NANG sumapit ang alas tres, lahat ng aking mga kaklase ay tila nag-uunahang kabayo sa bungad ng pinto upang pumila sa canteen ng samo’t saring chichirya na gusto nilang papakin.
Halos wala nang natira sa kanilang mga upuan kundi ang mangilan-ngilan nilang mga gamit na halos tumilapon na dahil sa pag-uunahan ng mga ito.
Mataman kong tintigan ang kabuuan ng aming silid. Bahagya akong natahimik sa biglang paglundag ng aking puso dahil sa mga oras na iyon ay napagtanto kong ang babaeng aking iniibig at ako ay mag-isa na lang sa iisang silid.
Inilibot ko ang aking paningin at dahan-dahang lumapit sa kung saan siya ay nakaupo at tahimik na natutulog. Walang anu-ano ay bigla akong humila ng isang silya at maingat na hindi makagawa ng ingay upang siya’y hindi ko mabulabog sa mahimbing niyang pagpapahinga. Tahimik akong umupo sa tabi niya at malambing na tumitig sa kaniya nang ubod tamis.
Hindi ko maunawaan kung ano ang nais kong gawin sa mga sandaling iyon. Hindi naman maaring siya’y gisingin ko. Kung akin naman iyong pahihintulutan ay baka masira ang iniingat-ingatan kong gwapong imahe sa kaniya. Kaya ninamnam ko na lang ang bawat sandali ng mga tagpong iyon sa pamamagitan ng masuyong paghipo ko sa kaniyang napakabangong hibla ng buhok.
“Napagod ka siguro dahil sa mga pinagagawa namin sa iyo, no?” bulong ko habang masuyong dinadampian ng halik ang kaniyang palad.
Sa tuwing hahaplos ang palad ko sa kaniyang mga palad ay gumagaan ang aking kinikimkim na kakaibang damdamin para sa kaniya. Bigla na lang sumusulpot sa aking gunita ang mga pangyayaring nagpasakit kay Novice at ang aming layunin sa isa’t isa habang magkakasama pa kami.
NASA first year na kami nang unang magkaroon ng unang pag-ibig si Novice. . . si Shaira. Tulad ng kalagayan ni Esteffany ay mahirap din ito at simple kung manamit.
Sa tuwing bakante ay magkatabi sila sa likuran ng malaking puno ng mangga sa harap ng playground. Palagi namin silang nadaratnan nang nagsusubuan at nagyayakapan habang tumititig sa mga bulaklak ng rosas na alaga ni Mrs. Tolentino. Para silang lovebirds in one nest na naglalambingan.
Isang hapon, habang mataman silang namamasyal sa mga bumbon ng rosas ay nagpupumilit na magpakuha ng bulaklak si Shaira sa manliligaw nitong si Novice.
“Kung mahal mo talaga ako, ikukuha mo ako ng ganoon, Novice! Please!” malambing nitong pagsusumamo habang itinuturo ang isang napakapulang rosas.
Dahil sa hindi nito mahindihan ang hiling ng sinisinta ay maingat nitong pinitas ang rosas na nagustuhan ni Shaira. Kahit magalit pa ang terror na si Mrs. Tolentino.
“For you, Shaira,” masuyo at maiksi nitong pahayag sa iniibig.
“Salamat, Novice,"sukli naman ni shaira na agad sumilay sa mga labi ang napakatamis na ngiti.
Sa ganoong eksena sila nadatnan ni Mrs. Tolentino. "Ano ang ibig sabihin nito, Mr. De Guzman? May permiso na ba kayo sa pagpitas ng rosas na iyan? Pinayagan ko kayong mamasyal dito para hindi kayo pakalat-kalat sa kung saan saan pero hindi ko akalaing hanggang sa puntong ito ay gagawan ninyo ng paglabag ang mga alaga kong rosas!” sita ni Mrs. Tolentino sa napakalamig na tinig.
Dahil sa kabiglaan ng aking kaibigang si Novice ay hindi muna ito nakapagsalita. "So, Mr. De Guzman, kahit anak ka ng isa sa mga Main Officer dito sa campus ay hindi ko papayagang umabuso ka na lang. I suspend you for one week. You also, Ms. Monuz.”
Pagkatapos noon ay nagsimula na silang maglakad palayo.
Biglang natauhan si Novice nang humikbi mula sa kaniyang tabi si Shaira. Agad nitong inalo ang babae.
“What’s the problem, Shaira? Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Novice. Matamang tumitig sa rosas si Shaira at tila batang nakatitig lang doon.
"Shaira, please tell me what’s wrong. Para matulungan kita,” pilit na tanong ni Novice at hindi mapigilang yakapin ang dalaga.
“Novice, natatakot akong mapagalitan ni mama at papa. Baka mawala rin ako sa honor roll pati scholar. Patitigilin ako ni mama sa pag-aaral kapag nalaman niyang suspended ako for almost one week!” natatakot na pahayag nito kay Novice na tila maiiyak na sa pagtitig sa aking kaibigan na si Novice.
“Shaira. . .” bulong ni Novice sa dalaga na ngayon ay nakadama ng sobrang kirot.
