Chapter 8

1847 Words
Pagkatapos ng halik na iyon ay naniwala naman ang kasamahan niya na naipakilalang mga pinsan pala ni EJ, maliban sa mga magulang niya. Kasal daw ng kapatid ni EJ kaya sila naroon. Sila na lang ang nahuli dahil nagsialisan na ang iba para pumunta sa venue pagkatapos ng kasal. Ngayon ay katabi ko sa sasakyan ang mama ni EJ habang silang mag-ama ay nasa harapan. Inimbitahan kasi nila akong makikain. Tamang tama, gutom na ako. Libre ang pagkain kaya tsi-tsibog ako. Minsan lang ito mangyari sa buhay ko. "Salamat sa pagpapanggap na kasintahan ng anak ko," patiunang bulong ng ina ni EJ sa akin. Napalayo ako sa kanya at napatutop sa aking bibig. Ang mga mata ko ay naglalakihan na nakatingin sa kanya. Natatawa siyang muling kumapit sa braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Hindi naman halata na close kami agad ng Mader Earth ni EJ. Kaya walang kokontra kung mag-ma- 'Marites' kaming dalawa. Tutal siya nagsimula, tatapusin ko. "Mader Earth, hindi kaya bakla iyang anak mo?" tanong ko ngunit iba ang nagsalita at sumagot ba ikinagulat ko. "What did you say? Gusto mo bang kasuhan kita dahil diyan sa tabil ng dila mo!" sabad ni EJ sa usapan namin ng Mader Earth niya. Inirapan ko siya. Sa iba ko ginagamit ang dila ko kaya bakit ako kakasuhan? "Hoy, ikaw pa may ganang bantaan ako na kasuhan? Ikaw kaya ang kasuhan ko. Kakasuhan kita ng paninirang puri!" hamon ko sa kanya. "What?" Napalingon siya sa akin na kunot ang noo. Red sign kaya nakatigil ang sasakyan. "Abogado ka hindi mo alam? Paninirang puri! Hinalikan mo ako kaya dinungisan mo ang puri ko! Paninirang puri! Gets mo?" "Oh! come on!" "EJ!" saway ng kanyang ama sa kanya. Tama naman ako ah! May mali ba sa sinabi ko? "Tsk! Tinulugan mo ba ang mga subject mo noong  nag-aaral ka? Maybe you are not a good student!" Asik niya bago muling paandarin ang sasakyan. Loko to ah. Hindi porke't bata pa siya at abogado mapagsasalitaan na niya ako ng ganoon. Sarap nito kirutin sa itlog. Nag-aral kaya akong mabuti. Suma ako... Suma-sampong taon sa kolehiyo. Hindi dahil mahina kukote ko. Kundi wala akong matagalan na kurso. Lipat ako ng lipat hanggang sa hindi naka-graduate. But still, proud ako sa sarili ko. Marami akong napasukan na kurso! Inismiran ko siya at nanahimik na lang. Baka hindi ako makapagpigil eh mapingot ko ito sa kung saang parte ng katawan. Nagtaka tuloy ako kung masyado bang malakas ang bulong ko. Kailangan ko pa palang hinaan ang volume ng boses ko. Nasanay kasi akong bumulong na ganoon kalakas. Okay, Shai, hinaan natin ang volume. "Pasensiya ka na sa anak ko, Shai," bulong sa akin ni Mader Earth. Napatango ako sa sarili. Ganoon pala dapat kahina. "Wala po iyon Mader Earth. Ganyan po talaga mga ugali ng bakla!" "Shaira!" Napasapo ako sa aking dibdib nang dumagundong na parang kulog ang boses ni EJ sa loob ng kotse. Ang hina na nga ng boses ko, narinig niya pa rin! "Hoy, wala akong sinabi ah. Alam kong dalawa bunganga naming mga babae pero iyong isa kong bunganga hindi siya 'Marites'. Tahimik lamang siya kasi nga wetting, este waiting! " Marahas siyang bumuga ng hangin at napatampal pa sa manibela. Samantalang natawa ang kanyang ama sa sinabi ko. "At pakihinaan nga ang volume ng boses mo. Hindi porke't may mikropono kayong mga lalaki, hindi niyo na hihinaan ang volume. Lalo na ikaw!" dugtong ko kasi, parang nabingi ako sa lakas ng sigaw niya. Kilala na siguro ako ng buong baranggay dahil isinigaw niya ang pangalan ko. Biglang lumangitngit ang sasakyan. Pumreno pala siya sa gitna ng kalsada. Buti na lamang at kakaunti ang sasakyang nakasunod sa kanya. Napakapit ako sa kamay ng Mader Earth niya nang bumaba at binuksan ang pinto malapit sa akin. "Baba!" utos niyang nagtitimpi ng galit.  Napatingin ako sa Mader Earth niya na maluha-luha na. Maluha-luha sa kakatawa. Ito na ba ang gaya sa mga eksena na napapanood ko. Pabababain ang babae ng lalaking mahal niya. Iiwanan sa isang lugar habang lumuluha at pumapatak ang ulan. Walang patutunguhan, walang masisilungan. Sana may luha pa, akong mailuluha... "I said, baba o gusto mong kaladkarin kita pababa!" Napasimangot ako at napabitiw sa kamay ng Mader Earth ni EJ. Nagkatinginan lang ang mag-asawa. Parang alam.na nila ugali ng anak nila kaya tumatahimik na lang sila bigla. Mabagal akong bumaba sa sasakyan. Napatingala ako sa langit. Hay! Buti nalang maliwanag at walang ulan. Mahirap na ang mabasa at baka magkasakit pa ako. Okay langbna iwanan niya ako sa gitna ng kalsada. Hinawakan ko ang shoulder bag ko at tinalikuran siya. Hindi na niya ako kailangang ipagtabuyan. Aalis ako ng kusa. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya. "Where are you going?" Nakailang hakbang pa lang ako ay muli kong narinig ang boses niya. Ito yata ang buang at hindi ako. Bakit magtatanong pa? 'Di ba nga pinababa na niya ako. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong hilain. Umikot kami papunta sa harap ng kotse. Binuksan niya ang harap kung saan ang kanyang ama. "Pa, doon ka na kay Mama. Dito ang babaeng ito!" sabi niya sa ama. Agad namang tumalima ang ama niya at agad na lumipat. "Sit!" Inismiran ko muli siya. Makautos lang, parang aso! Pero infairness, ang sweet niya. Gusto lang pala ako makatabi sa upuan eh ang dami pa niyang drama. Nakangiti na ako habang nilalagay ang seatbelt ko nang makapasok na muli siya sa loob ng sasakyan. "This way, madali kong busalan iyang matabil mong bibig!" banta niyang nakapagpawala ng ngiti sa labi ko. "Puwedeng iyong isang bunganga ko busalan mo? Nilulumot na eh!" Wala sa loob na ika ko. Bigla ay nagtawanan si Mader at Fader Earth sa likod. Sobrang kunot na ng noo ni EJ. Bata pa ito sa tingin ko pero parang walang kaalam alam sa takbo ng lipunan. Ang hina ng ulo. Hindi maka-gets. Maturuan nga ito, baka masyado ng napag-iiwanan ng panahon. Imbes na ako ang maghabol dahil sa edad ko. Baka itong si EJ ang tatandang dalaga...este binata pala. Nakarating kami sa venue ng kasal. Namangha ako dahil sa garden ng bahay ng mga Saavedra ginanap iyon. Ang laki ng bahay nila! Kasing laki ng hinaharap ni EJ. Oopps, huwag iba ang iniisip. Hinaharap niya as in his future! Hanep! English iyon! Abogaydo kasi kaya paniguradong malaki ang hinaharap niya. Bahay na nga lamang nila ngayon. Yayamanin na. Ang suwerte ko naman. "Halika, hija. Pasok!" Niyakag ako ni Mader Earth papasok sa gate nilang kulay ginto. Hanep! Pati gate puwedeng nakawin. Pagkapasok pa lamang ay marami na ang agad na sumalubong sa amin. Mga kasapi sa 'Marites Family'. Kamag-anak rin naman nila. Mukhang kumalat na ang balita sa kanilang buong angkan. Kami ngayon ang pulutan ng kanilang mga mata. Hanep! "Ang ganda naman ng kasintahan ni EJ." Wow naman. Lumalaki lalo ang s**o ko, tsk! este puso ko sa papuring natatanggap ko mula sa kanila. Infairness na naman, mukha naman silang mga 'Marites na masaya at walang kaplastikan. Ang lawak ng ngiti ko sa kanila nang bigla ay may umakbay sa akin. Siyempre, kilala ko na kung sino iyon. Ang peke kong jowa. "Guys, let my girlfriend eat first. Saka na ninyo siya kausapin mamaya." Ewww, kinilabutan ako sa baba ng boses niya at may kasama pang lambing. Ang abogaydo na ito, marunong rin talagang umarte