Chapter 28: Home

2109 Words
Reese's POV "Take care, Reese. Bantayan mo 'tong kapatid mo, a. Alam mo naman 'yan, kahit ganiyan kaguwapo at mukhang matured ay isip bata pa rin 'yan." Sinamaan ng tingin ni Ramiel si Mama na tawa lang nang tawa. Hindi pa ba siya nasanay kila Mommy? Pa lagi naman silang ganito sa kaniya dahil talaga nga namang isip bata itong si Ramiel. Though there are times that he scolds me for doing hasty decisions in life. Sadyang mas marami lang talaga 'yong time na childish siya kaysa matured. "Ramiel and I will go home sa summer vacation. Promise! I love you both!" Niyakap ko silang dalawa ni Dad at sumakay na sila sa taxi na ipinara ni Ramiel sa harap ng condo. Ngayon na kasi sila babalik sa Zambales para sa business namin. Hindi naman sila puwedeng magtagal dito dahil pareho silang nagtatrabaho para muli na naming mabalik 'yong kompanya at pera na nawala sa amin. So, we get them for things like this. Umakyat na kami pareho sa unit at pumasok na sa kaniya-kaniya naming kuwarto. Tomorrow is the New Year's eve pero dalawa na lang kaming mag-ce-celebrate ni Ramiel. Nasanay na rin naman kasi kami na ganito. We can't be like in the past. Habang tumatagal kasi ay mas dumarami ang pangangailangan namin and our parents are doing everything they can to give us what we need. Pagkapasok ko sa kuwarto ay nag-scroll lang ako sa social media dahil wala pa akong message na natatanggap kay Gideon. Si Cielo lang ang text nang text sa akin mula kagabi kesyo ayaw na raw niya sa New York, doon kasi sila nag-celebrate ng vacation with her whole family. Wala raw kasi ako ro'n pero masaya raw siya kasi maraming guwapo. Sayang daw hindi siya makakapag-uwi ng souvenir. And when she said souvenir, she means a man. Kaya hinayaan ko na lang siyang i-chat ako nang i-chat tungkol sa mga guwapong nakakasalamuha niya ro'n. Sana raw makapag-asawa siya ng americano para kapag nagkaanak siya, iba ang kulay ng mata. Grabe ang goal ng gaga. "Reese," rinig kong sabi ni Ramiel sa labas ng kuwarto ko kaya kaagad akong tumayo para pagbuksan siya. He's wearing a casual attire at may dala siyang bag. "Where are you going?" Mukhang aalis siya at nakasapatos pa siya. "Going to Ian's house. I'll be there for two days." Bagsak ang balikat ko. I'm used to him being out on holidays and special occasions like this pero iiwan na naman niya ako nang mag-isa? Last time okay lang kasi sinamahan ako ni Cielo, pero ngayon, ako lang talaga mag-isa. "Sige, ingat ka." I waved my hand. Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Wala rin naman kasi akong magagawa. Hindi ko naman gustong pigilan siya kung doon niya gusto mag-celebrate ng new year sa best friend niya. "Lock the door and the windows. Don't let any stranger in, maliwanag?" Tumango ako at umalis na siya. Alam din naman niya na magkukulong lang din ako rito sa kuwarto hanggang lumipas ang media noche. Pabagsak akong humiga sa kama at napabuntong hininga habang tinitingnan 'yong cellphone ko na wala man lang kahit anong message o call galing kay Gideon. What is he doing right now? I want to know. I want to text him, pero ayaw kong isipin niyang hinihintay ko siyang mag-text sa akin. God, what is wrong with me?! I really want to message him pero kinakain ako ng hiya kaya hindi ko magawa. Ang ending, hinayaan ko na lang siya kahit pa nag-aalala ako. Nang maghapon ay umulan nang malakas at napakalamig sa buong condo. Para akong nagyeyelo lalo na sa room ko. Wala pa rin ni isang message from Gideon. It's been almost twenty three hours since the last time he texted me. Panay check ako sa phone ko kasi baka hindi lang lumalabas sa notification, pero wala talaga. Humiga ako sa kama at patulog na sana nang tumunog ang doorbell kaya kaagad akong bumangon at nagtatakbo palabas. Pagkabukas ko, I was expecting for Gideon, kasi baka naisipan niya talagang umuwi dahil 'yon ang bukang bibig niya parati. But it was a bellboy. Bagsak ang balikat ko. "A-Ano po 'yon?" Bakit ko nga ba inaasahang uuwi siya? He's in Davao for pete's sake! And he's not contacting me. May nangyari ba sa kaniya? Hindi ko alam. Naiinis ako kasi wala akong lakas ng loob na tanungin siya kung ano na ang nangyari sa kaniya. How pathetic, Reese. "May delivery po kayo sa lobby," sabi ng bellboy kaya naman agad akong bumaba sa lobby at lumapit sa reception desk para i-claim 'yong order. Baka kasi um-order si Ramiel online nang hindi sinasabi sa akin kaya ganito. "I'm here to claim the delivery." May inilabas siyang pipirmahan ko kaya naman kaagad ko 'yong pinirmahan at iniabot niya sa akin ang isang maliit na red box. A jewelry box to be specific. "A delivery from Gideon Perez to Reese Buenavella is now delivered," sabi ng babae sa front desk sa kausap niya sa cellphone. Teka, Gideon? So, hindi 'to kay Ramiel? What the hell is happening, really? Agad ko namang binuksan ang box at nangunot ang noo ko nang walang laman 'yon bukod sa isang sticky note. Is this a prank? Kung prank man 'to, bakit kailangan pa niyang magsayang ng pera para lang magpadala sa akin ng sticky note? I'll deliver the gift myself, Baby. - G. Perez Nanlaki ang mata ko at lumingon sa paligid pero kahit anong lingon ko, wala naman siya. Is he playing a trick on me? Sakto namang nag-ring ang cellphone ko at naka-register ang name niya. "Hoy, Gideon! Nasaan ka ba, huh?! Stop playing me around--" he cut me off. "Come up here. I've been waiting outside your unit, Baby." Nanlaki ang mata ko at nagtatakbo pabalik sa elevator para makaakyat na ako. My hands are trembling and my heart is pounding so fast. Nanginginig na rin ang kalamnan ko. When the elevator opened, nagtatakbo ako pabalik sa unit at natigilan ako nang makita ko siya. He was sitting on the floor and leaning on the door. He's wearing a gray coat and a red and white striped tie. He stood up and smiled the moment he saw me. Wala akong inaksayang oras, I closed the gap between us and hugged him as tight as I could. Nanghihina ako at ang tanging gusto ko lang nang mga oras na 'yon ay yakapin siya. All my loneliness and frustration faded away. He's here. Gideon is here. Hindi ko na kailangang aminin sa sarili ko 'yong totoo dahil alam ko, I missed him. "P-Paano ka nakauwi?" Halos maluha-luha na ako habang nakayakap pa rin sa kaniya. I didn't know I'd be this clingy to him. But I missed him. Badly. "Bus. Twenty-four hours ang byahe so I didn't text you because I want you to miss me so much. And it works." Bumungisngis siya at niyakap niya ulit ako nang mahigpit. "I told you, I'll come home, Baby." Pinapasok ko siya sa condo at hinubad naman niya ang coat niya. Mabuti na lang at wala si Ramiel dito kung hindi ay hindi ko mapatutuloy si Gideon sa loob. Bahagyang basa ang suot niya pati ang magulo niyang buhok. Then, he started coughing. "Hey, are you okay? Teka! Ang init mo!" I touched his forehead at napaso ako sa init niya. "Bakit ka ba kasi sumugod sa ulan? Bumyahe ka nang masama ang pakiramdam mo? You're so careless--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang yumakap siya sa beywang ko habang nakaupo sa sofa. "I'm okay now. Especially that you're here. Nothing feels like home than being by your side, Reese." Hindi ako umimik at hinayaan ko lang siya na gawin 'yon dahil ramdam ko kung gaano niya kagusto na magkita kami. Humiwalay lang siya nang hilong-hilo na siya kaya pinahiga ko siya sa sofa. "Stay here. Ipagluluto kita." Pumasok ako sa kusina at nagluto ng soup. I was busy preparing when the door opened. "Reese, I'm home!" Nanlalaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Ramiel kaya nagtatakbo ako palabas ng kusina. Oh s**t! Kapag nag-abot sila ni Gideon, patay ako! Patay kami! Pagkalabas ko ay nanlalaki ang mata ko dahil wala na si Gideon sa sofa. Did he ran away? Where is he? Saan siya pumunta sa ganitong oras ng gabi? s**t! "Bakit ganiyan