Kinakabahan ako habang inaayusan ni Mader Earth sa dressing room. Nakaharap ako sa kanya at nakatalikod sa salamin habang nilalagyan niya ako ng make up. Tapos na siyang mag-ayos at ako ang hinuli niya. "Hayan, Shai! Ang fierce ng dating!" pumalakpak pa si Mader Earth at tuwang tuwa. Inikot niya ang inuupuan ko paharap sa salamin. Nagulat pa ako sa nakita kong pigura. Parang hindi ako. Napahawak ako sa pisngi ko para tiyakin na ako nga iyon. Simple lang ang make up ko ngunit ang nagdala ay ang red lipstick ko. Fierce nga ang dating. "Naku, matutuwa nito si EJ. Ang ganda-ganda mo talaga, Shai." Tumayo ako. Gamit ko rin ang isang sapatos na may limang pulgada ang taas. Buti na lang talaga at nasanay akong magsusuot ng may heels simula noon dahil nga sa height ko. Ngayon ay medyo t

