Chapter 40: Our Dream

1523 Words
Chapter 40 Our Dream Reese's POV Nang matapos ko nang i-print ang survey form para sa research paper namin, pabagsak na akong humiga sa kama. I looked at my wrist watch. It's already lunch time. Tapos ko na ang mga projects and activities para pagkatapos ng exam ay wala na akong requirements na poproblemahin. It's sunday and usually, Gideon will come and help me on my project pero mukhang busy siya ngayon. But it's our second month, we should be celebrating it by now. Tinawagan niya ako kanina pagkagising niya at binati, pagkatapos n'onay hindi na niya ako tinawagan o mag-send man lang ng message. What the hell is wrong with me? I'm thinking like a child again. I should be the matured one in our relationship, but look at me now. Hindi lang ako mabigyan ng kaunting atensyon ay ganito na kaagad ako mag-isip. "Reese, magluto ka! Nagugutom ako!" sigaw ni Ramiel mula sa labas ng kuwarto ko kaya napasapo na lang ako sa ulo ko. This guy! Alam naman niyang tadtad din ako ng school works ngayon, sumabay pa siya sa iniisip ko, e normally, he'd jut order fast foods para ide-deliver na lang. Damn it. Inayos ko lang 'yong kuwarto ko dahil medyo magulo na at nakakalat pa ang ilang rejected research papers ko sa study table. Pagkalabas ko ng kuwarto ay naglalaro si Ramiel ng video games habang kumakain ng chocolates. "Ano pong gusto mong kainin, boss?" sarkastikong tanong ko. Siya kasi lagi ang nagde-decide kung ano ang uulamin namin o ano ang lulutuin ko. "Forget it. May nagluluto na sa kusina." Nangunot ang noo ko kaya pumunta ako sa kusina, only to find out that Gideon is there. Teka, paano siya nakapasok in the first place? Don't tell me, pinapasok siya ng kapatid ko? Akala ko ba ay hindi sila in good terms ni Ramiel? Lumapit ako sa kaniya, he's wearing my apron. Basang-basa siya ng pawis at magulo na naman ang buhok niya. Bahagyang naka-loose ang butones ng suot niyang long sleeves. "What are you doing here?" nagtataka kong tanong. Hindi ko alam na papapasukin siya ni Ramiel. Lalong hindi ko alam na pupunta siya rito para magluto, dahil ni hindi man lang niya ako tinawagan o sinabihan na pupunta siya. Hindi rin naman siya nagplano kaya akala ko nga ay matatapos ang araw na 'to nang hindi kami nagkikita dahil pareho kaming busy. "Cooking and baking," he answered. Doon ko lang napansin na bukod sa mga ingredients sa lulutuin niyang ulam, mayroon ding flour and baking ingredients. "You didn't tell me you know how to cook." Umupo ako sa stool at pinanood ang bawat galaw niya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Suwabe ang bawat galaw niya, para siyang expert na sa kusina. Ngayon ko lang din nakita ang side niya na 'to. "Culinary Arts is my first choice ever since when I was a child," sabi niya nang hindi man lang ako tinitingnan. Focus na focus siya sa pagluluto ng paboritong ulam ni Ramiel na pininyahang manok. Nagpapalakas yata para maging maayos na sila. He's really trying his best to earn Ramiel's trust and knowing my brother, basta makakain siya ng favorite niyang pagkain ay ayos na siya. "Then why switch to BS Nursing?" I asked. Gusto kong makinig sa mga kuwento niya. Kahit ano pa 'yan, handa kong pakinggan. "My mom suffered from a severe mental disorder and as I grew up, she wasn't there to guide me. She died without me doing anything about it. I wanted to be someone who can do something for her but she died. Bago pa ako maging nurse, nawala na siya," aniya kaya mapait akong napangiti. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kaniya. Ngayon niya lang nasabi ang tungkol sa sakit ng Mama niya. 'Yon siguro ang tinutukoy ni Cielo noon kung bakit umuwi from States to Manila si Gideon. Dahil nawala na ang Mom niya. "You're a good son, Gideon." Yumakap ako sa kaniya mula sa likod habang nagluluto siya. "You're good in everything." Gusto kong malaman niya kung gaano ako kasaya at siya ang minahal ko. "But I'm not good at behaving." Muntik na akong mapatili nang buhatin niya ako at iupo sa counter part ng lababo at halikan ako. His kisses were passionate and deep. "Gideon!" I hissed. Tumingin ako sa labas ng kusina. "Baka makita tayo ni Ramiel!" "Edi mainggit siya, para maghanap na siya ng girlfriend." Napangiti ako at hinalikan na naman niya ako. "Let's live together—" "No!" --------- "Sorry