Muling ibinaling ni Shaira sa rosas na ibinigay ni Novice ang pansin. “Natatakot din ako, Novice, na baka ilipat ako ni papa sa ibang school kapag nalaman niyang suspended ako. . ." bulong pa ni Shaira na hindi na natapos ang sasabihin dahil bigla siyang kinabig ni Novice at masidhing inangkin ang manipis nitong katawan sa pamamagitan ng pagkulong sa kaniyang mga bisig.
“Don’t worry, Shaira! Its gonna be alright. Hinding-hindi tayo maghihiwalay. Ako ang gagawa ng paraan. Kakausapin ko si Ma’am Terror, okay? Just wait for me in the classroom,” habilin ni Novice habang nagpapaalam na ito kay Shaira.
Habang naglalakad papuntang office si Novice ay naisasaloob niya sa kaniyang isipan ang isang reaksiyon ni Shaira na rumehistro sa kaniyang harap kanina-kanina lang.
“Halatang may pagtingin din sa akin si Shaira. Hindi ko mapapayagang mawalay ka sa piling ko, Shaira. Hindi ko papayagan, "bulong ni Novice sa isip habang palapit sa silya ni Mrs. Tolentino na mukhang may hinahanap sa computer screen nito.
Mataman siyang sinuyod ng tingin ni Mrs. Tolentino bago nagsalita. "What can I do for you Mr. Deguzman, can you sit for a while.” Mahinahong paguumpisa ni Mrs. Tolentino na tila nabubuwesit sa nangyari kanina.
“Ma’am, it’s all about the scene in the garden. Please, ma’am, patawarin n’yo na lang si Shaira. Ako na lang ang aako sa lahat," nagsusumamong pahayag ni Novice.
Mataman namang tumtitig si Mrs. Tolentino na ikinainis ni Novice. Ayaw pa naman ni Novice na tinatapunan siya ng ganoong sulyap na kung makakatitig ay nang-iinsulto. Mas sanay siya sa mga titig na nang-aakit ng mga kababaihan. But not like this. Tila papatayin siya sa kinauupuan.
Pero hindi na niya mababawi ang nasabi. Gagawin niya ang lahat-lahat for Shaira . . . makasama lang niya ito sa buong taon ng High School life niya.
Bigla itong tinapik ni Mrs. Tolentino sa kaniyang pisngi at tumawa nang napakalakas na tila kulog na dumadagundong. Napatigil lang ito sa pagtawa nang mapag-alamang nakatingin na ang lahat ng co-teacher nito.
“So, Mr. De Guzman, lahat pala ay gagawin mo para kay Ms. Monuz? Kahit pababain mo na ang pride mo? Okay. . . aalisin ko na ang suspension ko sa inyong dalawa. Papayagan ko na rin kayong mamasyal at pumitas ng mga rosas. I-promise mo lang, Mr. Deguzman, na babantayan ninyo at bibigyan ng kulay ang hardin. Kasi one of these days ay bigla akong magreretiro. . .”
“Why, ma’am? Hindi pa naman kayo masyadong matanda?" mabilis na tanong ni Novice na halata namang nagulat.
“Kasi, hijo, sinusundo na ako ng mga anak ko sa America to migrate for the sake of my family. Pumayag na ako kaya sana Mr. De Guzman ay alagaan mo ang garden. Ikaw ang pagbibigyan ko ng napakahalagang susi. Sana for the following days ay mapasagot mo si Ms. Monuz. Sa first date ninyo ay doon mo siya yayain, ha?”
Nang maibigay ni Mrs. Tolentino ang susi ay mabilis siyang nagtungo sa kaniyang classroom.
Bukod sa uwian na ay tiyak niyang wala nang natitirang estudyante sa silid-aralan. Ngunit napangiti siya nang makita si Shaira sa gilid ng bintana at nakadungaw roon habang hawak ang rosas na bigay niya rito.
Masuyo niya itong niyakap mula sa likuran. "Solve na ang problema, Shaira! Puwede na tayong mamasyal at mamitas ng kahit ilan dahil ipinagkatiwala na ni Mrs. Tolentino ang espesyal niyang hardin sa atin. Tutulak na kasi siya America pero kahit biglaan ay happy naman ako for both of us!” pasaring ni Novice kay Shaira nang mapagtantong hindi ito nakikinig sa mga sinasabi niya.
Humarap ito at masuyo siyang dinampian sa pisngi ng halik na ikinagulat naman ni Novice. "W-What’s that for? Para saan iyon?” tanong ni Novice na halata namang nagulat at namumula dahil sa katuwaan.
“Wala lang. Thank you kiss lang. Salamat, huh? Mahal na mahal mo talaga ako at blessing ka sa akin. Hayaan mo at masusuklian din kita sa lahat ng goodness mo sa akin," matamis nitong pahayag.
“Masusuklian mo lang ako kapag sinagot mo na ako ng matamis mong oo,” malambing na pahayag nito kay Shaira.
“Darating din tayo riyan, Novice. Wait ka lang. . .” maagap na sagot ni Shaira sa manliligaw.
“Sinabi mo iyan, huh?” paniniyak ni Novice habang hinahawakan nito ang palad ng dalaga. Nagulat pa nga ang dalawa nang biglang pumasok ang mga kaibigan upang kantiyawan sila.
“How sweet!” pasaring ni Rudny habang kinukuha na nito ang bag sa silya. Sa paglipas ng minuto ay umuwi na kami pero sa tingin ko damang-dama pa rin ni Novice ang pag-ibig na nilikha ni Shaira sa dibdib niya.