Kabanata 4

1367 Words
“s**t, nasaan na ba ang pangit na iyan? Ba’t naman napakatagal? Alas singko na, ha? May date pa ako kay Lyncei! Tiyak iisipin noong nang-i-indian ako. Tiyak na sa unang pagkakataon ay mababasted ang isa sa mga pinakagwapong heartthrob dito sa St. Sanity Madrigal!” nagsisigaw na turan ni Rudny habang pabalik-balik sa kaniyang kinatatayuan at matamang tumutitig sa kaniyang relo. “Ano bang nangyari sa panget na iyon? Ba’t ang tagal? Parang tigsasais lang tayong project at apat na assignments ‘di niya matapos.” “Tao ba siya? O talagang ubod lang siya nang bagal tulad ng pagong? Malilintikan talaga siya mamaya!” nanggagalaiting turan ni Novice na panay pa rin ang lakad at sulyap sa relo at sa pintuang papasukan ng aking Esteffany. “Easy lang. Darating din siya,” mahinahon kong sabi nang makita ko siyang papasok. Mataman naming tinitigan ang iyong ina sa mga oras na iyon. Noon ko lang nabatid na hanggang sa balikat ko lang pala ang iyong ina. Inaayos na niya ang mga ipinagawa ko sa kaniya nang sunggaban ng kaibigan kong si Novice ang mga dala niyang papel. Mataman niya itong pinag-aralan nang bigla ring sunggaban ni Rudny ang sa kaniya. "Dahan-dahan, baka malukot at marumihan,” paalala niya sa aking dalawang kaibigan. Mainit at nanlilisik na tumingin ang dalawa sa aking Esteffany at tila kaakibat ng kanilang mga mata ang nagtatanong at napipikon na sulyap. “Ito lang ba ang resulta ng paghihintay namin sa iyo? Aba, maghapon kang dumistino sa silid-aklatan tapos ito lang ang mapapala namin?” bulyaw ni Rudny sa iyong ina. Kasabay noon ang pagtapak niya sa mga papel na pinaghirapan niya. Kung tutuusin ay tila wala na itong kasilbi-silbi nang bumagsak ito sa sahig. "Alam mo rin ba, pangit? Dahil sa yo ay hindi ko naasikaso ang date namin ni Lyncei? Umuwi na tuloy siya at handa nang magpahinga! Bullshit ka talaga!” paninisi pa rin ni Rudny sabay tulak sa kaniya upang mapa-upo siya sa lakas ng impact. Nagsiliparan tuloy ang mga papel na hawak ni Esteffany dahil doon. “Buwisit! Uuwi na lang ako! Badtrip talaga! Nabwibwisit ako sa babaeng iyan!” sigaw pa rin ni Rudny habang palabas ng silid na nagawa pang tumingin nang pagkasama-sama kay Esteffany. Mabagal niyang inayos ang mga papel na nagkalat sa sahig na alam kong iniingatan niya. Marahil ay ayaw niya rin makatikim ng masasakit na salita mula sa akin. Ngunit sa pagbaling ng kaniyang paningin ay nabungaran niya ang mukha ni Novice na dahan-dahang pinunit ang hawak na papel at isinabog sa mukha ng aking kawawang Esteffany. “You disappoint me! Akala ko ba time is gold for you dahil sa matalino ka? Ba’t ganito ang ginawa mo? Napakapangit! Kasing pangit ng pagmumukha mo! "naiinis na bwelta ni Novice sa iyong ina. Marahan siyang tumayo at naglakad para lumabas sa corridor. Sa aking pagmamasid habang maingat niya pa ring inaayos ang mga papel ay napagtanto kong malamig na ang simoy ng hangin at ang liwanag ng buwan ang tanging tanglaw namin sa mga oras na iyon. Wala ni isang maririnig na ingay kundi ang tensyong patuloy na nagpapatibok sa aking puso. Sa aking pagtingin sa maliwanag na buwan ay napagtanto kong kami na lang dalawa ang natitira sa mga oras na iyon. Sa dahan-dahan niyang pagtayo ay hindi ko namalayang lumagpas na pala siya sa aking harapan at nag-aayos na siya para sa pag-uwi. Mataman kong tinitigan ang katawan ng iyong ina. Lalo pa nang sikatan ang perpekto niyang mukha ng sinag ng buwan. “Mas maganda ka pa pala sa gabi,” bulong ng aking isipan nang mga oras na iyon. Kung hindi sana napatingin ang iyong ina ay baka hindi ko napigilan ang aking sarili at baka may nagawa akong masama sa kaniya. Sa masuyong paraan ay aangkinin ko ang kaniyang p********e kung saka-sakali. Bago ako kumurap ay nagsalita na siya. "Lawrence, sana maibigan mo ang ginawa ko. Iningatan ko iyan at pinaghirapan,” malambing niyang tugon at sumilay sa sulok ng kaniyang labi ang matamis niyang ngiti na sadya namang humaplos sa aking puso. Dahan-dahan ko itong kinuha sa kaniyang palad at pinagmasdan. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Dahil sa pagsulyap ko sa kaniyang kinatatayuan ay binalot ng kaba ang aking dibdib. Tila may isang banda ng aking pagkatao na nagsasabing ito na ang panahon . . . habang ang isang bahagi naman ay tumututol. Mabilis kong ibinigay ang mga papel na kanina ay hawak ko na. Ipinagtaka niya iyon. Tumalikod na ako at dahan-dahang naglakad upang lumayo dahil kung hindi ko mapipigilan ang kuryenteng gumagapos sa aking katawan ay baka magawan ko siya ng masama. Inaayos ko na ang aking mga gamit nang bigla siyang magsalita mula sa aking likuran. “Hindi mo ba nagustuhan ang pagkakagawa ko? Meron bang mali? Hayaan mo at papalitan ko,” tila nagtatampo niyang sambit. “Aalis na ako. Huwag mong babalaking isauli sa akin ulit yan. You dont need to do that!” malamig kong pamamaalam sa kaniya kahit hindi iyon ang gusto kong banggitin sa mga oras na iyon. Palabas na ako ng gate nang marinig ko ang mabilis na yabag na tila may hinahabol. Napalingon ako nang tinawag ng iyong ina ang aking pangalan. "Lawrence aayusin ko ito para bukas ay maayos na. Asahan mo, Lawrence Berlington! Good Night!” Mabilis itong tumalikod at naglakad sa kadiliman ng gabi. Mula sa aking hinintuang lugar ay unti-unti akong lumingon sa papalayong dalaga na halata namang pagod na pagod na dahil sa ginawa sa maghapon. Nasa may gate na ako ng aming bahay nang muling nanariwa sa aking isipan ang malapanaginip na tagpo kanina. "Lawrence Berlington, Good Night! "bulong ng aking diwa habang pangisi-ngisi. Kay sarap pakinggan ang bawat katagang binitiwan ni Esteffany na tumatagos naman sa aking puso. Dahil sa sobra kong pag-iisip at kaligayahan ay hindi ko napansin ang aking kapatid na nabunggo ko na pala at napaupo. “Hilo ka ba? Bakit parang wala ka sa sarili mo, Lawrence Berlington? Siguro, may disgrasyang nangyari? Pa-share naman, o!” piksi ni David sa akin habang sumisiko. “W-Wala. Mayroon lang great thing na nangyari," mabilis kong sagot kahit nabubulol pa. Nagtaka at nagulat si David sa nakikita niyang pagmamadali ko. “Kuya, who’s the lucky girl?” tanong ni David habang ako’y pinagmamasdan. “Anong who’s the. . . the lucky girl? Are you out of your mind?" mabilis kong deny. “Kuya, titigan mo nga nang mabuti iyang pagmumukha mo! Kitang-kita naman ang pamumula ng pisngi mo. Kulang na lang ay masunog ka nang buhay sa kinatatayuan mo!” nakangising pangungulit pa rin sa akin ni David. “Halika sa may pool at pakatitigan mong mabuti iyang mukha mo!” sambit ni David na halata namang napangisi sa natuklasan sa akin. Mataman ko namang tinitigan ang aking sarili sa repleksyon ng tubig. Pulang-pula pala ako. "Kuya Lawrence, who’s the lucky girl? Iyang mga mata mong datiy walang buhay ay nagkikislapan nang tila mga bituin. I think that girl is your first love. Ano? Sabihin mo! Am I right?” susog ni david sa akin habang pinipilit akong mapaamin. “Ayaw mong sabihin? Kanina ang OA mo. Ngayon naman parang naputulan ka ng dila. Sige, hindi na kita kukulitin pero ano munang name nong girl? Maganda ba at sexy? Hoy, magsalita ka naman!” pilit pa rin ni David sa akin habang niyuyugyog ako sa aking siko. Tumayo na ako at mataman siyang tinitigan “Ipakikilala ko siya in the right time. Sige, matutulog na ako. Maaga pa tayo bukas.” “Kuya naman! Ang unfair mo! Killjoy! Sige ka, baka kapag nakilala ko ang chix mo, ahasin kita!" Tinitigan ko siya nang masama. Kahit alam kong biro lang iyon ay parang masama pa rin sa pandinig ko. Napansin naman ng aking kapatid na si David ang pagbabago ng aking aura. "Hoy, joke lang! Baka sabihin mong traydor ako. Hindi, a! I’m a true man! Sige, Good Night!” pamamaalam ni David sa akin kahit gusto pa nitong makuha ang impormasyong gusto niyang malanghap mula sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD