MULI kong tinitigan ang iyong ina na kanina pa pala nakatitig sa akin nang buong pagsuyo . . . hanggang sa nabitiwan ko ang mga salitang iyon. "P'wede, Miss? Get out of here! Ayaw kong may babaeng napapahamak nang dahil sa akin." Matalim ang pagkakatitig ko kay Esteffany at wariy nagulat siya sa pag-iiba ng aking aura.
Dahan-dahang tumayo ang babaeng tila nasaktan at nabigo dahil lang sa akin."Why, pare? Ba't mo naman pinigilan si Rudny? He deserves to do that!" mariing sagot ng aking kaibigang si Novice.
"Pati nga ako nagulat. Dati-rati naman ay mas malala pa roon ang ginagawa natin dito sa campus. Ba't doon ka lang natibo? Porke't pangit lang ba? Inatrasan mo na dahil ayaw mong marumihan ang mga kamay namin ni Novice? Pare, dapat sa lahat ng oras ay hindi ka dapat nagdadalawang-isip," pahayag ni Rudny sa akin.
"Pare, ipinanganak nga tayo sa mundong ito para magsaya at paglaruan ang buhay ng mga walang kwentang bagay. Ipinanganak tayong mataas at walang kinatatakutan pero sa ipinakita mo ay nabawasan ang pagkakakilala ko sa 'yo bilang 'no fear'," mahabang pahayag ni Novice na nag-umpisa na ring umupo sa aking likuran.
"Basta, pare, hinding-hindi kami titigil hanggang hindi umaalis ang pangit na iyan sa ating campus. Huwag na huwag mo kaming pipigilan sa anumang gagawin namin sa kaniya dahil gagawin naming impyerno ang buhay niya rito sa campus!" matalim na sagot ni Rudny sa akin.
Sa pinakahuli nilang salita na tumatagos sa aking isipan ay lalo akong nangamba para kay Esteffany. "Lawrence, lahat ng gagawin naming masasamang balak sa Esteffany na iyan ay ikaw ang gagawa at tatapos para sa amin," naninigurong banta ni Novice sa akin mula sa likuran.
"Hindi mo pwedeng tanggihan ang bawat sasabihin namin sa 'yo dahil ikaw ang tumatayong leader namin. Kung ayaw mong mawalan kami ng tiwala sa iyo o alisin sa grupong ito. . . p'wes mag-isip-isip ka at gisingin mo ang isipan mong iyan. Matagal na tayong nasa itaas at lalo pa tayong nagiging maayos dito dahil na rin sa mga ginagawa natin. Walang kalulugaran sa atin ang awa. Tandaan mo 'yan. . ." tiim-bagang pagtatapos ng salita ng aking kaibigang si Rudny.
Mula sa pagkakatitig ko sa dalawa kong kaibigan ay mababakas ko roon ang sobra nilang pagkadismaya sa aking tinuran para kay Esteffany.
"Ako ang gagawa ng gusto ninyong mangyari sa babaeng iyan para hindi na kayo magalit sa akin. Para maalis na rin ang pagkalito ninyo bilang kaibigan ninyo ay tungkulin kong makiisa sa bawat naisin ninyo at ikasisiya nating tatlo," pahayag ko habang tumititig ako sa babaeng iniibig ko. Tiyak kong narinig niya ang lahat ng napag-usapan naming tatlo.
"Iyan ang kilala naming Lawrence!" natutuwang sagot ni Rudny habang ginugulo ang maayos kong buhok. Iniwas ni Esteffany ang pagkakatitig sa akin at matamang ipinukol sa isang bagay ang kaniyang paningin.
"Ito ang aking mundo, ang mang-api, ang magpaiyak at magpasakit ng damdamin ng iba. Ngunit magagawan ko ba ng masama ang unang nagpatibok sa mura kong puso?"
"Esteffany, patawad," bulong na lang ng aking puso't isipan pati na rin ng aking pagkatao. Sa araw na iyon ay naayos naman namin nina Novice at Rudny ang lahat ng dapat ayusin at tapusin.
Bago kami umuwi sa aming kaniya-kaniyang bahay ay dumaan muna kami sa isang bar. Kaniya-kaniya kaming tagay nang gabing iyon at hindi pinapansin ang oras. Tiyak kong lumalalim na ang gabi. Sa aking pag-uwi ay nadatnan ko sa may pool ang aking kaisa-isang kapatid.
"Kuya, naglasing ka na naman ba? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan o itinext man lang para naman may kasama ka. Uhaw na uhaw na kasi ako at hindi man lang ako makapuslit dito sa bahay para makipag-inuman," salubong sa akin ng aking kapatid.
"Sorry, wala akong load tapos nalowbat pa. Next time na lang, ha?" Kahit nahihilo ay pinipilit ko pa ring sagutin nang maayos ang aking kapatid.
