Reese's POV
"Finally! The hell week ends today!" sigaw ni Cielo pagkalabas na pagkalabas namin ng room kaya lahat ng nandoon sa hallway, kahit mga hindi namin kakilala ay sumigaw rin at naghiyawan.
That was hell of a week. The exams were hard even after reviewing. Siguro kung hindi ako nag-review ay malamang na wala talaga akong masasagot doon. Mabuti na lang talaga at sinapian ako ng kasipagan para mag-review.
"Tara sa Publiq mamaya?" aya ni Cielo kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit? Gusto ko lang mawala ang stress sa isip ko dahil sa exams kanina."
"Oo na, oo na!" sabi ko at nag-text kay Gideon na nakalabas na kami. Caeden didn't show up the whole week. Wala siyang kahit isang exam pero hindi na rin siya hinanap sa akin ng mga prof. It's a good thing though. Mabuti naman at hindi na siya ulit nagpapakita.
"Hey..." Hinawakan ni Gideon 'yong beywang ko at hinalikan ako sa noo nang magkita na kami. I'm still not used to this pero dahil pa lagi niyang ginagawa sa akin 'yon ay unti-unti na akong nasasanay. "How's your exam?"
"Not bad," sabi ko na ikinangiti niya. "How about you?"
Nagkibit balikat siya. "Ganoon din." Kahit naman hindi ko siya tanungin n'on ay sigurado akong magiging mataas ang results ng exam niya. Kahit 'yong mga problem solving items nga sa reviewer ko ay alam niya kahit pa magkaiba naman kami ng course. He's indeed a genius.
"Gideon, pupunta kami sa Publiq mamaya. Sama ka?" tanong ni Cielo sa kaniya. "Dala ka ng mga kaibigan mo para naman makahanap na rin ako ng taong hahawak din sa beywang ko pagkatapos ng klase."
Natawa naman kami pareho ni Gideon. "Okay, okay. I'll ask Kuya H to come and bring some guys with him." Lumawak naman ang ngiti ni Cielo dahil doon at napailing na lang ako.
Dumiretso kami ni Gideon sa condo pero umuwi rin siya kaagad para makaligo at may usapan kaming magkikita na lang sa Publiq.
"Where are you going?" tanong sa akin ni Ramiel nang mapansin niyang naligo na naman ako at ready nang umalis.
"Sa Publiq. Sama ka?" pag-aaya ko sa kaniya kahit alam ko namang hindi siya pumupunta sa ganoong klase ng lugar. Umiling naman siya bilang sagot kaya hindi na ako nagtaka kasi expected ko na rin naman. He hates crowded places so much.
"I saw Caeden yesterday..." Natigilan ako at umiwas ng tingin. He saw him. They bumped into each other and now I can't hide it from him, that Caeden is now back and ruining my life again. "... I told him to stay away from you or else I'll break every bones in his body."
Napangiti naman ako. Ramiel cares for me more than anyone. He even went out of his way to tell that to Caeden, but I know that guy. He's not going to stop even after hearing that.
"Thank you, Ramiel." Niyakap niya ako at pagkatapos ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"You're glowing, huh? Is this the result of falling in love again?" pang-aasar niya kaya hinampas ko siya nang mahina sa braso. "I'm glad you're okay now, but remember, don't get too attach."
"Yeah, yeah. Thank you for reminding me." Lumabas na ako para sa lobby na lang ng condo ko hihintayin si Cielo. Sabi kasi niya na sabay na lang daw kami pupunta and knowing her, sigurado akong ayaw niyang makita si Ramiel kaya bumaba na lang ako para hindi na magtagpo pa ang landas ng dalawang 'yon. Akala mo mortal na magkaaway, e.
Nasa elevator pa lang ako ay may unknown number na tumawag bigla. It was because Caeden called me last time that's why every time I get a call from an unknown number, iniisip ko kaagad na siya 'yon at kinakabahan ako.
I sighed and answered it. "Hello, who's this—"
"You really blocked my number, huh?" boses ni Caeden ang bumakas sa kabilang linya kaya nanlaki ang mata ko. Damn it. "I had to buy another sim card I could call you, you know. You're cruel."
"f**k off," sabi ko pero tinawanan niya lang ako. Mabuti na lang at mag-isa lang ako sa elevator dahil kung hindi ay pinagtitinginan na ako ngayon dahil sa lutong ng pagmumura ko.
"Let's meet. I'll send you the address," aniya na para bang normal lang na sabihin na magkita kami.
"Why would I meet you?" inis kong tanong pero bumuntong hininga siya sa kabilang linya.
"I told you, I get to decide about these things and toys like you should just behave," walang emosyon niyang sabi na lalo kong kinainis. Just when everything is going smooth with my life, he'll come and just ruin it. Paulit-ulit na lang, ganoon ang nangyayari. Gusto ko nang putulin ang nag-uugnay sa aming dalawa dahil sa totoo lang ay ayaw ko na siya makita kahit kailan. I hate him so much.
"Tigilan mo na ako, Caeden. Tama na 'yong ginawa mo sa akin dati at ayaw ko nang maulit pa 'yon. Goodbye—" I was about to end the call when he spoke.
"What if I told you that if you didn't come to the address I'll send you, I will find Gideon and tell him about your past and what happened to us that time?" aniya. Naikuyom ko ang kamay ko at napapikit ako sa galit. He's manipulating me and blackmailing me again. Bakit ba pa lagi na lang niya akong ginaganito? And now, he's using my past to play with me. "I could take my time telling how much fun we had three years ago, you know."
"f**k you," mariin kong sabi at napalunok ako. "Don't you ever talk to Gideon."
"If you don't want me to, then come to the address I'll send you." Ibinaba niya 'yong call at naiwan ako roong nagagalit sa sarili ko. Ito na naman ako sa situwasyong namamanipula niya ako. Calm down, I need to think.
I texted Gideon and Cielo, sinabi ko sa kanila na male-late ako ng punta sa Publiq at sinabi ko rin kay Cielo na huwag na akong daanan. Mayamaya pa ay naka-receive na ako ng text message kay Caeden.
Sumakay na ako at nang makarating doon ay nakita ko siyang naghihintay sa labas ng restaurant. He smiled when he saw me but I remained poker face. Gusto ko siyang sigawan at gusto ko siyang saktan nang mga oras na 'yon pero nanatili akong kalmado dahil ayaw kong magkagulo pa rito. Gusto ko ng tahimik na buhay pero ayaw niya akong patahimikin.
"You really came," natatawa niyang sabi at akmang hahawakan niya ako pero tinabig ko 'yong kamay niya. "How cruel."
"Let's get this over with. Bakit mo ba ako pinapunta rito? I'm busy and—" he cut me off and pulled my hand. "Caeden, ano ba?! Bitawan mo ako!"
"We're going to eat inside. What else do you think I invited you here?" aniya at hinila ako papasok sa isang mamahalin na restaurant. Bilang lang ang mga taong nandoon pero halata mo sa kanila na mayayaman. "When was the last time we dated?"
"I don't know at wala akong balak alalahanin." Tinawanan niya lang ako at pumunta kami sa table na pina-reserve niya raw. "Take your time picking your order. It's my treat. What do you want?"
"I want to leave," sabi ko kaya napatingin sa akin 'yong waitress na nakatayo sa tabi ng mesa namin. "Caeden, I have no time for this."
"If you don't want me to talk to Gideon, you're going to eat with me right now and just shut up." Nagngitngit ang ngipin ko sa galit pero kinalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong gumawa ng eskandalo sa ganoong klaseng restaurant. It's okay, I just have to eat and leave.
Nang maka-order na kami at dumating na ay nagsimula na kaming kumain. Nakatingin lang siya sa akin dahil ang bilis ko kumain. "Calm down. Gusto mo bang mabilaukan?"
"Hindi, gusto ko nang umalis." Hindi ko na siya tiningnan at nang matapos na akong kumain ay tatayo na sana ako nang hilahin niya 'yong kamay ko.
"Sit down, Reese." Halata mo sa kaniyang badtrip na siya. Good. I want to spoil his mood, gusto kong matanggal 'yong ngisi niya na kinaiinisan ko sa lahat.
Ngumisi ako at tinanggal 'yong pagkahahawak niya sa akin. "Good. I want to see you so pissed off that you can't smile anymore."
Hindi siya nakapagsalita kaya bumalik na lang ako sa pagkakaupo. Gusto ko nang makita si Gideon. I want to hug him and I want to feel his kisses. Pakiramdam ko ay nawawala ang lahat ng iniisip ko tuwing nakikita ko siya at nakakasama.
"Thank you, sir. Balik po kayo," sabi ng crew nang lumabas na kami ng restaurant.
"I'm going—" aalis na sana ako nang humarang siya sa harap ko. "What do you want now? Halos dalawang oras na kitang kasama. Sinadya mo pa ngang bagalan 'yong pagkain mo. Ano pa bang gusto mo?"
He sighed. "I'll take you to the place you're going. Gabi na, ayaw kitang iwan mag-isa."
Kumunot 'yong noo ko. "Why do you care anyway? Right now, I'm with the most dangerous person I know so you don't have to worry. I'm going to be okay as long as you're away from me."
"Stop pissing me off," aniya at hinila 'yong braso ko. Sa sobrang higpit n'on ay napangiwi ako. "You're going to follow everything I say."
Dinala niya ako sa sasakyan niya at pinuwersa ako na umupo sa passenger's seat.
"Where are you going?" tanong niya at ini-start 'yong engine ng kotse.
"Sa Publiq," sabi ko para matapos na 'to. Para hindi ko na siya makita. He started driving at walang nagsasalita sa amin. Wala akong balak na kausapin siya kahit kailan.
"We're here," aniya at lumabas na ako. Nagdire-diretso na ako sa paglalakad pero narinig kong tinawag niya ako. "Reese!"
Nilingon ko siya. "What now?"
"Don't block me," sabi niya na ikinangisi ko.
"Tama na, Caeden. Tigilan mo na ako. Masaya na ako kaya dapat maging masaya ka na rin." Kahit anong ulit ko 'tong sabihin sa kaniya ay para bang wala pa rin siyang balak pakinggan ako, pero hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na sana ay hayaan na lang niya ako.
"I'm not letting go—"
"Reese..." Napalingon kami sa gilid at doon ko nakita si Gideon. His angry face is visible and he's looking at me as if he's asking me why am I with Caeden.
I sighed. Why is this happening to me, really?