Reese's POV
Huling araw ng Foundation Day ngayon, friday. Tapos na ang fund raising at sarado na rin ang booth namin pero may concert ngayon ang December Avenue sa Campbell kaya kailangan pa rin naming pumasok. Sayang din ang ticket na binili namin. Required kasing bumili dahil 'yon ang pinakamalaking fund raising na gagawin ng Campbell University na ido-donate nila sa charity.
Pagkarating namin ni Cielo sa school ay bumili kaagad kami ng pagkain at humanap na ng puwesto. It's already three in the afternoon at thirty minutes na lang, magsisimula na ang concert. Puno na ang venue at medyo malapit kami ni Andrea at Cielo sa stage. They're into December Avenue's songs kaya gusto nila na nasa unahan kami. I'm more on international musics but I appreciate OPM too.
I clicked the power button of my phone to see if there's a message from Gideon, but there's none. Mula kagabi, hindi na siya nag-text sa akin. Wala namang bago. He's always like that. But I can't blame him. Itinutulak ko siya palayo but there are times I'll pull him again just to hurt him all over as if it's just a game to me. But no, he doesn't know how hard it is for me too.
"May hinihintay ka?" Nagulat ako nang sumulpot sa tabi ko si Bryan. Busy sa pagkain si Cielo at Andrea kaya hindi nila napansin si Bryan sa tabi ko na biglang dumating. Himangala na mag-isa siya dahil parati niyang kabuntot si Simon o kaya ay si Toby.
"W-Wala." Itinago ko na ang cellphone ko at hindi na siya kinibo pa. Honestly, I don't want to talk to him anymore magmula nang mangyari 'yong nangyari sa Publiq. Pero siya itong kausap nang kausap sa akin at nagsalita na naman siya.
"Look, Reese. I'm sorry for what I've said while we're on the Publiq last time. I'm just drunk that night and--" I cut him off.
Nilingon ko siya at ngumiti nang pilit. "You don't have to be sorry, Bryan. You know my past and you tried to use it against me. Doon pa lang, ayaw ko nang makita o marinig ka pa kahit kailan."
Napakamot siya sa ulo niya. "I just don't want Gideon and Henry fighting over someone like you, Reese." Natigilan ako. Para niya akong nilait dahil sa sinabi niya. No, hindi parang. Kasi nilalait niya talaga ako. He's trying to slap me with my past right now.
Sa inis ko ay humarap ako sa kaniya. I can feel the edge of my eyes heating up. "You don't have any idea what I've gone through, Bryan. Wala kang alam sa nangyari noon kaya stop acting as if you know everything because you don't."
He smirked and touched my chin. "Say whatever you want. Kapag nalaman ni Henry o ni Gideon ang totoo tungkol sa 'yo, sila na mismo ang kusang lalayo sa 'yo," bulong niya sa akin at pagkatapos ay umalis siya.
Naikuyom ko ang kamao ko nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Why do someone use other's past to hurt them? Bakit ko ba kasi hinayaang saktan ako ng mga tao? Hindi ako dapat nagpapaapekto kay Bryan. What did I ever do to deserve this? Wala naman akong ginawang mali sa ibang tao, pero ito 'yong isinusukli sa akin. Damn it.
Natigil lang ako sa pag-iisip ng tungkol doon nang lumabas na ang December Avenue sa stage at nagsimulang kumanta. Cielo, Andrea, and all of the students are singing along with them. Pero 'yong mata ko, iba ang hinahanap.
I was hoping for him to be here. Pero kahit isang text or chat, wala pa akong nare-receive galing sa kaniya.
Bulong by December Ave is my favorite song among all of their songs. Kaya nang kinanta nila 'yon ay napangiti ako. Eksakto pang madilim na rin ang kalangitan dahil lumipas na ang maraming oras. Pero wala pa rin siya.
"Hindi masabi, ang nararamdaman. Hindi makalapit..." The crowds and I started to sing along while the others are waving their hands on the air. I'd prefer this scenery if he's around.
"Sadyang nanginginig na lang, mga kamay na sabik sa piling mo..." Napapikit ako saglit until I felt a hand touching mine kaya napalingon ako sa tabi ko, and all my anxiousness faded away just by seeing his familiar smile. "Ang iyong matang walang mintis, sa pagtigil ng aking mundo..." Nagtama ang mga mata namin.
"I'm sorry I'm late..." Gulo-gulo na naman ang buhok niya pero 'yon ang mas lalong nagpaguwapo sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit pa alam kong hawak niya pa rin ang kamay ko, hindi ko magawang magreklamo. Instead of pulling my hand away from him, I held it tighter. Gusto nang tumulo ng mga luha ko pero pinigilan ko 'yon. Pagod na akong itulak siya palayo.
Pagod na akong magkulong sa kung ano ang mayroon ako sa nakaraan. For once, I want to choose myself. Kasi noon, pakiramdam ko kapag pinili ko ang sarili ko at magmahal na ulit, sasaktan na naman ako. That's how love is. Paulit-ulit kang sasaktan hanggang sa wala nang matira sa 'yo and I'm afraid to feel that emptiness all over again. Sagad na sagad na ako. Pagod na akong punan ang iba habang nauubos ako.
I'm not sure of how I feel about him now. Basta ang alam ko lang, I'm happy when he's around. I get the feeling of excitement when I'm receiving his messages from time to time. Ang alam ko lang, itong nararamdaman ko, this is not just an infatuation. Hindi ko alam at naguguluhan pa rin ako.
Pero kapag inaaalala ko ang lahat nang nagawa ko noon, will he be able to accept me? Even if I'm not as good as he thinks? Magagawa pa kaya niya akong piliin? Gideon, are you different from others?
"Ako'y alipin ng pag-ibig mo, handang ibigin ang 'sang tulad mo..." Sumabay si Gideon sa pagkanta. As if he's saying the lyrics to me. Nakakapanghina ang mga titig ng mga mata niya sa akin. "Reese, I like you--no, scratch that. I love you."
Kahit maingay ang paligid, rinig na rinig ko pa rin ang tinig niya nang sabihin niya 'yon. At pakiramdam ko nang mga oras na 'yon, parang kaming dalawa lang ang nandoon kahit pa sobrang daming tao. Nawala ang focus ko sa concert at sa kaniya na ang buong atensiyon ko. What's this? Why do I feel like this again?
Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Just give me a chance to prove myself to you. Let me court you. Please."
Bawat salita na sinasabi niya, lahat nang 'yon tumatagos. Why do you have this kind of effect on me, Gideon? Bakit sa 'yo ko 'to nararamdaman? A bad boy nursing student who frequently gets in trouble. I promised myself that I won't love someone like him. But here I am. Nakikita ko na naman ang sarili ko sa situwasyon na 'to, kung saan alam kong anytime ay masasaktan ako.
"Gideon..."
He smiled at nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya, hugging me. Nanlalaki ang mata ko. This is the second time that he's hugging me at halos maghuramentado na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k. Hihiwalay na sana ako nang mas humigpit pa ang yakap niya.
"Even if you say no, I'll still court you. Babaliin ko na ang sinabi ko noon, Reese. I'll let you turn me down, six times, or even a hundred times. Pero hindi kita susukuan. Break me to pieces but I'll still crawl back to you. Sa 'yo pa rin ang uwi ko, Reese. Remember that." The smell of his shirt lingers in my nose, hindi lang 'yon. Mabilis din ang t***k ng puso niya kaya napangiti ako. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tiningala siya.
"Who told you I'll say no?" Napangiti siya at ginulo ang buhok ko.
"Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag..." He held my hand as he sing along the song. "...ng mga bituin."
Pansamantala, hinayaan ako ng isip ko na makalimot. Hinayaan ako ng tadhanang maging masaya. I can't admit it at first because I'm indenial to myself. I thought I'd never feel this to anyone again. But right now, standing beside Gideon, I've realized something.
I like him. I'm falling for Gideon Timothy Perez. And I know what the consequence of this, but forget it. For a minute there, I just want to forget.