ah. Kanina lang galit na galit. Echoserang frog ito. Nagba-bye na lamang muna ako sa ka-'Marites' ko nang hilain niya ako papunta sa mga nakahandang pagkain. Pagkakita pa lamang sa mga handa ay naglaway na ako at natakam. "Wow! Sosyal! Sa wakas malalagyan na rin ng mantika ng sosyal na pagkain ang labi ko," bulalas ko. Gumawa ng tunog si EJ na parang galing sa ilong. Nilingon ko siya na nakataas na ang isang kilay. Nakatitig siya sa akin pagkatapos ay umiling iling. "Ano? May reklamo ka na naman?" Pinameywangan ko siya. "Can you please stay firm and proper..." asik niya na inabutan ako ng plato. "Charot mo! Kala mo hindi ko naintindihan iyon!" Muli ko siyang hinarap. "Malas mo, nakuha mong magpanggap na GF mo ganito. Hindi ako magbabago para lang sa pa-firm and proper mo!" asik ko sa kanya sabay talikod at hinarap muli ang mga nakakatakam na pagkain. Buti na lamang at kami lamang ang naroon.at busy yata ang iba habang hinihintay ang mga ikinasal na ayon sa iba ay nasa loob ng bahay nagha-honeymoon muna... Nagbibihis pala. "I just want you to shut up your mouth!" bulong niya na sinundan pala ako habang pinupuno ang aking pinggan ng iba't ibang klase ng handa. Ang sasarap. Lalo na noong makita ko ang lechon. Crispy pa ang balat nito kaya takam na takam ako. "Kung ititikom ko ang bibig ko, paano ako kakain? Mabubusog ba ako kapag tititigan ko? Gaya rin iyan ng pagbubuntis, kailangan mapasukan para mabusog ng siyam na buwan" "Shai!" Halos manggigil siya sa pagtawag sa pangalan ko. Magdusa siya! Ako ang napili niyang hilain para magpanggap. Sa dinami-dami ng ibang taong naroon. Ako pa talaga ang hinalikan niya. Wait... Mga madre pala ang naroon. Ako? Pa-madre pa lamang kung hindi lamang niya iyon binulilyaso. "Tapos ka na bang kumuha ng pagkain mo? Tara, umupo na tayo," ika niya. Hindi na ako nakipag-argumento. Dinala niya ako sa isang mesa kung saan kami lang na dalawa. May mga katabi kami at abala na rin sa pagkain. Nagngitian lamang kami at nagbatian. Sabay naming ibinaba ni EJ ang pagkain namin sa mesa. Hanep! Kung gaano kabundok ang  pagkain sa plato ko. Ganoon naman kababa ng kanya. Ilang piraso lamang ang naroon. Panay damo pa. "I'm on a diet!" ika niya na nahalata pala ang titig ko sa pinggan niya. Hanep ulit! Nagda-diet pa siya sa lagay na iyon. Kulang na lang at maging kawayan na siya. Charoterang palaka rin ako. Ganda rin naman ng katawan niya ayon sa pagsusuri ng mga mata ko. Hindi ganoong ka-macho pero keri lang. May maskel naman siya. "Let's eat," ika niyang nagsimula ng kumain. Ako naman ay tinira na ang lechon na sobrang lutong ng balat. 'Di bale, wala naman akong sakit kahit nagkakaedad na ako. Matakaw rin talaga ako kumain pero hindi talaga tinutubuan ng taba sa katawan. Kasalukuyan kong nginunguya ang lechon sa bibig ko nang i-announce na  lumabas na ang groom at bride. Nagpalakpalakan ang mga tao. Nakatalikod ako sa gawi kung saan ang stage kaya 'di ko sila kita. Ayaw ko naman lumingon dahil puno pa ang bibig ko at takam na takam pa ako sa lechon. "Kuya! Anong nabalitaan ko kay Lira? May girlfriend ka raw na ipinakilala!" Napalunok ako bigla at muntikan pang mabulunan dahil sa boses malapit sa akin. Mabilis kong kinuha ang isang tissue at pinunasan ang aking bibig. Tumayo na kasi si EJ para salubungin ang nagsalita. Sa tantiya ko ay ang kapatid niyang ikinasal iyon. Naglagay ako ng malawak na ngiti sa labi. Tumayo ako at hinarap sila. Para lamang magulat at panghinaan ng tuhod nang makita ko kung sino sila. "Hey! It's you!" Alanganin akong napangiti. Lagot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD