"Ikaw?" Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood ang paglapit niya sa amin. Napalunok ako. Lalo na noong palapit siya sa amin. "She's innocent. Wala siyang ginawa o ninakaw," dagdag niya. Dapat ay masaya ako dahil naabswelto na ako sa kasalanang binibintang sa akin. Pero bakit mas nakakaramdam ako ng pait sa aking sistema. Ilang taon na ang nakaraan. Matagal na matagal na pero biglang bumalik ang lahat ng sakit. Siya ang dahilan kaya ginawa kong parang baliw ang sarili ko. Siya ang dahilan kaya mas minabuti kong itago ang sakit sa pamamagitan ng pagiging isip bata ko. Siya ang dahilan kaya mas gugustuhin kong takasan ang mga bagay na nagpapaalala sa knaya sa akin. Ang pakikipagrelasyon ng totohanan. Pakikipagrelasyon na may kalakip na pag-ibig. Relasyon na may kalakip na tiwala