"Ang sabihin mo, killjoy ka. Masyado mo akong ini-snob dahil kung isasama mo ako sa mga lakad mo ay tiyak na lahat ng chix mo ay mapupunta sa akin. Masasapawan ko ang kagwapuhan mo at tiyak na ako ang magiging star sa gabing iyon!" paninisi pa rin ng aking kapatid sa akin. "Tiyak kong lalagapak kayo nina Kuya Novice at Kuya Rudny sa kagwapuhan ko at maiinggit kayo! Dahil nga I'm the man in that night. . . someday!" tatawa-tawa nitong sabi habang nagsisimula nang maghikab.
"David Berlington, masyado kang bilib sa sarili mo at nangangarap ka na naman nang dilat ang mga mata. Tulog ka na ba?" pabiro kong tanong sa kaniya.
"Ano ka ba, Kuya, dapat ikaw ang tanungin ko ng ganiyan dahil nga lasing ka! Oh, siya! Siya! Tulog na ako! Ala una na at namimigat na ang mga talukap ng mga mata ko," paalam ni David habang iniwawagayway pa ang isa nitong kamay na hudyat ng kaniyang pamamaalam.
Siya ang aking kapatid na si David Berlington, 14 years old, second year high school at mahilig sa pambubuska.
Mataman ko siyang tinitigan nang gabing iyon. "May hitsura ka, David, at kung magma-mature lang nang kaunti ang ugali mo at magtitino sa buhay ay tiyak na maraming maghahabol na babae sa 'yo. Alam kong masarap kang magmahal. Maswerte ang babaeng unang magpapatibok sa napakabata mong puso. . ." sambit na lang ng utak ko habang papunta na ako sa aking silid sa ikatlong palapag ng bahay.
ISANG magandang umaga ang nasilayan ko ngunit sa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over namin ng tatlo kong kaibigan ay napagpasyahan kong hindi pumasok nang isang linggo. Ganoon din ang ginawa ng dalawa kong kaibigan.
Hunyo 10, 2008, Monday, Sa loob ng classroom.
ITO ang araw kung saan masisilayan ko sa ikalawang pagkakataon ang iyong inang lalo pang gumanda sa aking paningin. Habang tinititigan ko siya sa itaas ng aming paaralan, narinig ko ang mga yabag mula sa aking likuran. Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala na sina Novice at Rudny ang palapit sa akin at may hawak na baldeng punong-puno ng maruming tubig na pinagsawsawan ng maruming floor map.
"Pagkakataon mo na para maipakita sa amin kung gaano mo kami kinikilala bilang kaibigan. Sige na at masasayang ang oras. Gawin mo na, bago pa siya makalayo," bulong ni Rudny sa akin.
"Huwag mong sabihing tumatalikod ka na naman sa napagkasunduan natin? Madali lang naman ang ipinagagawa namin, ha? Put your arms on that pail at itulak mo lang, okay na! Pare, gagaan ang pakiramdam mo," mapanuksong bulong naman sa akin ni Novice.
Matalim nilang tinitigan ang naglalakad na si Esteffany at walang anu-ano'y itinulak nila ako sa may bintana, hawak ang timba na agad na nawalan ng tubig dahil sa pagkakabuhos sa labas.
Bagamat nabigla ako sa nangyari ay nanaig pa rin sa akin ang katahimikan. Halos lahat ng gamit at uniform niya ay basang-basa na dahil sa mabilis na pangyayari. Hindi napigilan ng dalawa kong kaibigan ang mapatawa at humalakhak na agad namang natunugan ng napahiyang si Esteffany. Dahil sa awa sa sarili ay hindi na nito itinuloy ang pagpasok at umuwi na lang sa bahay na dala-dala ang mabigat na pakiramdam.
Habang tinititigan ko ang babaeng nagpapatibok ng puso ay lalo lang akong nahahabag sa mga dinaranas niya mula sa akin. Mula sa kinatatayuan ay muli kong nasilayan ang maamo niyang mga mata sa hindi kalayuan. Napapitlag na lang akong muli nang ako'y tinapik ni Novice at kunin ang timba sa nanginginig kong mga kamay.
"Pare, hindi ka pa ba nakukuntento at parang gusto mo pang ulitin? Hayaan mo, pare, next time na lang ulit. Tiyak na mag-e-enjoy ka pa sa gagawin natin," nasisiyahang sabi sa akin ni Novice."Umpisa pa lang iyan, Lawrence, kaya huwag kang masyadong atat. Marami pa akong plano sa pangit na iyan," dagdag naman ni Rudny sa akin. Dahan-dahan akong naglakad sa aking kinatatayuan na kaakibat ng nanlalambot na tuhod at nalilitong kaisipan.
First time ko pa lang gumawa ng masamang badya sa kaniya pero ngayon . . . heto akong nanlalambot at tila ayaw makisama ng luha ko. Pinipilit kong hindi makaramdam pero sa tuwing aalalahanin ko ang mga susunod pang araw kung saan masasaktan ko ang mahal kong si Esteffany ay tila nanghihina ako. Alam kong pagsisisihan ko nang lubusan ang lahat ng gagawin ko.
"Mahal kita, Esteffany. Mahal na mahal kita. Higit pa sa buhay ko. . . "tahimik ko na lamang na naiusal habang may kumikirot na pusong nakatingin pa rin sa kaniya.
HUNYO 13, 2008, THURSDAY, 7:30 AM.
Pagpasok ko pa lang sa aming paaralan ay natunugan ko nang iilan pa lang ang pumapasok at dumarating sa kanilang mga silid. Sa aking pagpasok sa aming silid-aralan ay nasilayan ko ang iyong inang nag-aaral sa aming susunod na leksyon sa agham. Sa aking pag-upo, unti-unting napasulyap ang kaniyang paningin sa aking kinaroroonan.
Dahan-dahan siyang tumayo at pinagmasdan ako nang buong pagsuyo. Kasabay ng kaniyang pagharap nang nakaupo sa akin ay unti-unting naglabasan ang mapuputi at perpektong ngipin niya na sadyang bumagay sa kaniya.
"Magandang umaga, Lawrence. Kumusta ka na?" malambing na bungad niya sa akin. Dahil sa wala pa ang dalawa kong bestfriend ay hindi na ako nag-alinlangang sagutin ang kaniyang tanong na sadya namang nagpapatalon sa aking puso.
"M-mabuti naman ako. Ikaw?" balik-tanong ko. Ngunit hindi na nasagot ni Esteffany ang aking tanong nang biglang pumasok at titigan siya ng dalawa kong bestfriend na animo'y papatayin si Esteffany. Dahil sa ginawang asal ng dalawa kong bestfriend ay minabuti na lang tumayo at umalis ni Esteffany. Sa kabila niyon ay patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin nang buong pagsuyo na tila nagpapaalam.
Pagkababa ng kanilang mga gamit ay mabilis silang dumiretso sa akin at tinanong ako. "Ginugulo ka na naman ba ng pangit na iyan? Aba, hindi na ba nadala iyan sa mga nagawa mo?"
"Talagang ang lakas ng apog ng babaeng iyon! Hindi ka pa rin niya tinitigilan, ha? Puwes, itong susunod na ipapagawa ko sa yo ay talagang pagsisisihan niya!" inis na turan naman sa akin ni Novice habang nakikipagtitigan kay Rudny.
"Ipagawa mo riyan kay Ms. Panget ang lahat ng project natin. Pati assignments natin ipagawa mo na rin. Huwag na huwag mo siyang pauuwiin sa bahay nila hanggat hindi niya natatapos lahat!" dikta ni Novice habang nakikipagtitigan sa akin.
Agad akong tumayo sa harap ni Esteffany na mataman namang nakatitig. Tumango siya sa akin at mula sa pagitan ng kaniyang mga labi ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti at sulyap.
"Bakit, Lawrence?" malambing niyang tanong habang patuloy pa rin ang tensyon sa paligid ko.
"Miss, dahil sa pagkausap mo kanina sa akin ay naabala mo ako sa aking pag-iisip. Dahil doon ay ikaw ang aking napili para gumawa ng aming proyekto at takdang-aralin. Kung hindi ka sana pakialamera, hindi ka sana mapapasubo. Masyado kang bilib sa sarili mo. Parang iyon lang, akala mo kaibigan na kita? The truth is not. Kung pwede lang, pakitapos mo iyan ngayong araw na ito. Di ba ikaw ang first honor dati sa campus ninyo? Im sure na kayang-kaya mo iyan!" sarkatiskong sabi ko sa kaniya. Pagkatapos ay ihinagis ko ang lahat ng materyales sa kaniya.
Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang pagkapahiya. Napalitan ang matamis niyang ngiti ng lumbay at lungkot.
Habang palakad ako papunta sa aking kinauupuan . . . ang una kong nabungaran ay ang mga matatamis at tila nagdidiwang na mga sakim at makasarili kong kaibigan. Samantalang ang naghari naman sa aking naninikip na puso ay guilt sa tuwing tatanglawin ko si Esteffany mula sa aking kinauupuan, Kasalukuyan niyang ginagawa ang lahat para matapos lang ang pinapagawa ko sa kaniya.
Patuloy pa rin siya sa paggawa kahit tumutulo na sa kaniyang noo ang pawis. Hindi nito maasikaso ang kaniyang sarili. "Tingnan mo ang pangit. . . mas lalo pa siyang naging basura at bulok! Pero ang galing mo kanina, pare! Kitang-kita namin ni Rudny na tila napako at naurungan ng dila ni Ms. Panget!" sulsol ni Novice sa akin habang humahagikgik.
"Kawawa naman tayo pa kasi ang napili niyang banggahin, nangangarap ba siya na dilat ang mga mata!, kung pwede lang ako na ang magsako diyan at itapon sa labas ng campus, tiyak wala ng problema. " buwelta naman ni Rudny bilang dagdag sa sinabi ni Novice.
Tila naumid naman ang aking dila sa narinig, tila isang basang sisiw ang aking Esteffany habang pinagmamasdan ko siyang tumayo para pumunta sa silid-aklatan, para magsaliksik sa aming takdang-aralin at proyekto.
Oo para na pala siyang basang sisiw ng binuhusan ko siya ng tubig sa itaas. . Isip ko habang nalulumbay. . .