Cielo's POV Malakas akong napasigaw kaya napatingin silang lahat sa akin. Mabuti na lang at wala pa ang Prof namin dahil kung hindi ay mayayari talaga ako. s**t na buhay 'to! "Hoy, Cielo. Anong nangyayari sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Reese sa akin at umupo siya sa tabi ko. "Nababaliw ka na naman." Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw? Ramiel and I kissed, an indirect one. He kissed me! Sagad sa buto ang galit at inis ko sa lalaking 'yon, but last saturday, I allowed him to kiss me like that. Ano ang dapat kong gawin? Nababaliw na ako pero hindi ko masabi kay Reese 'yong nangyari. Ayaw kong malaman niya pero gusto ko ring ikuwento. Unang-una, hindi ko alam kung ano ang nangyari at bakit bigla na lang ang pakitutungo sa akin ni Ramiel. Parang kailan lang ay kung ano-ano ang sinabi ko

