sinulyapan ang cellphone ni Esteffany na nasa ibabaw ng lamesa. Pilit na inaabot ni Esteffany ang cellphone pero isenenyas kung kunin nina Novice at Rudny iyon at tingnan kung sino ang caller.
Tinitigan muna ako ni Novice bago sumagot. "Ang kapatid mong si David. Anong gagawin ko?" nag-aalalang tanong sa akin ni Novice.
"Eh, ano pa? Patayin mo at patatahimikin ko pa ang bunganga nito!" marahas kong sagot habang mahigpit na hinahawakan siya sa kamay.
"Hihiwalayan mo ba si David o masasaktan ka?" mariin kong banta sa kaniya.
"Mali ang iniiisip mo, Lawrence, dahil ikaw. . . "ngunit hindi pa niya natatapos ang kaniyang mga salita ay mahigpit ko siyang hinahawakan sa leeg at malakas siyang sinakal.
"Lawrence, awat na! Nasa labas si David! Baka. . . sambit ni Rudny na nangangatog na sa mga nangyayari. Masama akong tumingin kay Esteffany at pasalyang inalis ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg.
Napaluhod siya at sapo ang dibdib habang hinahabol nito ang paghinga. Namutla rin ito sa labis na tensyon.
Mula sa aking kinatatayuan ay napansin kong umaagos sa kaniyang mga mata ang mga butil ng luha. Kung sabagay, sinong hindi masasaktan sa aking ginagawa?
"Siguro magtatanda ka na niyan. . . "
Pipihitin ko na sana ang seradura nang magsalita si Esteffany. "Lawrence, gagawin ko na ang mga sinasabi mo. . . Hindi ko na tatanggapin ang pag-ibig ni David para sa lahat. . . at para matahimik ka na rin!"
Napangiti ako sa kaniyang tinuran. Goodluck and thanks!
NANG maabutan ni David si Esteffany sa may library ay parang wala iyo sa sarili. Matamang nakatingin lang si Esteffany sa isang bagay at parang nakalutang lang sa kawalan ang kaniyang isip. Maang ring nakatingin sa kaniya si David at tiyak ang pag-aalala sa babaeng minamahal. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon si Esteffany. Basta ang alam niya ay may masamang nangyari dito at hindi niya iyon tiyak. Desidido si David na alamin ang nangyari.
Mariin niyang pinisil ang palad ng dalaga. Nandito lang ako, Esteffany, maamo nitong panambitan habang marahang hinahawakan sa pisngi si Esteffany. Tinitigan siya ni Esteffany na bakas sa mata ang kalungkutan.
BAHAY NI ESTEFFANY . . .
"Esteffany, kung may problema ka, narito lang ako para. . .
Tungkol pala sa sagot ko David. . ."
"Ano? Sasagutin mo na ba ako? As in officially boyfriend mo na ako? "nagagalak na sabi ni David.
"Sorry, David, pero hindi ko matutugunan ang pag-ibig mo. . ." malungkot nitong panambitan.
Nawala ang saya sa mukha ni David. "Bakit hindi mo kayang tugunan ang pag-ibig ko? masakit na sawata ni David.
"David, masakit man, sana mag-move on ka. Mas maraming babae ang higit na bagay sa yo,
kaysa sa katulad kong ganito lang," paliwanag ni Esteffany.
"Siguro . . . Thanks sa lahat kung ganoon . . . "malungkot na sambit ni David.
"Ako nga ang dapat magpasalamat sa yo, David . . ." malungkot na hayag ni Esteffany.
"Esteffany, what's bothering on you? Kanina ko pa napapansing may dinaramdam ka? I'm your friend," nag-aalalang tanong ni David na hindi pa sanay na sabihin ang huling salita.
Nagtagal ang pamimilit ni David hanggang sa bumigay ang mga itinatagong dinaramdam ni Esteffany. Umuwing nasasaktan at nagdaramdam ang aking kapatid. Bakas ko sa kaniyang kilos at galaw ang labis na pagkabigo.
Mula sa pagpasok niya sa kaniyang kwarto ay iinut-inot itong nahiga sa kaniyang masters bed. Marahang tinakpan ni David ng unan ang mukha.
"David, p-puwede bang pumasok?"
Matagal bago ito sumagot. Nakakatulig na mga salita ang aking natamasa mula sa aking kapatid. "Puwede ba? Ayaw ko munang makipagusap! Lalong-lalong na sa yo! Ang sama-sama mo, hindi ka na naawa sa akin . . . masama ka! Wala kang awa sa akin at lalong-lalo na kay Esteffany!" matigas na sagot ng aking kapatid mula sa kaniyang kwarto.
"Ano bang nangyayari sa iyong bata ka? Saka nakatatanda ako sa yo, David! Huwag na huwag mo akong sagutin nang ganiyan kapangit na salita ang lumalabas sa bunganga mo!"
Dahan-dahan bumukas ang seradura ng pintuan ni David. Ginamit ng aking kapatid ang remote control para hindi na ito bumangon. High-tech na kasi ang mga gamit noon.
Mula sa pagbubukas ng pintuan ay natunugan kong umiiyak si David. Hindi ko pa alam ang mga nangyayayari ngunit desidido akong alamin iyon . . . kahit pa sapilitan.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi ng kama ni David. Hahawakan ko na sana siya ngunit masama itong bumaling sa akin. Ayaw na ayaw ko pa naman ang pakiramdam sa tuwing tumitingin nang ganoon si David.
"Puwede ba, David? Can you put away that silly eyes?" naiinis kong babala kay David. Tila naman nagising si David at ibinaling ang tingin sa iba habang patuloy pa rin ang kaniyang pagluha.
"David, huwag ka ngang ganiyan! Hindi nababagay sa isang Berlington ang ganiyang ayos! "
Tumahimik naman ito at namalayan ko na lang na nakatulog na pala ito dahil na rin siguro sa pagod. Kung hindi pa siyang handang i-share sa akin ay may bukas pa naman para doon. Kasasara ko pa lang ng pintuan nang imulat ni David ang kaniyang mga mata.
"Ano ba talaga ang problema, Esteffany?" ang ulit na tanong ni David kay Esteffany. Mariing tumitig sa kaniya si Esteffany. Maupo ka muna sa sofa . . . maikling aya ni Esteffany.
Masaya siyang tinitigan ni David. Iyon kasi ang pinakagustong sitwasyon ni David . . . ang malapitan nang maigi si Esteffany. Ngunit nawala ang sayang nakalutang sa kaniyang mukha at napalitan iyon ng pagkabahala. Nag-umpisang umiyak si Esteffany sa kaniyang harapan.
"Bakit ang sakit umibig, David? Sa tuwing pipilitin kong umiwas sa kaniya ay nasasaktan ako. Maganda at matalino naman ako. . . minahal ko siya nang labis kahit ganoon ang pakikitungo niya sa akin. Tinanggap ko lahat ng masakit na naranasan ko mula sa kaniya at hindi ako humihingi ng kaukulang pansin at pagpapahalaga sa kaniya. Ngunit ang hindi ko matanggap ay ang paglaruan niya ako at paasahin ang puso ko. Mahal na mahal ko siya David. . . At bakit? Ano pa ba ang kulang sa akin?
Nagtitiiis ako sa paaralan para pumapasok araw-araw. . . masilayan lang siya. Pero kahit nasasaktan ako dahil sa mga nagdaang araw na pinahiya at sinaktan niya ako ay mahal na mahal ko pa rin siya. Mula pa noong una, David. . ." nabiting salaysay ni Esteffany dahil sa nadulas na dila ni David.
"Si Kuya ba? Si Kuya Lawrence ba ang tinutukoy mo, Esteffany?" walang anu-ano'y banggit ni David. Malungkot na ibinaling ni Esteffany ang kaniyang mga mata at sinalubong naman ito ni David nang walang kakurap-kurap.
Mabagal na mga salita ni Esteffany ang sumunod. "Sana ikaw na lang si Lawrence, David. Sana hindi na ako nasasaktan ngayon. Ibibigay ko ang lahat-lahat para kay Lawrence. Kahit pati ang puso kong hirap nang mabuhay sa malupit kong kapalaran. . ." mapait na sambit ni Esteffany.
"Lahat-lahat? Esteffany, puwede mo namang ibaling sa akin ang nararamdaman mo. Kahit matagal ay maghihintay ako. Kayang-kaya kong palitan sa puso mo si Kuya Lawrence basta handa mo akong tanggapin kahit panakip-butas pa lang muna ako. Hindi kita sasaktan, Esteffany. Paliligayahin kita, kahit itakwil ako nina mama at papa, basta makasama lang kita Esteffany. Mahal na mahal kita. . ." masidhing pangako pa ni David kay Esteffany.
"David, wala nang papalit at papantay sa puso ko kay Lawrence. First at true love ko si Lawrence kaya mamahalin ko siya hanggang sa kamatayan."
Pilit na pumapailanlang sa kaniyang guni-guni ang mga katagang ayaw na ayaw niyang marinig. Parang unti-unting pinapatay siya ng kaniyang nararamdaman.
"Hindi ako papayag na maging ganito lang ang katapusan. Mapapasakin ka sa ayaw at gusto mo, Esteffany," bulong ni David sa hangin mula sa kalaliman ng gabi.
AUGUST 20, 2008, 6:30 AM.
Maaga akong gumising. Mataman kong tinititigan ang nakasarang pintuan ni David. Kinatok ko iyon nang ilang beses ngunit wala pa ring sagot kaya napagpasiyahan ko na lang ihinto na ang pagkatok. "Kung ayaw mong makipag-usap . . . edi huwag!" inis kong sumbat sa nakasarang pintuan..
Tatalikod na sana ako nang magsalita si David mula sa kaniyang kwarto." Kuya! Hindi na ako makikisabay sa yo kahit kailan kaya huwag mong aasahang makikita mo pa ako sa campus! Ahas ka! Inahas mo ako! Ang akala mo ba hindi ko alam na inaahas mo na ako nang palihim? Masama ka!" inis na sumbat sa akin ni David sa akin.
Masama kong tinitigan ang pintuan ngunit mas pinairal ko sa pagkakataong iyon ang pagtitimpi. Patalikod na ako nang magbitiw pa ng ilang salita si David na labis kong ikinabahala.
"Hinding-hindi ko igi-give-up si Esteffany! Akin lang siya! Kahit hindi niya ako mahal ay pipilitin ko at kapag dumating ang mga panahon na iyon ay kusa kong maaabot ang matagal ko nang inaasam. Kapag sinaktan mo pa ulit si Esteffany, baka hindi ko na maalala na magkapatid tayo! Papatayin kita!
August 20, 2008 -7:12 A.M Dining Table . . .
Ito ang mga panahon na ikinatatakot ko ang araw na kung saan malapit ko nang mahanap ang mga kasagutan at husga ng KAPALARAN . . .