“ANONG. . ." sagot ni Esteffany na nais tumanggi ngunit pinigilan ni David ng kanang hintuturo nitong ginamit upang pahintuin sa pagsasalita si Esteffany.
“Don’t give me pure bullshit! I want you as my girlfriend kaya huwag ka nang tumaggi," nakangiting pagbibiro nito kay Esteffany bago makaalis si David.
“Ikaw talaga, David, ang kulit mo! "nakangiting panambitan ni Esteffany. Ngunit sa dahan-dahang niyang pagsulyap sa aking gawi ay nawala ang tila batang pagngiti ni Esteffany at napalitan iyon ng lungkot at lumbay na agad iniiwas sa aking paningin.
Mula kanina sa pag-alok ng date ni David kay Esteffany ay tila sinasakal na ako. Pero ngayon ay tila sasabog ang aking dibdib sa sobrang paninibugho. Hindi na ako makapag-concentrate.
“Hindi mo ba ako iniibig, Esteffany? Si David ba ang pinili mo at hindi ako? Esteffany, ang sakit- sakit!" bulong ng aking puso habang kumukuyom ang dalawa kong palad sa sakit na nadarama ko.
“Selos ba ito?”
Ngunit sa aking pag-iisip ay hindi ko nahalatang sina Novice at Rudny ay matamang gumagawa na ng susunod na hakbang para sa planong aking gagawing pasakit para kay Esteffany . . .
MASAYA kaming nag-uusap-usap ng aking mga kaibigan papuntang canteen nang mahagip ng aking paningin ang dalawang tao na kilalang-kilala ko. Pagkaupo namin sa mga upuang naroroon ay nag-umpisa nang mag-order ng makakain ang kaibigan kong si Novice.
Kasalukuyan akong lumalantak ng Humpy Dumpy nng mag-umpisang makarinig ang tenga ko sa dakong kinaroroonan ng aking kapatid at ng babaing aking sinisinta na sadya namang nagpapakirot sa aking dibdb.
Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil pati ang kapatid ko ay nagagawa ko nang pag-isipan ng masama. Masakit ngunit hanggang tanaw lang ang puwede kong gawin. Hindi ko kayang pasakitan si David. Alam kong ako ang masasaktan sa huli ngunit kaya ko bang ipagdamot sa kapatid kong si David ang kaligayahan niya sa katauhan ni Esteffany?
Dahil sa sobrang ngitngit ay hindi ko namalayang naubos na pala ang Humpy Dumpy na aking nilalantak. Iniwan kong nakatiwang-wang ang aking pinagkainan at mabilis na umalis sa lugar na iyon para hindi na madagdagan ang sakit na pumupuno sa aking pinakaibuturan.
MASAYA akong naglalakad kasama ang kapatid kong si David nang mapuna kong panay ang titig niya sa isang bagay. Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay nabigla ko ang aking kapatid. Mabilis kong hinablot at iniwas ang bagay na iyon.
“Litrato?” tanong ng aking isip habang pinapasadahan ng aking mga mata. Litrato nga iyon at si Esteffany ang nasa larawang hawak-hawak ko ngayon.
Mataman ko rin tinititigan si David na namumula na dahil siguro sa ginawa ko. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay bigla akong nagtanong at kaakibat ng aking mga matang nangangalit.
“K-Kuya, sa. . . bulol-bulol na sagot sa akin ni David habang nakatitig ang kaniyang paningin sa aking mukha.
“Saan mo ito nakuha. . . kay Esteffany ba?!” paangil ang aking pagtatanong kaya siguro hindi siya nakahuma. Unti-unting lumalamlam ang ekspresyon ng aking mukha at ipinagpatuloy ang pag-uusisa. Unti-Unti ring nawala sa mukha ni David ang takot at kabiglaan. Napalitan iyon ng pagkatamis-tamis na ngiti sa kaniyang mga labi na nagdudulot naman sa aking puso ng labis na pangamba at kirot.
Dahan-dahan siyang nagsalaysay ngunit alam ko na sa puntong iyon kung ano ang kaniyang sinasabi. “Kasi, Kuya, nakuha ko iyan sa bahay nina Esteffany kahapon. Inimbitahan niya kasi akong kumain doon ng hapunan. Alam mo ba, Kuya, ang liit-liit pala ng tinitirhan niya. Nag-aalala ako para sa kalusugan niya dahil baka kong anong mangyari sa kaniya roon. Baka looban siya ng mga adik sa kanila at tangkaan siya ng masama. Nag-iisa pa naman siya. Wala na kasi siyang parents. K-kuya, nakikinig ka ba?”
Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatingin sa litrato. Nagpaalam na sa akin si David na hawak pa rin ang larawan ni Esteffany. Hindi maalis-alis sa aking isip ang bagay na aming napag-usapan ni David kanina. Pasalya akong naupo sa aking upuan at inilabas ang aking cellphone para tumawag sa bahay. Kumakain na ako nang mapagisip-isip ko na hindi na pala ako ang dating Lawrence na malamig at matigas ang puso. Ako na ngayon si Lawrence na nagmamahal kay Esteffany na mahal din ng aking kapatid na si david.
“s**t! Bakit pati buhay ng kaisa-isa kong kapatid ay kailangang madamay nang dahil lang sa isa ang babaeng iniibig namin? "
HABANG nakikinig ako sa aming guro ay patuloy pa rin ang dating buhay na aking kinagisna, ang mag-aral. Kung hearththrob ako ng St. Sanity Madrigal, isa rin ako sa pinakamatalino sa aming classroom. Kung meron kaming pagsusulit ay ako ang isa sa mga pinakamataas at hindi rin ako naiiwan sa mga top 5.
Nang oras na ng recess ay tahimik akong nakaupo sa aking upuan at masayang nakikipagkuwentuhan sa aking dalawang bestfriend. Natahimik sila nang pumasok sa aming classroom si Esteffany na sa tingin ko ay kagagaling lang sa canteen.
“Iyan na naman si Ms. Panget. Hey, Rudny, naiisip mo ba ang iniisip ko?” patuyang sabi ni Novice.
"Oo naman! Ikaw na ang bahala riyan," nagaalak na sagot ni Rudny habang kumikislap ang mga mata.
Dahan-dahan itong humakbang palapit kay Esteffany. Kinakabahan si Esteffany sa maaring mangyari ulit sa kaniya kapag napapalapit siya sa mga kaibigan kong padalus-dalos lang sa mga nagagawang masama. Minabuti na lang niyang umiwas ngunit hinawakan siya sa braso ni Novice.
“Bakit, Ms. Panget? Natatakot ka bang mapahiya?” sindak ni Novice at saka itinulak niya ito palapit kay Rudny.
“Sige, hawakan mong mabuti para hindi makawala!” pasigaw na sagot ni Novice habang hinahawakan naman nito si Esteffany sa dalawang braso mula sa kaniyang likuran.
“Puwede ba, Ms. Panget? Kung hindi ka nadadala sa mga sindak namin sa yo, from this time, maguumpisa ka nang magisip! Binibigyan kita ng ilang buwan para lumayas dito. Kapag hindi ka umalis ay maraming mga masasamang bagay ang darating sa yo. Aalis ka ba o hindi?!” paninindak ni Novice.
“Sumagot ka!” bulyaw naman ni Rudny kay Esteffany.
Matigas siyang tinitigan ni Esteffany. "Hinding-hindi ako papatalo! Lalabanan ko kayo!" maigting na sagot ni Esteffany na nakawala naman sa pagkakahawak sa dalawang kamay mula sa likuran ni Esteffany.
Agad itong umupo sa kaniyang upuan nang mapansing papasok ang aming Filipino Teacher. Hindi na rin nakahuma si Novice sa mga nangyari at kapag pinilit pa niyang gantihan si Esteffany ay baka palabasin siya ng aming guro.
