The 'now' is now!
Sakay ako ngayon ng jeep papunta sa simbahan kung saan may kumbento para sa pagma-madre. Pupuntahan ko palang naman para tanungin kung paano makakapasok na madre sa kanila. Wala naman akong kaalam-alam kasi. Aaminin ko naman na hindi ako relihiyosa na tao. Pero, may takot naman ako sa Diyos. Kaya nga tinutupad ko na ang akong pangako.
'Pangako, hindi kita iiwan.
Pangako, hindi pababayaan.
Pangako...
Biglang may lumangitngit. Mabilis ang pagpreno ni Manong driver kasabay nang mabilis ko ring pagbagsak sa inuupuan. Hindi ako kumapit dahil dinadama ko ang kanta sa isip ko tapos ganito lang.
"Manong!" sigaw ko. Napangiwi akong muling bumalik sa upuan. Napalinga ako sa paligid ko at sa mga kasama ko. Mga lihim na nagsisitawanan na. Lumagapak ba naman ako sa sahig ng jeep.
Kainis si manong driver eh! Kahapon pa ako minamalas ah! Ano ba to? Hindi ko na maintindihan kung pinipigilan ba ako ni Lord na magmadre, o pinaparusahan niya ako dahil limang taon akong lumiban sa pangako?
"Pasensiya na miss. May bigla kasing tumawid."
Sinimangutan ko si manong driver at sinamaan ko ng tingin ang ibang mga pasahero doon. Parang ngayon lang nakakita ng magandang dilag na nahulog sa upuan.
Hindi ako nagpahalatang masakit ang balakang at puwitan nang bumaba ako sa mismong harap ng simbahan sa bayan ng Mabini. Paika-ika pa akong naglakad ngunit bigla ring umayos at tiniis ang sakit nang may mga makasalubong akong pangkat ng tao. Parang may ginanap na kasal batay sa mga kasuotan nila. Mukha rin naman na tapos na.
"Ang guwapo talaga no?"
Sa isang pangkat ng kababaihan ay hindi ko sinasadyang marinig ang kanilang usapan. Pagdating talaga sa guwapo, lumalaki ang teynga ko at lumalakas ang pandinig ko. Nasaan ba ang guwapo at makilala. Huwag lang ang groom at baka ako'y magkasala.
"Sigurado ba kayong straight si Atty. EJ? Sayang naman kasi ang ikina-guwapo kung tagilid naman..." rinig kong tsismis ng isa pa. Pangkat pala ni 'Marites' ang nakasalubong ko.
Napaismid ako sa narinig. Maka-isip ng mga ito na bakla ang tao. Mga mapanghusga!
Pumasok ako sa loob ng simbahan at pinagala ang aking mga mata. Baka makita ko si Sister na nakasalubong ko noong isang araw.
Sa paggala ng mga mata ko, nakita ko ang umpukan ng nagguwa-guwapuhang pawang nakasuot ng mga barong. Ang mga mata ko ay kumukuti-kutitap na parang sa mga bituwin. Ang kaibahan, heart shape ang nakikita ko.
Nagliliparan ng heart sa paligid ko. Lalo na noong masalubong ng mga mata ko ang isang matangkad, chinito, medyo patpatin...este okay lang ang katawan. Hindi gaanong bulky. At...oh!
"Jusmiyo Shaira! Maghulos dili ka sa nakikita! Nasa loob ka pa naman ng simbahan!" sita ko sa sarili ngunit hindi naman inalis ang tingin sa baba ng lalaki. Nakagat ko ang aking labi dahil 'bulky' rin doon.
Napaangat lang muli tingin ko nang pasimple niyang itakip ang kanyang kamay sa kanyang harap. Naikiling niya sa akin ang kanyang ulo. Seryoso ang kanyang mukha na tinaasan pa ako ng kilay.
"Tse! Akala mo naman siya lang may ganoon!" bubulong-bulong na ika ko at tumalikod na sa gawi nila. Aalis naman na yata sila kaya hindi ko na pinag-aksayahan ang sariling lumingon sa pinanggalingan.
Hindi totoong ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Dahil kung lumingon ako, siguradong hindi na ako makakapagmadre. Ang nasa harap ko ngayon ang future ko. Ang Diyos at ang pagmamadre.
Pumunta ako sa pinakaharapan.
"Seryoso na po ako, Lord. Tutuparin ko na po ang pinangako sa iyo. Narito na ang katawang lupa ko. Iyong-iyo na po!" bulalas ko. Lumuhod ako at taimtim na nanalangin.
Para akong nasa alapaap. Naging magaan ang pakiramdam ko. Tanggap ko na sa aking sarili ang kapalaran ko. Hindi ko man natikman ang langit sa lupa, alam kong mapupunta naman ako sa totoong langit.
"Lord, magbabagong buhay na po ak..."
Nagulat ako at hindi naituloy ang pagkausap sa Diyos nang bigla ay may humila sa akin mula sa aking pagkakaluhod at agad na sumakop sa aking mga labing birhen ng maraming taon.
Nanlalaki ang mga mata ko at halos nakatingkayad na ako dahil sa tangkad ng lalaking mapangahas na lumamon sa labi ko.
Gusto kong magpumiglas. Gusto ko siyang sampalin. Ngunit napakawalang hiya ng kamay ko dahil agad siyang pumulupot sa batok ng lalaki. Makasalanang mga kamay. Siguro mamaya kailangan ko ng putulin iyon! Ipinagkakanulo niya ako.
Ang halik ay hindi naman nagtagal. Lalo na noong may mag-ingay sa paligid. May pumapalakpak at tumatawa.
"Makisakay ka na lang, please," bulong ng lalaki sa aking teynga. Ang lalaking may malaking umbok sa hinaharap. Nailayo ko ang aking ulo dahil sa kiliti na dulot ng hininga niya sa akin.
Bigla niya akong inakbayan nang lumapit sa amin ang mga kasama niya kanina. Hindi lang ang tatlong lalaki na hindi naman ako napansin kanina kundi may mga kasama na silang medyo tanders na. Excuse my word, may edad na kasi sila.
"Woah! Woah! Woah!" Palatak ng isang lalaking kasing guwapo ng lalaking nakaakbay sa akin. "Pinsan! Siya ba?"
Napangiwi ako at napairap nang humalakhak ang lalaki sa tabi ko. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakaakbay niya sa akin nang makita niya ang ginawa kong pag-isamid.
"Boo! Kanina ka pa namin hinihintay. Narito ka lang pala...
Siniko ko siya ng lihim. Boo ka diyan! Boo-set!
Muli niya akong hinapit palapit at bumaba ang ulo sa akin.
"Name?" tanong niya. Demanding si kuya.
"Ayaw ko nga!" sagot kong hindi naman pinarinig sa mga kasamahan niya. Pakipot naman ng kaunti, huwag agad bigay ng name. Lqhit gaano pa ka-guwapo ito.
"Ang pangit ng name mo, Ayokonga!" Muli niyang bulong na ikinanlaki ng mga mata ko.
Seryoso? Hindi siya maka-gets?
"Siya si Ay..."
Tinakpan ko bibig niya. Ang lalaking ito! Ipapakilala ba talaga ako sa pangalang iyon?
"Wow, ang sweet niyo ah!" palatak ng isang babae na naka-gown ng pink. Medyo bata-bata pa ito.
Hinila ng lalaki ang aking kamaynna tumakip sa kanyang bibig.
"Naghugas ka ba ng kamay mo? Bakit maalat?" asik niyang pinanlakihan akon ng mata.
Alanganin akong natawa sa kanya. Pero napaisip rin. Umihi ako kanina, nakapaghugas ba ako?
Sasagot sana ako nang muling may lumapit sa amin. Halos lumuwa ang bilog ng mga mata ko nang makilala kung sino ang mga iyon.
"Shaira!" sabay pang tawag sa akin ng mag-asawang Saavedra. Nagkakilala kami habang hinihintay nilang matapos si Dok sa paghuhugas.
"Hello po," bati ko sa kanila.
"EJ? Magkakilala kayo ni Shaira?" tanong ng babaeng Saavedra. Napatingin ako sa lalaking tinawag nilang EJ. EJ rin ang pinag-uusapan ng mga babae kanina.
Tinitigan ko ang lalaki sa tabi ko na nakataas ang isang kilay.
"Yes! Ma, Pa, si Shaira...kasintahan ko."
Inubo ako sa sinabi niya. Instant! May instant jowa ako bigla!
"Totoo?" halos tanong nilang lahat na naroon. Bale pito na ang taong nasa harap namin ngayon.
Umiling ako. Tumango siya. Umiling muli ako. Tumango siya ulit.
"Ano ba ang totoo?" tanong ng isang lalaki. "Kayo ba?"
Tinatanong pa ba iyon? Siyempre...
Wait a minute! Balitang mainit-init!
Sa nagbabagang balita!
Shaira Maine! May Jowa na!na!na!na!
Tila naririnig ko si Tito Boy Abunda habang nagbabalita ng kaganapan sa buhay ko. Hulog ng langit. Hulog siya ng langit!
Naoatingin ako sa lalaki. Nakatingin rin pala sa akin. Nginitian ko siya bago harapin muli ang mga naroon saka ako tumango. Pero ang siste! Umiling naman ang lalaki.
Tumango ako. Umiling siya. Marahas akong tumango. Parang mababali ang aking leeg kakatango pero umiiling-iling lamang siya. Buwis!t to, babawiin pa ang pagkakaroon ko ng jowa! Naghahabol na nga ako eh. Last ride ko na ito.
"Ano ba talaga?" tanong nilang lahat sa amin.
Hinarap ko ang lalaki at inirapan ito. Humihingi ng pabor pero ilalaglag rin pala ako. Sa harap pa ni Lord ako ninakawan ng halik. Ngayon? Tatanggapin pa ba ako sa langit? Lantaran ko ng pinako ang pangako ko.
Seryoso siyang tumitig sa akin habang ako ay inirapan lamang siya ulit.
Bubuka na sana ang aking bibig para sabihin ang totoo nang muli siyang magsalita.
"She's not only my girlfriend. She's gonna be my soon to be wife!" Pahayag niyang ikinalaglag ng panga ko. Naglaway pa yata ako. Siyete!
"Ano daw?" halos sigaw rin ng mga nakarinig.
Kaya nga? Ano raw? Grabe naman. Nananaginip ba ako? Tumaas ang aking kamay. Kukurutin ko ang isang pisngi.
"Aray!" singhal sa akin ng 'soon to be husband ko'. Hindi nga ako nananaginip. Nasaktan siya. Hindi panaginip ang nangyayari.
"Weh!" Reaksiyon ng lahat.
Wow! Wow na wow ang reaksiyon? Hindi ba kapani-paniwala ang lalaking ito kapag sinabi niyang may jowa siya?
"Hindi ka nila pinaniniwalaan?" bulong ko sa kanya. "Bakit? Bakla ka ba?" diretsa kong tanong. Bakit ko pa ipepreno ang bibig ko? Usapan man nila iyon kanina. Narinig ko lang iyon kaya hindi ako mapanghusga. Hindi ako ang nanghusga sa kanya.
Gusto kong lumayo sa kanya nang bigla ay dumilim ang kanyang mukha. Alanganin akong napangiti nang bigla niya akong hapitin at walang sabi-sabing muli akong hinalikan.
Pimikit ako at ninamnam ang halik. Infairness of all! Masarap humalik ang baklang ito kung bakla man. Kakaiba ang dulot niya sa sistema ko. Nakakapanghina siya ng tuhod. Ang yummy- yummy niya. Ang shelep-shelep.
"Lord! Huwag mo na bawiin ito. Gagawin ko na lang ang lahat para maging lalaki ito. At least ito, alam kong bading. Kesa nagpakalalaki pero closet queen naman. Akin na lang to, Lord!" piping saad ko habang lumalalim ang halik.
Isang halik lang pala ako. Sa lason niyang halik. Hindi na ako magmamadre pa.