"Salamat," muli kong ika bago tuluyang bumaba sa sasakyan ni EJ. "Shai..." Napalingon ako sa tawag niya. Nakadukwang siya sa may bintana."Susunduin kita bukas." Nginisian ko siya. "Nemen! Boyfriend material ka ngayon ah." Nakita ko kung paano niya iiling ang ulo bago isara pataas ang salamin ng kanyang bintana sa kotse. Nakatayo lamang ako sa may gate nang makaalis na siya. Bubuksan ko na sana ang gate nang may kumalabit naman sa akin mula sa likuran. "Shaira..." Anak ng teteng oo! Bakit ba lagi na lang may kumakalabit at gumugulat sa akin! "Artur?" Gulat na gulat ako nang makita ko si Artur. Parang pinagsakluban ng lupa at langit ang kanyang mukha. "Anong nangyari sa iyo?" "Usap tayo..." Kunot noo akong humarap sa kanya ng tulyan. "Bakit ako? Kailangan mo bang... Artur!

