Chapter 6

1342 Words
Lutang ang isip kong naglalakad na naman papunta sa trabaho. Pagkatapos ng lahat, tinawanan lamang ako ng magjowa. Kaya  napapaisip na talaga ako kung paano makakapasok sa kumbento bilang madre. Napatigil pa ako at napapaying sa mukha sa pamamagitan ng kamay dahil sa liwanag ng araw sa aking mukha habang nag-iisip. "Lord! Isang pagkakataon na lang. Please give me a sign kung talagang igi-give up ko na ang virginity ko sa iyo! Iyong tipong ikakandado ko na talaga ito para magsilbi sa iyo!" Tumingin pa ako sa langit at nakanguso. Isang sign na lang talaga. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Himala at maraming tao akong nakakasalubong at nakakasabayan. May piyesta ba? O artista? O baka pulitiko na namimigay ng pera? Bakit parang nagsilabasan mga tao ngayon sa lungga nila? Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Suot ko ang puting T-shirt na may hello kitty at isang kulay kremang pantalon, tila rumarampa na naman ako sa paglalakad. Age is just a number, but my beauty is out of order...este... ang kagandahan ko ay? Tama naman! Papa-expire na. Nag-english pa kasi! Malapit na ako sa trabaho ko. Mas marami ngayon ang mga tao sa parteng iyon mg bayan. Nang makita ko na may pinipilahan sila malapit sa gusali ni Dok. "Ow! Macho-chupapa butcher house!" basa ko sa nakalagay na sign board ng pinipilahan nilang gusali. Sa una ay kunot noo pa ako. Pero nang masilayan ko ang lalaking nasa harap ay tila naging slow motion ang lahat sa paglalakad ko. Kitang kita ko kung paano niya pisilin at kapain ang fresh na karne sa kanyang harapan. Kalaunan ay mabagal niya iyong hiniwa habang nakangiti sa mga customer na pawang mga babae. Napalunok pa ako at napahawak sa leeg nang umabgat ang tingin nito at matama sa mga mata ko. Pinagpawisan ako ng malagkit at ewan ko kung tamang kinindatan niya ako. Ayan na naman! Kindat na naman...baka kidlat na ang tatama sa akin kapag nagkataon! Ngunit hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya! Naka-apron lang ang machong-chupapa at walang suot sa loob na t-shirt. Ang mga maskel niya ay parang namimintog na mangga. Ang shelep-shelep! "Ay!" Sigaw ko kasabay ng pagngiti niyang muli sa akin at pagkindat. Sa aking pagpapantsiya! Hindi ko namalayang may nakausling bato pala sa daraanan ko. Natisod ako roon dahilan para lumagapak ako sa lupa. Ang kaninang slow motion na tagpo ay tila biglang tumigil. Naitukod ko naman angbaking kamay para protektahan ang aking mukha ngunit hindi basta-basta ang pagkakadapa ko. Para akong tumilapon na papel dahil ilang dipa rin ang kinalagyan ko mula sa batong tumisod sa akin. Alanganin akong sumilip sa paligid, lalo na sa gawi ng mga nakapilang tao.  Punyemas! Lahat sila ay nakatingin sa akin. Pati si Macho-chupapa ay napaalais sa puwesto niya. Nakakahiya ngunit kibapalan ko ang mukha ko. Tumayo akong parang walang nangyari. Maarte at paseksi pa   bago balingan ang mga taong nakasaksi sa katangahan ko.  "Kaya niyo iyon? Ako lang nakakagawa ng ganoon!" sabi kong sapat lang para marinig nila ako. Agad rin akong umalis nang mag-umpisa na silang magngitian at kapagkuwa'y nagtawanan. Mabilis akong naglakad. Buti na lamang at talagang malapit na ang clinic. Kung hindi! Naku, matagal kong iindain ang pananakit ng balakang ko at hapdi sa tuhod at siko ko. "Shai? Anong nangyari sa iyo?" bungad na tanong ni nurse Joy. " Halla, ang dumi mo..." Napatingin ako kay hello kitty. Anak ng lechugas talaga oh! Nagmukha ng pusang kalye si Hello kitty sa dungis ng damit ko. Agad ko iyong pinampag at nagmamadaling pumasok sa washroom. Pinagpag muli ang dumi sa damit bago hugasan ang sikong may kaunting galos. Maging ang tuhod ko ay sinubukan kong hugasan. "E 'di lalo kang hindi makakahanap ng..." Napatigil ako. Ito iyong sign! Tama-tama. Baka ito ang sign ni Lord na tumigil na ako at tuparin na ang pangako kong napako sa kanya. Ito ang sign na pasukin ko na ang pagma-madre. Ito na talaga ang sign para magbagong buhay na ako. Huminga ako ng malalim at napatingin sa repleksiyon ko sa salamin. "Tara, Shaira! Humayo tayo at ikandado ang pagkababa*. Ito talaga ang calling mo!" Kumbinsi ko sa sarili. Nakapagtrabaho pa naman ako ng amayos kahit mahapdi ang sugat. Nalagyan ko na iyon ng band-aid. Kinaya naman ng dalawang band-aid na pinadugtong ko para takpan ang mga sugat ko. Papauwi na ako at madadaan na naman sa meat shop. Nag-ingat na ako  at sa baba na tumingin dahil baka tumilapon na naman ako. "Miss..." Tila isang magandang musika sa pandinig ang baritonong boses na iyon. Ngunit sinukil ko ang aking sarili. Baka hindi naman ako ang tinatawag. May nakapila pa kasi na mga babae sa butcher house. "Miss, ayos ka lang ba?" Doon na ako napatigil at lumingon sa pinagmumulan ng boses. 'Diyos na mahabagin! May malaking kasalanan ang nasa harap ko. Ang laki-laki!' "Ayos ka lang ba?" ulit niya sa kanyang tanong. Ngumiti kaya kita ang pantay at maputing ngipin nito. Tumango ako at hindi talaga nakapagsalita. Sa kabila ng kaguwapuhanat kamacho-han nito, mukha rin siyang mabait. Iyon lang, kapantay ko siya sa height. As in maliit ako, kaya maliit rin siya. Mga nasa 4'9". "Gusto mo ba ng karne ko?" bigla niyang tanong. "Ha?" Agad na napataas ang tingin ko sa mukha niya.  Mukhang tumigil ang mga mata ko sa restricted area. "Sabi ko, ayaw mo ba bumili ng karne na benta namin. Fresh ang baboy na binebenta namin..." Napatingin ako sa puwesto nila. May babaeng matangkad ang naroon. Masasabi kong matangkad dahil kitang kita kung saan kanina ang lalaking nasa harap ko. Nilagoasan kasi nito ang banner ng meat shop nila. "Fiancee ko nga pala. Siya muna dahil napagod akong maghiwa..." nakangiting saad pa niya. Alanganin akong napangiti. Suwerte niya ah. Matangkad asawa niya. Sabagay sa kama walang maliit at malaki sa height. Kapag naroon na ay pantay naman ang lahat "No thanks. Ayaw ko ng karne. Makasalanan!" hindi ko napigilang bulalas. Naging bitter pa yata ako. Napakamot siya ng ulo at muling nangiti. "Ay pasensiya na. Vegetarian ka pala..." aniyang nahihiya. "Okay lang, alis na ako." Mabilis akong tumalikod. Vegetarian ka diyan! Noong ko pa talaga gustong tumikim ng buhay na karne. Hindi lang talaga ako pinagbibigyan! Malapit na ako sa bahay nang bigla akong napatago sa isang poste. Nasa harapan kasi ng gate si Ate Trialyn ko. Hindi na naman nakaintindi. Sabi ko na i-text ako bago pumunta sa  tinitirhan ko. E 'di sana, nag-out of the country muna ako. Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko at ipagkasya sa manipis na poste nang gumawi ang tingin ni ate roon. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ay papalapit na siya sa gawi ko. Akma akong tatakbo nang mahuli niya ang teynga ko. "Tinataguan mo pa ako! Eh iyang dibdib mo na lang, lutang na sa poste!" Napatawa ako. Nakakatawa si ate Trialyn, oh. Akala mo walang dibdib! Eh mas doble ang kanya sa akin! "Si Ate ko, galit-galitan na naman. Naku ate, huwag ka magalit sa akin. Sinisipat ko lang tong poster. Baka kasi matumba sa kagandahan nating dalawa. Kita mo naman! Nagsama na naman tayo, talbog sila sa lupit ng kamandag ng mga babae sa pamilya!" "Naku, Shai!" "Aw!" Hinila ni ate ang aking teynga. Napasunod ako sa kanya. Agad naman niya iyong binitiwan. Sa totoo lang, si ate ay kabaliktaran ko. Siya ang pinakamatino sa aming magkapatid. "Anong nangyari sa iyo?" Napanguso ako noong sinipat niya ako. Medyo marumi ang aking damit. Hinawakan pa niya siko ko na may sugat. "Naku, Shai!" "Ate, nagpraktis kasi ako sumalo ng bomba! Ayun, mukhang 'di na ako tutuloy. Nanghuli kasi ako ng palaka!" sagot kong ikinawit ang kamay sa braso niya. "Baka gusto mo akong palitan. Ikaw nalang ang sumali ng bomba!" biro kong dahilan para kurutin ako sa tagiliran. "Tigilan mo ako, Shai. Maghanap ka na nga lamang ng taong magpapatino sa iyo! Baka sakaling magamot pa pagkalokaret mo!" Soon ate! Soon. Makikita mo akong hindi makabasag pinggan. Makikita mo akong hindi na muling lilingunin ang dating ako. Soon... But... Not now!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD