Kabanata 11

3988 Words
NAGING matamis ang bawat araw na nagdaan. Nagagawa na ni Esteffany ang makipag-usap sa aming mga kaklase nang walang alinlangan. Parang tanggap na nila kahit siya ang pinakaiba sa aming lahat. Noong una, nagagawa pa nila itong saktan, ngunit ngayon ay nagagawa na nilang makitawa at makisama rito. Dahil sa mga nangyayari, hindi maiwasan nina Novice at Rudny na mainis at magalit sa mga kapuwa kaklase namin. Lumipas ang isang buwan at hindi na sila nakatiis. Ginamit na nila ang kanilang impluwensya upang maibalik ang masasama at pangit na ugali ng mga ito. Iyon naman ang labis kong ikinalulungkot at ikinadidismaya. Hindi ako nag-aral dito sa St. Sanity Madrigal para pangunahan at diktahan ang kapalaran at ugali ng aking mga kaklase. Ngunit iyon ang ipinagtutulakang ipagawa sa akin nina Novice at Rudny . . . ang palayasin si Esteffany. Masakit ngunit kailangan kong piliin ang madilim na daan na kasama ang mga bestfriend kong hindi na maiahon at magising sa isang napakadilim na alaala ng kahapon. Kung saan iyon ang alam nilang tama at makakabuti sa aming lahat. Ang mawala sa landas namin ang mga katulad ni Esteffany na mahirap at manggagamit. Ngunit ganoon ba talaga ang nararamdaman sa akin ni Esteffany? Wala na ba talaga itong espesyal na pagtingin na itinatago sa akin? Sana meron dahil kapag nagkataon ay hindi na siya mawawala sa puso ko . . . kailanman. Dahil sa nakalipas na isang buwan ay minabuti ng aking dalawang bestfriend na gawin na ang kanilang mga plano kay Esteffany para maibsan ang pangambang nagbubungguhan sa kanilang mga puso. AUGUST 11, 2008, MONDAY, ST. SANITY MADRIGAL SCHOOL. ALA UNA na ng hapon. Kapapasok ko lamang sa aming classroom. Katatapos ko lang mag-lunch at napansin kong masayang nanonood mula sa labas ng classroom ang dalawa kong bestfriend sa kung anong kakaibang eksenang nangyayari sa loob. “Tingnan mo, Lawrence! Parang sabungan ng mga manok sa classroom, oh! Kawawa naman si Esteffany. . .” bulong sa akin ni Novice. “Tsk! Tsk! Parang tinu-torture ang panget!” natutuwang sambit naman sa akin ni Rudny. Habang tinitingnan ang napakasakit na eksena sa buhay ni Esteffany ay tila may bumara sa puso ko. Sa kabila ng paghingi ng tawad ni Esteffany sa aking mga kaklase ay ayaw pa rin paawat ng mga ito na batuhin, saktan at laitin ang kawawang babae. Pinagdidiinan ng mga ito ang hindi paggawa ng mga project ni Esteffany para sa kanila. “Sorry talaga. . . ginawa ko naman ang lahat para mapagbigyan ko kayo pero wala talagang sapat na oras para matapos ang mga ipinapagawa niyo. "Takot na takot ito sa aming mga kaklaseng wild na wild sa p*******t sa kaniya. “Ang sabihin mo, manggagamit ka lang! Ginamit mo ang mga pera namin! Akala mo kung sinong napakabuti sa atin? Iyon pala sinisiraaan na tayo sa mga teachers natin! Sipsip!" dagdag pa ng isang matabil na kaklase namin. “Eh, anong gagawin namin ngayon? Hindi kami makakapag-exam kung wala iyon? Talaga namang sakit ka sa ulo, Ms. Panget!” buwelta pa ng aming isang kaklase. Nanginginig na nagsalita si Esteffany. “Hindi ko alam! Pakikiusapan ko na lang si ma’am na maghintay pa ng ilang araw tungkol sa mga project natin tapos baka puwede na kayong kumuha ng exam. . .” “Aba, at sumagot-sagot ka pa? Marami ka ring alam na sasabihin ano? Puro naman kasinungalingan! Hindi ka na talaga nahiya? Alam mo bang anak ako ng tanyag na bank manager at ganito mo na lang ako ina-underestimate!” sita ng leader ng mga sosyal sa aming klase. Isa isa nilang sinugod at pinagsasaktan si Esteffany. May sumasabunot, may sumusuntok sa kaniya at tumutulak. Ang iba namang nakikinuod lang kanina ay naghihiyawan na at nakikisali sa kakaibang eksenang ginagawa ng mga kaklase namin. Mula sa aking pagkakatayo ay mabilis na rumagasa sa buo kong pagkatao ang kakaibang poot na namamayani sa akin. Unti-unting nag-iinit ang mga palad ko sa tuwing naririnig ko ang impit na sigaw ng pagmamakaawa nito sa aking mga kaklase. Mantakin mong gulong-gulo ang buhok niya? Gusot na Gusot ang mga uniporme nito at pati ang salaming nag-uugnay sa mga mata niya ay basag na at wala nang silbi. “Tama na! Ayoko na! Nasasaktan na ako!" Impit na pakiusap ni Esteffany mula sa aking mga kaklase habang dumadaloy sa kaniyang pisngi ang mga luhang patunay ng kaniyang paghihinagpis. Mula sa aking pagkakatayo ay dahan-dahan akong pumasok sa aming classroom. Kasabay niyon ang pagtunog ng aming bell. “Hoy, Lawrence! Anong gagawin mo? Huwag mong sabihing iyan ka na naman, Lawrence!" pagpipigil sa akin ni Rudny habang hinahawakan ang isa kong braso. Matalim kong tinitigan ang kamay na nakahawak sa aking braso. Agad namang inalis ito ni Rudny mayamaya bilang tanda ng pagpayag niya. Mabilis akong humakbang ngunit narinig ko mula sa aking likuran ang tinig ni Novice. Tumingin ako sa kaniya. "Alam kong tama ang gagawin ko kaya pabayaan nyo na muna ako,” sambit ko at nagpatuloy sa paglakad. “Ano bang problema at nagkakagulo kayo dahil sa isang mababaw na bagay? Hindi ba ninyo alam na parating na ang teacher natin? Gusto nyo bang masuspende tayo dahil sa mga pinaggagawa ninyong kalokohan!” naiinis kong sita sa kanila. “Oh, ano? Ano pang ginagawa ninyo riyan? Magsiupo na kayo!” inis ko pang bulyaw sa kanila. Kayo namang mga mga PRO, wala man lang kayong ginagawa riyan? Hinayaan na lang ninyong may mangyaring gulo rito sa room habang wala ako? Aba, hindi puwede sa akin iyan! "Binabalewala nyo ba ako bilang Class President ninyo? Kapag nasuspend tayo dahil sa ginagawa ninyo, tingnan nyo lang!” bulyaw ko pa sa kanila. Dahan-dahan ko siyang hinarap at tinanong kahit alam ko kung anong dahilan at kasagutan. “Ikaw, tumayo ka! Anong dahilan upang humantong sa ganito ang away ng mga kaklase ko sa yo?” tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan siya. Naawa ako ngayon sa kaniyang katayuan. Para siyang basahan na itinapon lang sa kung saan. Ngunit sa akin na inlove sa kaniya ay para lang siyang bulaklak na nag-uumpisa pa lang mamukadkad. Wala siyang kaimik-imik. Hindi ko alam ang mga iniisip niya sa mga oras na iyon. Ang alam ko lang ay malagkit lang siyang nakakatitig sa mga mata ko. “Hoy! Kung kinakausap ka ni hearththrob sumagot ka!" inis na bulyaw ni Rudny kay Esteffany. Ginawa ko naman ang gusto nila. Lahat ng oras ko ay inalaan ko sa mga project pero kulang pa rin. Humingi na ako ng tawad pero sinaktan pa rin nila ako, Lawence, naiiyak na sagot sa akin ni Esteffany na dinadama pa rin ang sakit ng katawan. “Akala ko ba napakatalino mo? Bakit mo ipinagpipilitan ang bagay na hindi mo kaya? Hilo ka ba o bobo ka lang?” sambit ko habang palayo sa kaniya. “Iyan kasi, masyadong nagmamagaling, eh! Hindi naman kaya!” pangiinsulto pa ng aking dalawang kaibigan. Natahimik ang aming silid nang pumasok ang aming teacher. “Ang galing mo, bro! Akala ko maaawa ka na naman sa babaeng iyon! "ani Rudny. “Ayaw ko lang na magkaproblema tayo rito sa room," maiksi kong sagot habang matamang nakikinig. Habang nagdidiscuss ang aming teacher ay lumilipad na naman ang aking isip. Bakit ka ba ganiyan, Esteffany? Hindi mo na ba iniisip ang mga mangyayari sa yo? Basta kung anong gusto mong ikasisiya ng aming mga kaklase . . . ginagawa mo. Hindi mo lang alam, Esteffany kung gaano ako nahihirapan. Ngunit sa kabila ng p*******t ko sa kaniya, sa bandang huli ay magiging tagapagligtas pa niya ako. Ibig sabihin lang ba ng lahat ng mga ginagawa ko sa kaniya ay para mapansin niya ako o ayaw ko lang magpatalo kay David na ginagawa ang lahat para sa babaeng minamahal namin? ALAS kwatro na ng hapon. Habang nakikinig sa paborito kong kanta sa aking i-pod ay matiyaga ko namang pinagmamasdan ang iyong ina. Tumayo ako malapit sa aming pintuan para hindi niya mahalatang nakatulala na pala ako sa ganda niya. Masaya niyang kinakalikot ang kaniyang bagong cellphone na bigay ng aking kapatid na si David. Mayamaya ay umakyat na lang sa ulo ko ang poot na nararamdaman ko. Padabog akong naglakad at umupo sa aking upuan. Nakatitig lang ako sa aming pisara. Dahil sa wala akong magawa ay naiinis kong inalis ang pagkakatitig ko sa bagay na mas binibigyang pansin niya. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nagseselos na naman ba ako sa bagay na labis na binibigyan ng pansin ni Esteffany? Naghihimutok ang aking mga palad dahil sa cellphone na bigay ng aking kapatid na si David. Wala naman akong makausap dahil nag-cutting ang dalawa kong bestfriend na sina Novice at Rudny. Mataman kong tinitigan ang mga sosyal na grupo ng aming classroom. Mukhang tinatawag nila ako at gustong maki-bonding ako sa kanila. Bilang pag-ayaw ko ay sinenyasan ko na lang sila ng pagtanggi, ngunit makulit sila. Lumapit sila sa akin at pilit akong pinapangiti. Lahat ng member ng sosyal na grupo sa sa aming classroom ay puro babae. Hot chix kung tutuusin ang mga ito. Ang isa sa kanila ay pilit na kumandong sa akin pero dahil sa gentleman ako ay pinatayo ko siya. Pero ayaw pa rin niya kaya pinabayaan ko na lang siya sa gusto niya. Habang nakikipag-usap ako sa mga chix ay palihim akong lumingon kay Esteffany. Ngunit sa pagkadismaya ko ay naroroon na naman ang aking kapatid at masayang binobola si Esteffany. Akala koy mapapansin niya ako pero hindi pala. Siguro ang kapatid ko ang gusto niya at hindi ako. Dahil sa inis ko, itinulak ko ang babaeng nakakandong sa akin at dali-dali akong lumabas ng kwartong iyon. Pumunta ako sa rest room at doon ko na lang inilabas ang sakit at hapdi na aking nararamdaman. “Bakit mahal pa rin kita sa kabila ng kaalamang si David ang gusto mo, Esteffany?” masakit kong panambitan habang umaagos sa aking pisngi ang butil ng sakit na aking nararamdaman. Masama akong nakatitig sa salaming nasa harapan ko. Unti-unti kong pinapahid ang mga luhang dumadaloy pa rin sa aking pisngi. Kahit konti ay nabawasan na ang sakit na sumasakal sa aking puso. Pagkalabas ko ng rest room ay sinabihan ako ng adviser naming maglinis ng aming classroom. Pagpasok ko sa aming classroom ay nadatnan kong naglilinis na sila. Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit ay may narinig akong sigawan sa ladies room. “May problema roon? tanong ko sa isa kong kaklase habang palabas ng aming classroom. Wala . . . mga bungagerang kaklase natin ang mga iyon! May binubully sigurong kaklase natin. “Ah, ganoon ba? Pagkatapos ninyong maglinis ay umuwi na kayo agad, huh? PALALIM na ang gabi nang unti-unting idilat ni Esteffany ang kaniyang mga mata. Masakit na masakit ang kaniyang katawan. Wala siyang ibang maalala kundi ang mga pangyayari kung saan binubugbog at sinasabuyan siya ng tubig sa loob ng CR. Sa labis na pambubugbog ay nahimatay siya at pagkatapos noon ikinulong pa siya sa locker room. Pilit niyang binubuksan ang pintuan pero nanatiling nakapinid ito. Inilabas niya sa may bulsa ang cellphone na bigay ni David at pilit itong tinatagawan. Sa kasamaang palad ay out of reach ito. Dahil sa labis na awa sa sarili ay napahagulhol na lang si Esteffany habang yakap ang sarili. HABANG nakahiga ako sa kama ng aking kapatid na nanonood naman ng x-rated film sa kaniyang laptop ay mataman akong nakatitig sa itaas ng aming bubungan at malungkot na iniisip ang eksenang nangyari kanina sa aming silid-aralan. Habang palabas ako kanina sa may gate ay napagtanto kong wala roon si Esteffany. Siguro ay nakauwi na ito o hindi kaya ay nakipag-date na naman ito kay David. Masakit at naghihinagpis ang pakiramdam ko sa tuwing maaalala ko na ang aking kapatid at si Esteffany ay masayang lumalabas. “Kuya Lawrence. . ." Si David. "Bakit?"walang gana kong tugon sa kaniya. “Eh, kasi, hindi mo ba napansin kaninang uwian si Esteffany? Nagbilin ako sa kaniyang pakihintay ako at sabay kaming uuwi pero bakit hindi siya tumupad? Alam kong hindi siya bumabali sa napagkasunduan, Kuya Lawrence," malungkot na himutok ni David. “Maaga siyang nakauwi . . . hindi ko na nga siya nadatnan sa aming silid-aralan. Talagang hindi siya tumupad. . ." nakapikit kong tugon sa kaniyang tanong. Palatak niyang ibinato sa tabi ko ang kaniyang cellphone at charger. “Kuya, paki-charge na lang iyang cellphone ko! Magjejebs lang ako!” sigaw ni David mula sa banyo. “Talaga naman itong batang ito! Maghugas ka ng kamay pagkatae mo, ha!” naiinis kong sagot sa kaniya habang isinaksak ang kurdon ng charger. Dahan-dahan akong lumapit sa laptop niya para patayin iyon. Nakaka-distract kasi ang mga larawan. Biglang nag-ring ang cellphone ni David mayamay. Ang akala ko ay missed call lang noong una pero nagpatuloy ito sa pagtunog kaya sinagot ko na. “Si Esteffany ang caller. . ." masayang bulong ng aking isip. Mabilis kong pinindot ang accept button. Sa una ay wala akong marinig ngunit hindi nagtagal ay impit na iyak ni Esteffany ang aking narinig. Binalot ang puso ko ng sobrang kaba. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Ang alam ko lang sa mga oras na iyon ay nasa panganib si Esteffany. Mula sa kabilang linya ay may ibinulong si Esteffany. "David, t-tulungan mo ako. Ikinulong ako ng mga kaklase ko rito sa classroom. Please. . .” mahinang sambit nito mula sa kabilang linya pagkatapos ay umubo. “Maghintay ka lang, Esteffany! In a couple of minutes ay nandiyan na ako!” mabilis kong sagot habang ibinababa ang cellphone. Nag-i-slipper na ako nang lumabas ng banyo si David. Ipinagpag naman nito ang dalawang kamay. “Kuya, saan ka pupunta? Huwag