for making you wait." Naka-pout na si Gideon habang nakaupo sa waiting shed at naghihintay sa akin. Lunes na kasi at kakatapos lang ng first day ng exam namin, it was like hell earlier. Kahit anong review ko ay mayroon pa ring mga items sa exam na hindi ko maintindihan. Lalo na sa Accounting. "Ayos lang. Hangga't sa akin ka lang sasabay, kahit maghintay pa ako nang isang buong araw." He held my hand at nagtaka ako nang papunta kami sa parking lot. "Hindi naman dito ang daan palabas, e!" asik ko sa kaniya pero ginulo niya lang ang buhok ko. Wala na masyadong sasakyan sa parking lot ng Campbell since it's already seven pm. Nagtaka ako nang huminto kami sa harap ng isang Ducati motorcycle na black matte ang kulay. Halatang bago pa ito. Iniabot niya sa akin ang isang helmet. "Ano'ng gagawin ko riyan—" Hindi na ako nakatapos pa nang siya na ang nagsuot n'on. "This baby is mine, as well as you. Tatlo na kayong baby ko. Itong Ducati, my car, and especially, you." He winked kaya hinampas ko siya pero tinawanan niya lang ako. "Kuya J's friend let me have this. Babayaran ko 'to sa loob ng isang taon." Teka, kakabili niya lang ng sasakyan at bumili na naman siya ng panibago at motor naman ngayon? "You're a wreckless driver." Sinamaan ko siya ng tingin. 'Yon ang totoo. Nang isang beses niya akong ipinagmaneho gamit ang sasakyan niya, muntik pa kaming may mabanggang jeep. Though after that, hindi na ulit 'yon nangyari. "You're with me. I'll protect you so hop in." Itinuro niya ang likod niya kaya wala na akong nagawa. Pagkasakay ko ay kinuha niya ang dalawa kong kamay at inilagay niya sa lower chest niya. It was hard, nag-gy-gym din ba siya? "Hold on to my abs," sabi niya. Ang yabang talaga ng isang 'to, e. "Huwag muna tayong umuwi. May pupuntahan pa tayo," sabi ko sa kaniya. Bahagya niya akong nilingon. May suot siyang helmet kaya hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya. "Itatanan mo na ba ako?" Umarte pa siya na para bang pagsasamantalahan ko siya. "Ate, huwag po—aray!" Hinampas ko siya ng bag ko. "Mananahimik ka o iiwan kita rito?! Tara sa Sta. Mesa. I have something to show you." "Yes, Baby. Hold on tight." He started the engine and drove. Mas maingat na siya ngayon kaysa noon at hindi siya nakikipaggitgitan, hindi tulad ng ibang motor riders na akala mo ay hinahabol ng mga demonyo. Nang makarating kami sa Sta. Mesa ay ipinara niya ang kotse niya sa isang bakanteng lote kung saan ko itinuro. Hinubad ko ang helmet kaya hinubad niya rin ang kaniya at sabay kaming napatingin sa paligid. Wow, it's been a while since the last time I came here and that time, I was alone. Madilim banda rito at mayroong harang ang lote. This is a great spot. Nasa kanto ito ng dalawang highway kaya ito ang napili ko. "What are we doing here?" tanong niya. I held his hand at hinila ko siya para makita namin ang kabuuan ng lote. "Bata pa lang ako, gusto ko na magkaroon ng sarili kong Coffee Shop. My dad supported me since it is connected to business." Nakatingin lang sa akin si Gideon at pinapakinggan ang lahat ng sinasabi ko. "And you mentioned about your dream of being a certified pastry chef..." Itinuro ko ang lote. "... Let's buy this someday. Sabay nating palaguin ang coffee shop and a partnership with pastries and cakes. Sabay nating buuin ang pangarap natin nang magkasama." Iniharap niya ako sa kaniya at napansin kong paluha na ang mga mata niya. "You're seeing yourself with me on the future?" Hindi magkamayaw ang saya na bumakas sa mukha niya. Ako rin, Gideon. Masaya ako na sinasabi ko ngayon sa 'yo 'yong pangarap ko. Dahil ikaw 'yong gusto kong kasama habang binubuo ko 'yon. Nakangiti akong tumango. "Yes, Gideon. So, don't leave me, okay? Kahit ano'ng mangyari, pakiusap, huwag mo akong iwan." Tumango siya at niyakap ako nang mahigpit. "What we have right now, I don't want it with someone else. Let's be like this. Forever," he uttered. Gusto ko nang sabihin sa kaniya ang totoo, gusto ko nang umamin. "But my past—" He kissed me before I could even talk. "I don't care about your past or who you were before I came. I love you." Napangiti ako at tumango. Mas lalong napanatag ang loob ko. Finally. I will move on and this time, I have Gideon with me. Everything will be okay from now on, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD