Reese's POV
Pabagsak akong napaupo sa bench ng Lobby at napahawak sa ulo ko. Nakapapagod din pala ang pag-oorganize ng ganitong klaseng booth. It's been almost four days and students keep on coming especially Henry is cosplaying a ghost. 'Yong mga students, imbis na matakot sila sa kaniya ay nagpapa-picture pa. Feeling ko tuloy, dumarami lang 'yong customer namin dahil kay Henry.
"Tara sa convenience store," pag-aaya ni Cielo na kasama si Andrea. Mukhang sarado na rin ang booth nila Andrea katulad ng amin kaya nagyayaya na siya ngayon. Naglakad kami palabas ng campus at wala na masyadong estudyante na makikita. Siguradong punong-puno na naman ang Campbell sa friday lalo pa't may concert at guest ang December Avenue.
That's the most awaited event of Campbell every time na dumarating ang foundation week. Mayroong concert na nagpapa-hype sa mga students lalo pa't sikat na mga banda ang kinukuhang guest ng Campbell.
"Si Gideon, o! Gideon!" Napatingin ako sa tinuro ni Andrea kaya namataan ko si Gideon na naka-lean sa pader at naninigarilyo. Saglit siyang sumulyap sa akin at kumaway sa direksyon namin. Ngayon ko lang ulit siya nakita magmula kahapon sa event ng mga representative. Uwian na nila pero ang ayos pa rin ng hitsura niya. His hair is still messy as always and his brown eyes are shining especially when the sunlight illuminates it.
Namalayan ko na lang na lumapit na pala siya sa amin. "Saan punta niyo?" Nang nasa harap na namin siya ay inilaglag niya ang sigarilyo at tinapakan 'yon.
"Sa convenience store. Sama ka?" aya ni Cielo. Ngumiti naman siya at tumango. Hindi niya ako pinapansin and I know exactly why. Hindi ko rin naman ine-expect na kauusapin niya pa ako, e. Mabuti na rin 'to. Kahit nang makarating kami sa convenience store, kumuha lang siya ng energy drink pagkatapos ay nagpaalam na siya sa amin dahil may pupuntahan pa raw siya.
Umupo kami sa bakanteng table at doon muna nagpahinga. It's really a tiring day for us. Lalo na kay Andrea na errand girl daw ng booth nila. Kawawa naman.
"Habang tumatagal, mas gumaguwapo si Gideon, 'no?" sabi ni Andrea. Hindi ako makapaniwalang siya pa talaga ang pag-uusapan namin. "Pero mas guwapo talaga si Henry, e."
"I beg to disagree--" Natigilan ako sa sinabi ko. Miski sila, nagulat din. "I mean, I beg to disagree. Kasi pareho naman silang guwapo. And playboy for sure!"
"I disagree din! Henry is handsome, yes! But he's not like your ex na playboy--"
"Andrea!" suway sa kaniya ni Cielo. Napariin ang hawak ko sa water bottle na hawak ko. Pareho na silang natahimik at alam ko na pareho nilang iniiwasan ang pagkuwentuhan ang nakaraan ko for a lot of reasons. I get them, really. They think na kapag napag-usapan namin 'yon ay mahihirapan na naman ako, and they are right about it.
"It's okay. You're right. They're not like him." I smiled at kumain na lang sa siopao. Natahimik sila hanggang sa matapos kaming kumain at bumalik na kami sa campus para kuhanin ang mga gamit namin.
Papalabas na kami ng campus nang maalala ko ang rubber shoes ko na naiwan ko sa locker room. "Mauna na kayo sa parking lot! May kukuhanin ang ako!"
Nagtatakbo na ako kasi uwing-uwi na rin ako. Sigurado, naghihintay na sa akin si Ramiel dahil tuesday ngayon at maaga ang uwi niya. Alam niyang ipagluluto ko siya.
Pagkarating ko sa locker room ay kinuha ko na ang sapatos at tumakbo na palabas ng gym pero natigilan ako nang makasalubong ko si Gideon. Natigilan din siya sa paglalakad pati ang babaeng katabi niya na nakasuot ng kapareho niyang uniform. Is she his classmate? A friend? A girlfriend? And why do I care so much? At bakit ganito? Parang gusto ko siyang komprontahin kahit wala namang dahilan. What the hell is happening to me lately?
Wala naman na akong dapat pakialam tutal ako rin naman ang may gusto na malipat na ang atensyon niya sa iba. Gideon, he reminds me of my past and I don't want to get through those pain again.
Nilagpasan ko na sila at nagtatakbo sa parking lot. Hindi rin naman ako kinausap ni Gideon kaya hindi ko na siya pinag-aksayahan ng oras. Para saan pa? Magkasama lang naman sila at nag-uusap. I shouldn't be acting this way. Para akong tangang umaasa na tatawagin niya ako and he will explain himself for what I saw. Para akong bata.
"Reese, nandito na tayo." Cielo snapped her finger in front of my face at doon ko lang na-realize na nasa harap na pala kami ng condo.
"Sorry for spacing out. Salamat pala sa paghatid, do you want to come and stay for a while?" Umiling naman siya. Alam niya kasing nandoon si Ramiel. I don't know why they hate each other so much. Ayaw kong magtanong kasi ayaw nila pareho na nababanggit ang pangalan ng isa't isa. Pero lately, hinahanap sa akin ni Ramiel si Cielo. Kapag tinatanong ko naman siya kung bakit, hindi naman niya ako sinasagot o kung minsan ay magkikibit balikat lang siya na para bang hindi niya rin alam kung bakit.
"Bukas, susunduin kita. Seven ng umaga, a! Don't be late!" sigaw ni Cielo mula sa loob ng kotse at nag-drive na siya paalis.
Pagpasok ko sa condo, naabutan ko si Ramiel na naghuhubad ng polo niya. "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya. Dumiretso ako sa sofa at pabagsak na humiga roon.
Napaisip tuloy ako. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? I feel like s**t for feeling this way. I just saw Gideon with a girl, pero 'yong pakiramdam na nararamdaman ko ngayon, hindi ko 'to gusto. I know what this is yet I'm denying it to myself.
"You're spacing out, Reese. Mukha kang tanga riyang bumubulong sa hangin," sabi ni Ramiel at tawang-tawa pa siya kaya hinagisan ko siya ng unan. "Kung tungkol na naman 'yan sa lalaki, cut the crap, Reese. The last time you're like that wasa long time ago. I don't want to see you being that wrecked girl again--"
"Ramiel, I'm sorry." Napalingon siya dahil sa sinabi ko. Mayamaya pa ay umupo siya sa tabi ko then he tapped his legs as if he's telling me to get close to him.
"Come here," sabi niya kaya naman ginawa kong unan ang mga hita niya. Ramiel and I aren't like the usual twins. We rarely talk kahit kaming dalawa lang sa condo. Bihira din naming pakialaman ang desisyon ng isa't isa kasi gusto naming may privacy pa rin kami. But whenever I need someone to listen to me, he'll hear me out. Lalo na nang mangyari ang lahat.
He saw me at my worst. He was my shoulder to cry on and I feel safe when he's around. Alam niya kung kailan ako vulnerable at frustrated. And now, he knows I'm both.
"You will be okay, Reese. I'm here. I'll always be here." He let me rest at namalayan ko na lang na kinakarga na niya ako papasok sa kuwarto ko at tuluyan na akong nakatulog.
-------------
Kinabukasan, mas dumoble ang dami ng estudyanteng pumapasok sa booth. Kaya nang maghapon na ay nagpahinga muna kami ni Cielo. Huling araw na pero grabe pa rin 'yong customers.
"Puwede na kayo bumisita sa ibang booth, Reese! Kaya na namin 'to! Ang dami niyo nang ginawa, e," sabi ni Samantha. Sumang-ayon naman ang mga kaklase namin kaya sinamantala na namin ni Cielo ang pagkakataon para pumunta sa ibang booth.
But my feet betrayed me. What am I doing here in front of the cafeteria? Just because I saw Gideon and that girl again, eating inside.
"Reese, ano'ng ginagawa natin dito? Sabi mo gusto mo i-try 'yong booth nila Andrea?" Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. I was just wondering why Gideon was so happy earlier when I saw him.
"Nagugutom ako. Order ka ng pagkain natin," sabi ko pero ang mata ko, nakapako lang kay Gideon. Is he playing with me? After saying that he likes me, he'll be flirting around like this? Tama nga ako. Wala siyang pinagkaiba sa lalaking 'yon. Para akong tanga. I'm contradicting myself. I want to divert his attention from something else, yet when he does it, I act like he did something terrible to me.
"Reese, hala! Ganoon ka na ba kagutom at ganiyan na hitsura mo? Sige, ito na bibilhan na kita!" Nagmamadaling umalis si Cielo at nagpunta sa counter. Kusa naman ang mga paa ko na lumapit sa table nila Gideon kaya napalingon silang pareho sa akin. What the hell am I doing right now?
"Reese..." Gideon uttered my name at nawala ang ngiti ng babaeng kausap niya.
"Hi!" Kinawayan ako ng babae pero nakatingin lang ako sa kaniya. How rude. Hindi ako ganito pero hindi ko rin alam kung bakit ko 'to ginagawa. "Gusto mong sumabay--"
"'Yong kaibigan ko kakain din, kayo na lang ang magsabay." My voice is a bit heavy. Kaya napatayo si Gideon at nilingon ang babae.
"I'll be back, Shane. Mag-uusap lang kami." At nagawa pa talaga niyang magpaalam? Huh!
"Hell, he's not coming back," pabulong kong sabi at hinila ako ni Gideon palabas sa cafeteria. Dinala niya ako sa gilid ng gym kung saan walang dumaraan. Sinamaan ko siya ng tingin at inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin.
Ginulo niya ang buhok niya at seryosong tumingin sa akin na para bang hindi na niya alam ang nangyayari sa akin. "Why so rude all of a sudden, Reese?" Hinawakan niya ang baba ko pero mariin kong hinawi ang kamay niya.
"Don't talk to me, asshole!" Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit galit ako at bakit ko 'to nasasabi. I tried so hard to stop myself from doing this yet here I am.
"Asshole? What are you talking about?" Nangunot ang noo niya at nagpameywang sa harap ko.
"You said you like me, then how come you're talking to someone else?!" Galit ang ekspresyon ko pero mas lalo pa akong nagalit nang ngumiti siya at para bang pinipigilan niyang matawa. "And now you're laughing at me! May nakakatawa ba sa sinabi ko?!"
"You said we're just friends--"
"Yes! But you should've atleast pick someone better than me--oh crap!" Napatakip ako sa bibig ko. s**t, ano na ba 'tong mga sinasabi ko? And now he's smiling from ear to ear. Masaya pa siya na nagagalit ako sa kaniya? The audacity of this guy!
"You know jealousy is a childish act, Reese." Kinukutsya niya ako. And now, what I've said days ago, backfired me. Ngayon, nakangisi na siya na para bang natutuwa siya sa reaksyon ko. Did he plan for this to happen? "You're jealous."
"I'm certainly not! Bahala ka nga sa buhay mo! You know what? Talk to other girls as long as you want. Hindi na kita aabalahin--" Natigilan ako nang inisang hakbang niya ang pagitan namin at niyakap niya ako. Hindi ako makapagsalita at tanging mainit na braso niya lang ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yon.
"I don't know if this is a progress but I'm happy. Atleast I know there's a chance for you to fall for me, too. Hihintayin ko, Reese. Maghihintay ako. Even how long it takes, I'll wait for you to heal." Hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi but for a while, I wanted us to stay that way.
Pero rumagasa ang memorya ng nakaraan kaya naitulak ko siya na ikinagulat niya. "I-I'm sorry, Gideon."
Tumakbo ako dahil ayaw kong makita niya ang luha ko. Why is it that when I'm starting to be better, my past will come back to life just to bother me? Ano pa ba ang dapat kong gawin? I've been way too hard on myself for the past years. Gusto ko nang maging masaya. Pero hindi ko magawa kasi natatakot pa rin ako.
"Look at what you've done to me. Now, I'm destroyed and I can't even accept anyone anymore." Tumingala ako sa langit at tumulo ang luha sa mga mata ko. This is how pain feels like. It's overpowering your whole system until you can't love anyone anymore.