mong sabihing nandidiri ka sa akin? Naghugas naman ako ng kamay ko, kahit amuyin mo!” habol pa ng aking kapatid na si David. “Alam kong naghugas ka ng kamay mo. Malayo pa lang amoy na amoy ko na! Baka inubos mo pa ang fluid soap natin, ha? May pupuntahan lang ako. . . "matamis kong sagot sa aking kapatid. “Makikipagkita ka ba sa babae mo?” seryosong tanong ni David sa akin. Kahit masama ang tunog ng mga salita ni David ay ipinagkibit balikat ko na lang ito. Isang matamis na ngiti na lang ang isinagot ko sa kaniya. Tama ito . . . makikipagkita ako ngayong gabi kay Esteffany. “Oo, kaya matulog ka na! mabilis kong sagot sa kaniya habang patakbong umalis sa kaniyang kwarto. KAPAPASOK ko pa lang sa aming silid. Alas otso na nang makarating ako sa school. Wala man lang akong maulinigang ingay kundi ang nakakabinging katahimikan na bumabalot sa buong silid. Marahan akong lumakad at pinuntahan ko ang CR. Ngunit wala siya roon. Natapat ako sa locker kung saan ang huli kong paghahanapan . . . “Esteffany!” malakas kong bigkas ngunit walang senyales na naroon nga si Esteffany. Dahan-dahan akong humakbang para lumayo sa lugar na iyon ngunit may narinig akong bulong at hikbi mula sa isa sa mga locker. Mabilis kong kinalampag ang mga iyon hanggang sa mapansin ko ang isa sa mga lock. Pilit ko itong inalis. Kumukuha ako ng isang matulis na bagay para ipambukas sa kandado. Mabuti na lang at tinuruan ako ni David ng mga ganoong taktika. Ilang minuto pa ang lumipas hanggangsa wakas ay nabuksan ko rin iyon. Pagkabukas ko pa lang niyon ay nabungaran ko agad ang hinang-hinang si Esteffany na bumagsak pa sa sahig. Agad ko siyang binuhat at inilapag sandali. “Esteffany, huwag kang mag-alala! Nandito na ako!” bulong ko sa kaniya habang mahigpit siyang niyayakap. Napaubo ito at pilit na iminumulat ang pagod na mga mata. Tinitingnan niya ako at masuyong hinawakan ang aking pisngi. Kahit malabo ang kaniyang paningin dahil sa hindi niya suot ang salamin na nag-uugnay sa kaniyang mga mata ay malinaw pa rin niya akong nakilala. “Lawrence . . .” mahinang sabi niya habang nakatitig sa akin bago siya biglang nawalan ng malay. “Esteffany. . . Esteffany. . ." yugyug ko sa kaniya ngunit hindi talaga siya magising. Mabilis ko siyang binuhat at dinala sa kotse. PASADO alas nuebe na nang madala ko si Esteffany sa kanilang bahay. Maingat ko siyang inilapag sa kama. Mabuti na lang at alam ko kung saan siya nakatira at saan niya inilalagay ang susi ng kaniyang bahay. Mataman ko siyang tinitigan. Sa hitsura pa lang niya ay parang hirap na hirap na ito sa paghinga. Masuyo kong hinawakan ang kaniyang pisngi at dahil sa dampi ng aking kamay ay napagtanto kong rumaranas siya ng mga oras na iyon ng lagnat. Bukod sa may lagnat siya ay basang basa pa ang suot niyang uniporme at kailangan ko itong palitan. Lalo na ang kaniyang blusa, para hindi siya matuyuan ng damit. Baka lumala pa ang kaniyang kalagayan. Mabilis kong iginala ang paningin ko hanggang sa makakita ako ng kabinet. Kumuha ako mas maluwang na damit para madaling maisuot ko sa kaniya. Naupo muna ako sa kaniyang tabi at kabadong nakatitig sa suot niyang pang-itaas. “Paano ko kaya ito tatanggalin?" naguguluhang bulong ko sa sarili. Wala naman akong mahihingan ng tulong dahil tulog na ang lahat ng kaniyang mga kapitbahay. Hindi ko naman pwedeng ipikit ang aking mga mata dahil lalo lang magtatagal ang lahat-lahat! s**t! Wala nang oras! Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan. Dapat magpakatatag ako. “Sorry, Esteffany. . . bulong ko na lang habang dahan-dahang inaalis ang mga butones ng suot niyang blusa. Naalis ko na ito nang tuluyan. Mabuti at madilim ang parteng kinahihigaan ni Esteffany. Dahan-dahan kong inalis ang suot niyang bra. Matapos kong alisin iyon aynaginginig ko namang isinuot ang tuyo niyang blouse sa hindi ko sinasadyang pangyayari ay para bang may nahawakan akong maumbok at malambot sa kaniyang harapan. Nagtagal ang mga palad ko roon. "Ang manyak mo talaga, Lawrence! Magpigil ka naman kahit kunti!” sita ko habang inaayos siya sa pagkakahiga. Mabilis akong kumuha ng gamot para sa lagnat. Habang naglalagay ako ng maligamgam na tubig sa palanggana ay hindi maiwasan ng aking gunita ang balikan ang nangyari kanina. Aminin kong nahawakan ko ang hinaharap ni Esteffany at ang lambot ng mga iyon. "Pero tama na," bulong ko naman habang isinasawsaw ang bimpo na ipapampunas ko sa kaniya. Habang pinupunasan ko siya ay hindi maiwasan ng puso ko ang magdiwang. Pati katawan ko ay nag-iinit kapag kasama ko siya. “Ganito ba ang pakiramdam ng inlove?" Pagkatapos ko siyang punasan ay ibinaling ko ang aking paningin sa bahay ni Esteffany. Maliit ito at masyadong luma na para sa kaniya. Pero malinis naman ito sa paningin ng isang katulad kong mayaman. Malungkot akong nakatitig sa kaniya. Magpapaalam na kasi ako. Kinukumutan ko na siya nang marinig ko siyang umungol at tawagin ako. “Lawrence, malamig. . . mahinang sagot niya sa akin. Dahan-dahan akong umisod sa kaniyang tabi at mahigpit siyang niyakap. “Hindi ka na malalamigan, Esteffany, dahil ang init ng aking pagmamahal ang magpapawala ng lamig . . ." bulong ko sa kaniya hanggang sa unti-unting nagdilim ang aking paningin sa kadiliman ng gabi. Ang tanging baon namin ay ang masuyo naming mga yakap at ang tanging tanglaw lang sa kalangitan ay ang buwan . . . AUGUST 12, 2008, TUESDAY, 8:15 AM. KUNG hindi dahil sa sinag ng araw ay hindi pa ako magigising. Masuyo kong pinagmasdan ang tila anak ng araw na si Esteffany. Napakaswerte ko dahil buong magdamag ko siyang kayakap. Nagmumog na ako bago umalis ng kaniyang bahay. Mataman ko siyang tinitigan at pinagkalooban ko siya ng isang matamis na halik sa kaniyang labi. Nabigla ako nang mapansin kong gising na pala siya. Mabilis akong tumayo. “Aalis ka na? Mag-almusal ka muna, Lawrence!” aya niya sa akin. “No, Thanks!” ganti ko naman sa kaniya habang palabas ng kaniyang bahay. “Lawrence, thanks kagabi. . ." nakangiting tugon nito habang kumakaway sa akin. Pinaandar ko na ang kotse nang yapusin ng dalawa kong daliri ang aking mga labi. “Sa wakas, nahalikan mo rin siya!” bulong ng aking isip. AUGUST 18, 2008, 10:00 AM, SCHOOL CANTEEN. HABANG naglalakad kami nina Novice papuntang canteen ay nakita ko sa may hindi kalayuan ang kapatid ko at si Esteffany na masayang kumakain at nag-uusap. Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Sa mga nagdaang araw, pagkatapos ng mga nangyari nang gabing iyon ay hindi na ako pinapansin ng dalaga. Umiiwas na ito sa akin. Ginamit lang ba ako ni Esteffany? Ang sakit na walang ibang kasama ni Esteffany kundi ang kapatid ko. Bakit ba ang bilis kong magtiwala? Dahil ba sa mahal ko siya?! Hinatak ako nina Novice at Rudny papunta sa dalawa. Biglang nawala ang matamis na ngiti ng aking nakakabatang kapatid, ganoon din sa aking pinakamamahal na si Esteffany. “Hoy! David, bakit mo kasama si Esteffany? Kayo na ba?” prangkang panimula ni Rudny kay David. “Wow! Esteffany, bago iyang salamin mo huh?” maanghang susog naman ni Novice. Masama siyang tinitigan ni David. “Pwede ba? Iwan ninyo kami. Wala na kayong pakialam kung may relasyon kami ni Esteffany. At bakit? Ano naman kung may bago siyang salamin? Sisirain n’yo na naman?" Biglang nag-react si Rudny nang mapagtanto nito ang sinasabi sa amin ni David. Madiin niyang hinawakan sa may kanang braso si Esteffany. “Hoy! Anong pinagsasabi mo kay David? Sinisiraan mo ba kami sa kaniya?" matalim niyang bigkas kay Esteffany. Mabilis at malakas siyang itinulak ng kapatid ko. "Puwede ba? Huwag mong saktan si Esteffany kung ayaw ninyong mawalan ako ng pasensiya sa inyo! Ang kapal naman ng mga mukha ninyong tawaging pangit si Esteffany dahil sa mga galos at pasa na nakita ko noong isang araw na ginawa ninyo. Hindi ko papayagang saktan at lait-laitin ninyo uli si Esteffany. Ako ang papatay sa inyo!"masidhing bigkas ni David habang hinahatak palayo si Esteffany. Malungkot na malungkot naman ang pakiramdam ko. Parang pinipiraso ang buo kong pagkatao. Napaupo tuloy ako. Pare, hindi ba natin susundan yong dalawa? Hindi mo ba nakikitang nilalandi ni Esteffany ang kapatid mo? Ginagamit niya ito at sasaktan sa bandang huli! “ malakas na sambit sa akin ni Rudny. “Ginagamit? Sasaktan?” Iyon ang mga katagang pilit na pumapailanlang sa aking mga tenga. Mataman kong tinignan si Novice. “Pare, huwag mong hayaang mahulog ang loob ng kapatid mo sa mapagbalat-kayong babaeng iyon dahil sa huli ay masasaktan si David. Makukuha ng babaeng iyon ang gusto niyang makuha at isa pa ay nagagawa na ng Esteffany na iyon na sirain kami. Baka sa susunod, pati turingan ninyo bilang magkapatid ni David ay masira dahil sa kaniya. Oh, ano, Lawrence? Magdesisyon ka at nang mawala si Esteffany sa landas natin. Siyempre, ikaw ang tatapos,” seryosong bulong sa akin ni Novice. Biglang nabuo sa aking isipan ang mga katagang pinaniniwalaan ko. Ang mga cellphone, pera at pati ang puso ng nag-iisa kong kapatid ay kayang kunin ni Esteffany sa akin. Totoong ginagamit niya si David sa pansariling kapakanan at pinaglalaruan! Hindi ako papayag kahit mahal kita, Esteffany. Mas mahalaga pa rin sa akin si David! “Pumapayag ako! Gagawin ko ang lahat-lahat para mawala nang tuluyan sa landas natin si Esteffany. . . "seryosong sabi ko. Hindi ko alam na doon mag-uumpisa ang mga pangyayaring labis kong pagsisisihan . . . mga sandaling sinayang ko at ang biglang pagsiklab ng poot sa aking puso para kay Esteffany. Mas pinaniwalaan ko ang mga kaibigan kong makasarili . . . Hindi ko sinunod ang dikta ng puso kong nagmamahal kay Esteffany. Namayani ang pag-aalala at lukso ng dugo sa aking kapatid. Ngayon magaganap ang isang pangyayaring labis kong pagsisihan at iiyakan ang mga sandaling mawawala ako sa aking sarili. August 11, 2008- Monday: Classroom 2:30 P.M - Recess time . . . Matama akong nakatayo sa kanyang harapan at pinagmamasdan siyang mabuti at iyon ang utos ng dalawa kong kaibigan ang unang hakbang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD