ILANG araw ang nagdaan at parang nasa paraiso noon si Novice dahil na rin kay Shaira. Nasa loob na sila noon ng canteen at panay ang order ni Novice nang mamahaling pagkain para sa kanilang dalawa ni Shaira, kagagaling lang nila noon sa isang mall kung saan sila nag-shopping.
"Novice, napakarami yata ng inorder mo? Masyado ka yatang gumagasta?" paninita ni Shaira sa manliligaw.
"Sa umpisa pa lang iyan. Hindi mo pa nga ako nobyo kaya asahan mong parati tayong magsho-shoping at kakain," mayabang na pahayag ni Novice sa nililigawan.
"Talaga?! Napaka-sweet mo talaga. . ." sabay subo ni shaira sa kaniya ng isang kutsarang salad.
Akala ko noon ay iyon na ang umpisa ng magandang kapalaran sa pag-ibig ni Novice . . . pero yon pala ang magbibigay sa kaniya ng malalim na sugat sa kaniyang puso.
ILANG minuto na siyang naghihintay sa kaniyang date na si Shaira sa dati nilang tagpuan. Sa house garden na ibinilin sa kaniya ni Mrs. Tolentino.
Dahil sa sobrang pagkainip ay ipinasya na nitong sindihan ang mga nakahelerang kandila sa buong paligid ng house garden para hindi na nito madaliin ang pagsindi mamaya. Ilang minuto pa ang nagdaan ay wala pa ring Shaira. Hanggang isang oras pa ang nagdaan ay hindi na niya maiwasan ang hindi mapakali sa mga tagpong iyon.
Kanina habang inaaya niya si Shaira sa kanilang silid-aralan ay napansin na nito ang tila hindi mapakaling dalaga na panay ang lingon sa relos na parang may inaabangan.
Dahil sa mga ganoong kilos ni Shaira ay hindi tuloy magawang sabihin ni Novice sa dalaga na gusto niya itong yayaing mag-date sa isang romantic at disenting dating place. Tahimik na lang siyang umupo sa tabi ni Shaira.
"B-bakit, Novice, may sasabihin ka ba?" takang tanong ni Shaira kay Novice.
"Puwede ba kitang yayaing makipag-date sa house garden at seven in the evening after school?" pagbubukas ng topic ni Novice. Namagitan tuloy sa kanilang dalawa ang katahimikan. Maagap siyang nagtanong kung bakit hindi ito makasagot. "What's the matter, Shaira? Hindi mo ba tatanggapin ang invatation ko sa yo? Minsan lang ako magyaya nang seryosuhan at ako ang mismong nagyaya sa yo ngayon for a espesyal date. Isa ako sa mga heartthrob ng campus natin. I-snob-in mo na lang ba ang invatation ko sa yo?" susog ni Novice kay Shaira na kinindatan pa ito.
"Hindi ko idina-down ang invitation mo sa akin, Novice. Parati ko ngang tinanggap lahat ng alok mo sa akin na kumain tayo at mamasyal, hindi ba? Pero sa invatation mong iyan ay hindi ko yata pwedeng tanggapin."
"Why not? Anong dahilan at hindi ka makararating?" naghihinakit na tanong ni Novice.
Mabilis na bumaling ang mga mata ni Shaira sa isang sulok bago nagsalita. "Kasi sabi ni mama sa akin ay may pupuntahan kami tonight. Pero pipilitin kong dumating, Novice. Basta ihanda mo lang ang sarili mo."
"Bakit? Sasagutin mo na ba ako? As in maririnig ko na sa iyo ang matamis mong oo?" nagagalak na sawata ni Novice.
Natapos ang usapan nila nang magsimulang tumunog na ang bell para sa uwian. Hanggang sa dumating nga ang mga oras ng paghihintay niya sa espesyal date niya . . . Pero alas-diyes na ng hating-gabi ay wala pa ring Shaira Munoz ang dumarating. Nainip na tuloy si Novice sa mga nangyayari at nagmumura.
"Ano ba ito? Lokohan na ba to?! Alam naman ni Shaira na ayaw kong pinaghihintay. Ang tagal! Asan ka na ba Shaira?" mura ni Novice sa kaniyang cellphone habang pilit na tinatawagan ang dalaga. Ngunit out of reach ito.
Imbes na magmura ulit ay napabuntong-hininga na lang si Novice. Muli siyang nag-dial ng number at pilit na tinatawagan ni Novice si Shaira.
"Please answer the phone, Shaira. I miss you. . ." bulong ni Novice sa cellphone nito.
Napangiti na lang si Novice nang may humintong taxi sa kaniyang harapan. Tumayo na siya para pagbuksan ng pinto ang tao sa taxi pero natigilan na lang si Novice at bigla siyang binundol ng kaba sa kaniyang dibdib nang hindi si Shaira ang bumaba ng taxi.
Umalis na ang taxi nang lingunin siya ng babaeng sakay niyon. Naglakad ito palapit sa kaniya. "Magandang gabi, Novice. Ipagpatawad mo pero hindi na makakarating si Shaira sa inyong date. Ako nga pala si Shaina, kakambal ni Shaira. Kung may gusto ka pang malaman tungkol sa hindi pagdating ni Shaira ay basahin mo na lang itong sulat niya sa yo," malambing na tugon ni Shaina sa binata.
Agad namang hinablot ni Novice ang sulat sa palad ng dalaga at dahan-dahang binuksan. Umpisa pa lang sa mensahe ni Shaira ay parang nagkasugat-sugat na ang puso ni Novice sa sobrang sama ng loob na nadarama niya mula sa sulat kamay ng dalaga. Nang matapos ni Novice ang sulat ay agad ang pag-agos ng masaganang luha nito.
"Bakit, Shaira? Bakit mo ito nagawa?" pahagulhol na turan ni Novice kasabay ng pagpatak ulit ng kaniyang mga luha. Wala na siyang pakialam kung anong isipin ng kakambal ni Shaira sa pinaggagawa niya. Basta mailabas niya ang sobrang sama ng loob niya kay Shaira.
Habang pinagmamasdan ni Shaina ang anyo ng binatang nasa harap niya ay hindi nito maitago ang labis na paghanga.
"Minahal mo talaga si Shaira, ano, Novice? Pero ang katotohanan ay hindi maikukubli kailanman. Mas mainam ngayon, habang maaga pa, ay nalaman mo na ang totoo. Hindi mo masisisi si Shaira, Novice. Kahit konti ay napamahal ka na sa kaniya. Kung sabagay, nasa iyo na ang lahat ng gusto ng isang babae," singit ni Shaina sa binata para pagaanin kahit na kaunti ang kalooban ng binata.
Tumayo na si Shaina at mataman siyang tinitigan bago umalis ay nagiwan pa ito ng mga huling salita. "Ipagpatawad mo sana kung nabigyan ka ni Shaira ng sugat sa iyong puso. Marami pa namang mas nakahihigit sa kakambal ko, hindi ba? Pero sana ay magawa mong kalimutan siya . . . move on. Minahal ka naman ng kakambal ko kahit meron nang ibang nagmamay-ari sa kaniya," pakli ni Shaina bago humakbang sa lugar kung saan tumatangis si Novice.
Ilang sandali lang ang lumipas ay nagwala na si Novice. Inawat siya ng dalawang lalake pero walang nagawa ang mga ito. Dahil sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ni Novice ay nagawa niyang ilayo ang mga taong humahawak sa mga braso niya.
Inilabas sa bulsa ang susi ng kotse at mabilis na pinaandar iyon. Habang tumatagal ang pagpapatakbo ng kotse niya ay bumibilis din ang tensiyon na namumuo sa kaloob-looban ni Novice. Hanggang sa hindi na nailagan ni Novice ang posteng nakatirik sa may gilid ng kalsada at magdilim na ang buo niyang paligid . . .
NAGISING na lang si Novice dahil sa isang kaluskos na kaniyang narinig mula sa gilid ng kama na kaniyang kinahihigaan.
"Nasaan ba ako at anong. . ." pilit na bigkas ni Novice habang sinasapo ang bandage na nakapulupot sa kaniyang noo.
"Kumusta ka na, pare? Meron bang masakit sa yo?" tanong ni Rudny kay Novice.
"Ano bang nangyari at ganiyan ang inabot mo?" tanong ko naman kapagdaka.
Mataman lang tumitig si Novice sa amin at mabilis na iniwas niya ang kaniyang kasagutan.
"Pre, mga kaibigan mo kami. Kung ano ang isa ay ganoon din ang lahat. One for all, all for one, right? We're here as one of your closeness friends," pilit na untag ni Rudny kay Novice.
Tumingin nang pagkaasim-asim si Novice sa aming dalawa at saka sumungaw sa kaniyang mga labi ang mga salitang iyon.
"Wala kayong maitutulong sa problema ko," bigkas ni Novice na tila may bikig sa lalamunan.
Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Rudny habang si Novice ay nag-uumpisa nang umiyak sa aming harapan. Dahil sa kadahilanang iyon ay maingat namin siyang tinapik at inalo.
"Bakit? Ano ba talaga ang nangyari?" pilit na tanong ko bilang leader sa aming tatlo.
"Shaira. . . ba't mo iyon nagawa. . ." bulong ni Novice habang pinapahid ang sariling luha.
"Why? Tungkol ba kay Shaira? May nagawa ba siyang mali?" tanong ni Rudny habang nakakunoot-noo ito.
Mataman kaming tinitigan ni Novice at saka inilabas ang isang sobre kung saan naglalaman ang mga kasagutan, kung saan nakapaloob roon ang sagot sa aming mga katanungan.
Novice,
Alam ko habang binabasa mo ang sulat na ito ay marami na sigurong mga katanungan ang pilit na ibinubulong ng iyong isip. Siguro hinding-hindi mo ako mapapatawad sa mga nagawa kong kasalanan na ngayon mo lang malalaman.
Una sa lahat, ang hindi ko pagsipot sa usapan natin ngayong gabi. Ikalawa, ang mga nangyari at narinig mo mula sa akin na hindi naman totoo.
Mapapatawad mo ba ako sa mga nagawa kong kasalanan kung malalaman mong lahat ng nangyari sa atin ay walang patutunguhan at puro balatkayo lamang?
Hanggang dito na lang ang lahat, Novice. Kahit sabihin mong manggagamit lang ako at sinamantala ko lang ang kapangyarihan mo ay hindi mo ako masisi dahil isa lang akong tao na nangangailangan.
Patawad dahil hindi ako nakapagpaalam sa yo nang harapan. Patawarin mo rin ako dahil pinaasa pa kita sa puntong ito na wala naman talagang patutunguhan.
Oo, kasalanan ko ang lahat. Siguro labis-labis na ang sugat at hapdi na nararamdan mo. Pero ang totoo ay may iba na akong nobyo. Hindi siya katulad mo. Mahirap lang siya at walang maipagmamalaki sa yo ni katiting pero siya ang unang bumihag sa puso ko.
Mahal ko siya. . . pero minahal pa rin kita kahit imposibleng may patutunguhan itong maling relasyong ito. Siya pa rin ang napili ko dahil hindi siya iba sa akin. Pero ikaw, ang layo natin sa isa't isa. Napakalayo.
Muli ay patawarin mo sana ako. Sana meron pang ibang magpapatibok ng puso mo. Hindi sa tulad kong napaglaruan lang ang puso mo.
Patawad . . .
Shaira
Nabigla kami sa mga nalaman namin mula sa sulat na ibinigay sa amin ni Novice. Naging mabilis ang buong pangyayari, hindi man lang kami makatulong sa bestfriend namin, patuloy pa rin siyang tumatangis habang nakayuko sa aming harapan.
"Let go pare, marami pa namang. . . "sambit ni Rudny ngunit hindi pa natatapos ang kaniyang sasabihin nang tingnan siya ni Novice nang pagkapait-pait at saka minura siya nang ilang beses.
"Wala nang babaeng hihigit pa kay Shaira. Siya ang first love ko. Ibinigay ko naman lahat-lahat pero bakit? Ano pa ba ang kulang sa isang tulad ko? Porke mahirap lang siya at ako ay mayaman? Hindi na kami agad puwede?" pasigaw na himutok ni Novice habang pilit na inilalabas ang lahat ng luha niya. "Marami nga kaming pera pero ito na lang parati ang dahilan ng paghihirap ko. Bakit, Shaira? Bakit mo ako niloko?" bulong ni Novice habang itinatakip sa mukha nito ang unan at tila batang inilalabas ang sama ng loob.
Bigla na lang lumukob sa kwartong iyon ang katahimikan at napalitan iyon ng lungkot . . .
Mayamaya ay nagbalik ang dating Novice na hindi na nagdaramdam at tumatangis ngunit sa unti-unting pagdilat ng kaniyang mga malalamlam na mata ay kaparis niyon ang bagong Novice na handang gumanti sa nadungisang dangal. Na hanggang sa mga oras na iyon ay isang matigas at walang-awang Novice.
Siya ang dahilan at nagumpisa ng hangarin namin upang mabuhay sa mundong ito na ang baon ay poot at walang kapatawarang hinanakit.
BASE SA NOVICE NOON, MALAMBING,MASAYAHIN AT MARUNONG IBABA ANG PRIDE KONG KINAKAILANGAN . . .
. . . PERO ANG NOVICE NGAYON, MATIGAS, HINDI MAN LANG MAKAUSAP NG MATINO AT HANGGANG SA NGAYON HAWAK PARIN NIYA SA VOCABULARYO NIYA ANG SALITANG, NEVER NIYANG IBABA ANG PRIDE NIYA KAHIT SA AMIN PANG BESTFRIEND NA TINURINGAN.