Nagngingitngit na umupo si Novice at ang isa ko pang kaibigan na si Rudny. Napupuno sila ng inis kay Esteffany dahil hindi nila nagawa ang nais nilang gawin dito.
“May araw ka rin!” masidhing banta nina Novice at Rudny habang masamang nagbabadya ang mga ito kay Esteffany.
Habang pinagtutulungan naman kanina nina Novice at Rudny ang aking Esteffany ay hindi maitago ang pangamba sa aking puso.
Kailan ko kaya masasabi sa dalawa kong bestfriend na ang inaapi-api nilang “Ms. Panget” ay ang babaeng unang nagpatibok sa puso ko.
Matatanggap kaya nila at titigilan na si Esteffany?
Mapapatawad kaya nila ako kung ako ang unang tumalikod sa pangako?
Ngunit sa kabila ng aking pangamba ay naroon pa rin sa akin ang pagmamalaki dahil tama ang napili kong babae. Matibay ito at lumalaban ito nang patas . . . hindi patalikod.
PAGSAPIT ng alas singko ay naghanda na kami sa pag-uwi. “Lawrence, aalis na kami ni Novice. Dadaan pa kami kina Mira, okay?” ani Rudny sa akin habang ako’y nagliligpit ng aking mga gamit.
“Ano naman ang gagawin ninyo roon?” magkasalubong ang kilay na tanong ko.
“Bakit, pare, gusto mong sumama? Hanggang bukas na kami roon. Magpapakalunod kami sa alak kasama ang mga chix!” pagmamalaki sa akin ni Novice. Napangiti na lang ako.
“Lawrence, ayaw mo ba talagang sumama? Sayang naman! Marami pa namang chix doon na naghihintay sa yo,” pamamalita pa sa akin ni Rudny.
“May aasikasuhin pa ako sa bahay."
“Ang sabihin mo, you’re still virgin!” pambubuska ni Novice.
“Mas maigi nang virgin pa, hindi tulad ninyo ni Rudny. Nagpapakasasa gabi-gabi sa mga babae ninyo!” buwelta ko sa aking mga kaibigan.
Mayamaya ay umalis na ang dalawa kong bestfriend. Iilan na lang ang natitira sa aming silid-aralan kung saan hinihintay na namin ang aming last teacher ng subject na advisory class.
"Class, kailangan ko ang isa sa inyo. Sinong tatapos nitong isang document na kakailanganin ninyo sa susunod na lesson? Sinong magvo-volunteer?” tanong ng guro sa amin.
Hindi ko inaasahan na si Esteffany ang magbibigay ng oras niya sa napakababaw na bagay.
“Ano ka ba, Esteffany, hindi ka dapat nag-aaksaya sa isang bagay na napakaliit!” inis na sumbat ng aking isip.
“So, Esteffany Perez, you’re the one who will volunteer to finish that paper? Puwede mo bang ipasa iyan tomorrow at 7:00 AM? Okay? Thanks. . . class dismissed!” sagot ng aming guro habang palabas sa aming silid-aralan.
Sa pagkakatitig ko kay Esteffany parang may problema ito sa nangyari. Sa hindi ko maunawaang hakbang, hindi ko na namalayang nakalapit na pala ako sa kaniya at kinakausap siya . . .
“Anong gagawin mo ngayon, Esteffany? Wala kang mahahanap ngayon na computer shop . Baka bukas mo pa iyan matapos,” patuyang sabi ko habang binubundol ang aking puso ng kakaibang damdamin.
Malagkit niya akong tiningnan at saka iniiwas ang paningin.
Habang palabas ako ng silid na iyon ay isa lang ang nasa isip ko at iyon ay si Esteffany. "Esteffany, hintay! I can help you about your problem on that paper!” sambit ko habang humahabol palapit sa kaniya at pilit siyang kinakausap nang matagal-tagal pa.
Lumingon siya kapagdaka at dahan-dahang bumagal ang aking pagtakbo. Hinarap ko siya nang may katambal na kakaibang pakiramdam sa aking puso.
“Matutulungan kita sa pagpapasa riyan sa mga papel na iyan nang libre. Pwede mong gamitin ang computer namin sa bahay. Mahal kasi ang pa-computer ngayon. . . "
“Thanks na lang pero may alam akong may computer sa amin. Ididisket ko na lang para printing na lang ang problema. Salamat na lang Lawrence,” matamis nitong sambit sa akin.
Lalakad na sana siya nang hinawakan ko siya sa isang braso. "Nilalayuan mo ba ako, Esteffany? May problema ba sa akin? Bakit lahat ng gusto kong itulong sa yo ay tinatanggihan mo? Dahil ba sa mga bestfriend ko o sa p*******t nila sa yo . . . o dahil kay David? Boyfriend mo na ba siya?” sunod-sunod na tanong ko kay Esteffany na nabigla sa aking mga ikinikilos.
“Lawrence, hindi ko boyfriend si David. Ayaw ko lang mamroblema pa ang bestfriend mo nang dahil lang sa paglapit-lapit ko sa yo. Iniisip ko lang ang pang-aabala ko sa yo. Maraming salamat na lang,” matamis na dagdag sa akin ni Esteffany.
Malungkot akong tumango na napansin naman ni Esteffany.
“Sige, okay lang naman sa akin ang alok mo dahil hindi naman ako magtatagal sa inyo. . ." panambitan ni Esteffany para maibalik ang aking sigla.
Sumakay kami sa pampasaherong taxi na maghahatid sa aming dalawa papunta sa aming bahay.
“TULOY ka. Nasa bandang dulo ang computer room. Kukuha lamang ako ng memeriendahin natin,” pagpapaalam ko kay Esteffany nang makarating kami sa bahay..
Mabilis akong humakbang papunta sa aming kusina. Napasandal ako sa aming ref pagkatapos kong makakuha ng aming merienda. “s**t! Kung hindi agad ako nakalayo sa kaniya ay b-baka. . . "
Bakit ba kapag nakakasama ko si Esteffany ay sobra-sobrang emosyon ang sumasalakay sa akin? At sa tuwing magsasalita ako sa harap niya . . . kaba at pagkasabik ang namamayani rito sa puso ko?
“Hindi dapat ganito ang ikinikilos ko. Tiyak na alam na niyang may espesyal at lihim akong nararamdaman sa kaniya. Dapat palitan ko ang style ko. Dapat next time ay hindi na ako magpapakabait. Huwag yong OA!” inis na bulong ko sa aking sarili habang papasok sa computer room.
HABANG malagkit lang akong nakatingin sa kaniya ay napagtanto kong alas-siyete na pala ng gabi. Tahimik akong nahiga sa may kama at itinuloy ang pagtitig sa kaniya. Hindi ko tuloy namalayang titig na titig na rin siya sa akin.
“May problema ba, Lawrence?" tanong ni Esteffany na namumula pa. Napabalikwas ako at napatayo nang mag-ring ang aking cellphone.
“Hello, sino to? Oh, David, bakit? Hindi ka uuwi? Sinong kasama mo riyan? Ahh. . . sina mama at papa. Ano? Bukas pa ang balik ninyo? Sige, Good Night! "
“Sino iyon, Lawrence?” nagtatakang tanong ni Esteffany habang ibinabalik niya sa monitor ng computer ang kaniyang paningin.
“W-wala! Sina mama at papa. Hindi kasi sila uuwi ngayong gabi. May pinuntahan silang party sa Tagaytay, "sagot ko habang ipinagpapatuloy ang pagbabasa sa comic book.
“Baka alas nuebe ay tapos ko na ito. Mamamasahe na lang ako pag-uwi,” sagot ni Esteffany sa akin habang nakatuon pa rin ang konsentrasyon sa monitor.
“Huwag ka nang magtaxi o magpamasahe. Baka mapahamak ka pa sa daan. Ihahatid na lang kita sa inyo para makilala ko naman ang mga magulang mo,” sambit ko habang ninanakawan siya ng sulyap. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay natigilan siya sa pagpindot ng mouse na ipinagtaka ko naman.
“Wala na akong mga magulang. Nag-iisa na lang ako sa buhay,” malungkot niyang dikta.
“Sorry, hindi ko alam. Saan ka kumukuha ng allowance mo?” tanong ko naman agad para maiba ang topic.
“Financial support ng mga parents ko. Ngayong wala na sila ay ako ang tumatanggap ng mga iyon”
“Huwag mo na akong intindihin. Ipagpatuloy mo na lang iyan Esteffany, " pagtatapos ko saka tumalikod muna sa kaniya.
Kawawa ka naman . . . nag-iisa ka na nga sa buhay tapos nakikisawsaw pa kami sa buhay mo para saktan ka lang ng mga kaibigan ko. Kung puwede lang na ako na ang mag-alaga sa yo at proprotekta ngunit kabaliktaran iyon ng itinadhana sa atin ng mga bestfriend ko. Ngunit magagawa ko bang iwan ka sa takdang-panahon?
HINDI ko akalain na sa pagmulat ng aking mga mata, ang una kong mabungaran ay ang aking Esteffany. Nakatulog pala ako kanina.
“Lawrence, magpapahatid na ako sa driver ninyo. Magpaalam na ako sa yo," bigkas nito habang lumakad na para alisin ang isinaksak na kurdon ng computer.
“Wait!” pigil ko sa kaniya habang kinukuskos ng dalawa kong palad ang aking mga mata. "Puwede ka namang matulog dito! Tamang-tama, wala ang mama’t papa ko!” matamis kong bigkas habang humihikab pa.
“Thanks na lang, Lawrence. . ." halos pabulong na sagot niya sa akin. Agad ko naman itong naintindihan. Napangiti ako sa kaniyang tinuran.
ALAS nuebe na ng gabi. Nasa loob na kami ng sasakyan at kasalukuyang nasa byahe papunta kila Steffany.
“Thanks pala sa lahat, Lawrence. Napakabait mo talaga. "
“Welcome! Ginagawa ko lang ito dahil sa lahat ng mga nagawa ko sa iyong mali, "sagot ko naman kapagdaka.
Akala ko, driver ninyo ang maghahatid sa akin. Hindi mo sinabing ikaw pala. Maasahan ka talaga, Lawrence!” matamis nitong sagot.
“Ginagawa ko ito dahil mahal na kita. . .” bulong ng aking damdamin.
NANG makarating kami sa bahay nila Steffany ay pinagbuksan ko siya ng pintuan. Bago siya pumasok ay tiningnan muna niya ako.
“Sige, kung wala ka nang sasabihin mauna na ako. Gabi na kasi,” pagpapaalam ko kay Esteffany habang papasok na ako sa aking kotse...
Nakatalikod na siya nang mapansin kong pumihit siya pabalik mula sa kinaroroonan ko. Malalim ko siyang tinitigan.
“Goodnight, Lawrence! Kita na lang tayo bukas. Mag-iingat ka sa pagmamaneho,” matamis nitong sabi habang titig na titig sa pares ng aking mga mata.
Pinapaandar ko na ang kotse nang mapansin kong kumakatok si Esteffany sa side window ng aking sasakyan. Binuksan ko iyon para alamin kung ano pang sasabihin niya na nagpapagaan naman ng aking pakiramdam.
“Bakit, Esteffany, may problema?” marahan kong tanong nang tuluyan kong mabuksan ang bintana ng salamin ng kotse ko.
Walang anu-ano’y parang tumigil ang mundo nang halikan niya ako. “Para saan iyon?” nanginginig na bigkas ko habang nanlalambot ang buo kong pagkatao.
“Halik ng pasasalamat o goodbye kiss!” namumulang turan ni Esteffany sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita noon at dali-daling umalis. “s**t! Ano ba itong nangyayari sa akin?" Hindi na tumigil ang katawan ko sa pag-init. Nakakapag-iba talaga ang goodbye kiss ni Esteffany kahit isipin ng ibang chansing iyon!