Reese's POV Pagkalapag na pagkalapag namin sa Zambales kasama si Mom and Dad ay pumunta kaagad kami sa restaurant para kumain. I feel so exhausted from the flight from Manila to Zambales. "May regalo kaming dalawa sa inyo," ani Dad at nagkatinginan sila ni Mommy kaya napatigil naman kami ni Ramiel sa pagkain. "Ito kasing Dad niyo, naisipang regaluhan kayo dahil dito na kayo titira nang matagal na panahon. Come on, show them," sabi naman ni Mommy kay Dad na may kinuha sa bulsa niya. Dalawang jewelry box, ang isa ay kulay red habang ang isa naman ay itim. Dad gave me the red one and the black one is for Ramiel. "Buksan niyo na," utos ni Dad na kaagad naman naming ginawa ni Ramiel. Pareho kaming nagtaka kasi walang ibang laman 'yon kung hindi susi. "Dad, para saan 'to?" naguguluhang ta