hitsura mo? Para kang nakakita ng multo," nagtatakang sabi ni Ramiel. "Napaaga uwi ko, rito na lang ako kaysa ro'n sa bahay ni Ian. Para may kasama ka." Hinubad niya ang sapatos niya at prenteng umupo sa sofa. "Uh, it's okay kahit hindi ka na umuwi. No! I mean, it's okay if I'm alone here." Hindi ako makapaniwalang nasabi ko 'yon. "May niluluto ka? Anong mayroon? May bisita ka? Atsaka bakit basa 'tong sofa? Lumabas ka ba?" Ang daming tanong ni Ramiel. Akala mo detective at ako ang kriminal. Nanginginig din ang kamay ko sa kaba at pag-aalala kay Gideon. Nasaan ba siya? Umalis ba siya bago dumating si Ramiel? He's sick so why did he leave? "Hoy, ayos ka lang ba talaga?! Baka masunog na niluluto mo sa kusina!" sigaw niya kaya awtomatiko akong bumalik sa kusina at tinapos ang niluluto ko. Pagkapasok ni Ramiel sa kuwarto niya ay bumalik na rin ako sa kuwarto ko pero pagkasara ko ng pinto ay may nagtakip ng bibig ko at yumakap sa akin mula sa likod. "Hey, it's me." Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses niya. Pero napakainit pa rin ng katawan ni Gideon na nakadikit na sa akin ngayon. "I ran away here before Ramiel entered the condo. Alam kong hindi pa niya alam." Binitawan niya ako at humiga siya sa kama ko. I covered him with my comforter at hiyang-hiya ako dahil nakita na niya ang buong kuwarto ko. Siya pa lang ang nakapasok na lalaki rito bukod kay Ramiel. Habang tulog siya ay naglatag ako ng comforter sa sahig at inilagay ko roon ang ibang unan ko. Rito na lang ako matutulog. Ayaw kong pauwiin si Gideon ngayong ang taas ng lagnat niya. Lalo pa't sigurado ako na wala siyang kasama sa bahay nila dahil sila Henry ay nasa Davao pa. Pagkaayos ko ay pinakain ko siya ng niluto kong soup at pinainom ng gamot. Sigurado akong nabigla ang katawan niya dahil sa byahe at pagkatapos ay dumiretso pa siya rito imbis magpahinga. He's looking at me as I came out from my bathroom wearing my pajama. Kaya hiyang-hiya ako. "Magpahinga ka na. Go home tomorrow, nandito na si Ramiel. Baka mahuli ka niya rito. He'll kill me kahit wala naman tayong ginagawa," sabi ko at hihiga na sana sa sahig nang hilahin niya ang braso ko at mapalapit ako sa kaniya. I can feel his breath in my face. He looked at my lips and bit his own. Pagkatapos ay tiningnan niya ulit ako sa mata. "I won't do anything unless you want me to, Baby. Promise." Umiwas ako ng tingin. "Magpahinga ka na, Gideon..." "Can I kiss your forehead?" tanong niya na ikinatigil ko. Hinawi pa niya 'yong buhok ko na humarang sa mukha ko at inilagay niya 'yon sa likod ng tainga ko. Without a second thought, tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Mayamaya lang ay napapikit na ako nang maramdaman 'yong labi niya sa noo ko. Even his lips felt warm. "I miss you, Reese. I've been having a hard time in Davao because you're not there. Do you know how much that torments me? You really have to make it up to me." Nakatitig na naman siya sa labi ko at sabay angat sa mata ko. He's been doing that and it makes me feel like he wants to kiss me pero hindi niya ginagawa. "H-How?" I don't know why I feel this way when he's near. I'm not disgusted, I'm not even afraid. I feel secured. Because he promised that he won't do anything unless I say so. "Wear this. Everyday," sabi niya at inilabas sa bulsa niya ang isang gold necklace with a small pendant of a house. "It's a constant reminder that you are my home. Forever. You're mine, Reese. Kahit anong mangyari, sa 'yo at sa 'yo pa rin ako uuwi." Lumapit siya at isinuot sa akin ang necklace. "Once you took that off, I'll punish you." Kumindat siya at niyakap ako. Natulog siya sa kama ko habang nasa sahig naman ako. Paggising ko kinabukasan ay gusto kong sumigaw sa gulat kasi katabi ko na siya at nakayakap pa siya sa akin. Kaya binatukan ko siya. "What?! Nalaglag lang ako sa kama!" mahinhang sigaw niya habang nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD